Saturday , May 28 2022
Keith Martin

American Singer Keith Martin natagpuang naaagnas sa condo, namatay sa heart attack

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus Medina, heart attack ang ikinamatay ng sikat na American singer at songwriter na si Keith Martin, na nagpasikat ng awiting Because of You.

Ayon kay Medina, nakasaad sa inilabas na death certificate na Acute Myocardial Infarction, dulot ng Atherosclerotic Coronary Artery Disease o bara sa ugat ng puso, ang naging dahilan ng pagkamatay ni Martin, 57, residente sa Lafayette Condominium, Brgy. Bagumbayan, Quezon City.

Batay sa inisyal na ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong 9:00 am noong 20 Marso 2022 nang huling makitang buhay si Martin ng maintenance personnel ng gusali, matapos ayusin ang water leakage sa loob ng unit ng biktima.

Dakong 10:46 am, 25 Marso 2022, nang maamoy ng mga tenant sa kabilang condo unit ang masangsang na amoy na nanggagaling sa condo unit ng singer kaya’t agad itong ipinagbigay-alam sa manager ng nasabing condominium na si Christine Lleno.

Kinatok ni Lleno ang pintuan ni Martin ngunit walang tumugon kaya’t nagpasya silang buksan ang nasabing unit hanggang tumambad ang naaagnas nang bangkay ng biktima.

Samantala, nabatid na noong 25 Marso 2022, ang saksing si Diana Dayao, dating live-in partner ni Keith, ay personal na nagpunta sa tanggapan ng CIDU upang magbigay ng sinumpaang pahayag.

Sinabi ni Dayao na dinalaw pa ng yumaong singer ang kanilang anak noong 21 Pebrero 2022, ngunit noong 12 Marso 2022 ay nagpahiwatig umano ito sa kanya na masama ang pakiramdam at nananakit ng tiyan.

Anang QCPD, naimpormahan na nila ang embahada ng Estados Unidos sa Maynila hinggil sa insidente habang ang kapatid ni Martin na si Veronica ay binigyang pahintulot si Diana Dayao na irepresenta ang naulilang pamilya.

Kaugnay nito, nagpaabot si Medina ng pakikiramay sa mga naulila ni Martin. “I want to express my sincere condolences to the family of the deceased for their loss. I also want to thank the people who immediately reported the matter upon discovery thereof. The case would not have been immediately acted upon without them. Muli, ang aming pakikiramay sa mga naulila.” (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …