Monday , May 19 2025
arrest posas

Rapist na Top 6 MWP timbog sa Pampanga

ARESTADO ang isang puganteng nakatala bilang top 6 most wanted person (MWP) ng Pampanga sa inilatag na manhunt operation ng mga awtoridad nitong Linggo, 27 Marso, sa bayan ng Mexico, sa naturang lalawigan.

Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Robin Sarmiento, provincial director ng Pampanga PPO, kinilala ang suspek na si Ariel Pamintuan, 27 anyos, nakatira sa San Guillermo Village, Brgy. Tinajero, bayan ng Bacolor.

Nadakip si Pamintuan 11:20 am kamakalawa sa Brgy. Pandacaqui, sa nabanggit na bayan, sa inilatag na manhunt operation ng magkasanib na puwersa ng Mexico MPS, Bacolor MPS, Pampanga PIU, RIU3, Pampanga 2nd PMFC at 2nd nd Platoon, 302 MC RMFB3 sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Grace Yeroo, hepe ng Mexico MPS.

Nahaharap ang suspek sa kasong Rape (RPC ART 266-A) with Homicide na inamyendahan ng RA 8353, walang itinakdang piyansa batay sa inihaing warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mary Anne Padron-Rivera ng San Fernando, Pampanga RTC Branch 46.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting police station ang suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumentong ihaharao sa korte para sa pagdinig sa kanyang kaso. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Xian Gaza Isko Moreno

Yorme Isko bubuwelta sa mga naninira; Post ni Xian Gaza binura?

I-FLEXni Jun Nardo ISANG matapang na tanong  ang inilabas sa Yorme’s Choice page sa Facebook nitong nakaraang mga araw. …

Rice, Bigas

P20 rice program isusulong sa Navotas

MAAARI nang makabili ng halagang P20.00 kada kilo ng bigas ang mga residente ng Navotas …

Motorcycle Hand

Operasyon ng motorcycle taxi company ‘status quo’ – LTFRB

MANANATILI ang operasyon o ‘status quo’ ang pagbiyahe ng motorcycle taxi na Move It. Inihayag …

Walang budget sa manual recount ng boto – Comelec

INIHAYAG kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na kinakailangan munang amiyendahan …

Comelec Ballot Election

63 nanalong partylists, ipoproklama ngayon

INAASAHANG ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes, 19 Mayo, ang mga nagwaging partylist …