Friday , March 6 2026

News

Eleazar lumahok sa El Shaddai Walk of Faith

Guillermo Eleazar El Shaddai Walk of Faith

KAILANGANG makapaghalal  ng mga Filipino ng mga lider na tuwid ang pag-uugali at may takot sa Diyos dahil ang mga katangiang ito ang tiyak na gagabay sa kanila sa pagsulong ng kaunlaran kahit may mga problemang kinakaharap ang bansa, ayon kay senatorial candidate Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar. Ibinigay ni Eleazar ang pahayag, matapos dumalo sa “Walk of Faith” Mass and …

Read More »

Lacson senatorial bet
‘WAG PASILAW SA ENTERTAINMENT POLITICS — PIÑOL

Manny Pinol

HUWAG mabulag sa kung ano-anong pakulo ng ibang kandidato. Ito ang panawagan ng senatorial bet ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na si dating Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol sa mga Filipino na bobotong muli ng mga bagong opisyal ng gobyerno ngayong halalan sa Mayo 2022. Inihayag ito ni Piñol sa harap ng libo-libong tagasuporta ni Lacson at kanyang running …

Read More »

Higit 60K ‘KakamPing Tunay’ nagpakita ng solidong suporta sa Lacson-Sotto tandem

Ping Lacson Tito Sotto

TINATAYANG umabot sa mahigit 60,000 Filipino na nagnanais ng bagong liderato ang dumagsa sa Quezon Memorial Circle (QMC) nitong Sabado, 9 Abril, para ipakita ang kanilang taos-pusong pagsuporta sa kandidatura nina presidential bet Panfilo “Ping” Lacson at running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.  Tinaguriang “Pure Love| ang nasabing rally na dinaluhan ng ilang mga sikat na …

Read More »

SERBISYO SA BAYAN PARTY NI BELMONTE PA RIN SA QC
Gian Sotto sa Vice, Atayde sa Congress

Joy Belmonte Gian Sotto Arjo Atayde

HALOS lahat ng kandidato ng lokal na partidong Serbisyo sa Bayan Party ni Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte ang iboboto ng mga residente ng lungsod. Ito ang naitala sa huling pag-aaral o ‘independent at non-commissioned survey’ na ginawa ng RP Mission and Development  Incorporated (RPMD), lumalabas na si Mayor Joy Belmonte pa rin ang napupusuang maging punong-lungsod ng mga …

Read More »

‘Cocaine user’ na prexy bet, inaabangan sa narco list ni Digong

Duterte narcolist

INAABANGAN ng publiko ang bagong narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kabilang rito ang sinabi niyang ‘cocaine user’ na presidential bet. Ayon kay Communications Secretary at acting presidential spokesman Martin Andanar, wala siyang ideya kung maglalabas si Pangulong Duterte ng bagong narco list o listahan ng mga politikong sangkot sa illegal drugs gaya ng ginawa niya noong 2019 elections. …

Read More »

Para sa mga kaalyadong kandidato
PTV-4 GAMIT NI DUTERTE SA KAMPANYA

041122 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte ang sumuway sa sariling direktiba na huwag mangampanya para sa mga kandidato sa 2022 national elections. Isinahimpapawid ng magkasunod na gabi, Sabado at Linggo, sa state-run People’s Television Network Inc. (PTNI) programang The President’s Chatroom na nagsilbing anchor si Pangulong Duterte na nag-interview sa kanyang mga ineendosong senatorial candidates. Sa unang episode …

Read More »

Todo proteksiyon ng health workers sa Lacson-Sotto tandem siniguro ni Dra. Padilla

Minguita Padilla Ping Lacson

MAWAWALA ang mga kaso ng atrasadong pasuweldo, pagkakait ng benepisyo, maanomalyang transaksiyon, at iba pang isyung nakaaapekto sa pagbibigay ng pampublikong serbisyong pangkalusugan kung si presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ang susunod na mamumuno sa Malacañang.                Pagtitiyak ito ni public health advocate at senatorial aspirant Dra. Minguita Padilla na nangakong itutuloy niya ang pagsusulong sa Senate Bill No. 2498 …

Read More »

Sistemang masasandalan ng ordinaryong obrero PING BUBUO NG MSME

Ping Lacson MSME

HINDI pa masabi kung magkakaroon ng batas laban sa endo (end of contract) o kontraktwalisasyon, binubuo ng grupo ni independent presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ang sistemang titiyak sa kasiguruhan ng trabaho para sa mga manggagawa. Sa anim na pahinang dokumentong inilatag ng policy team ni Lacson, isang pangmatagalang employment deal ang naghihintay sa mga manggagawang edad 18-55 anyos na …

Read More »

5-year budget plan para sa next PH prexy — Cayetano

Alan Peter Cayetano

PINAYOHAN ni Senatorial Candidate at dating House Speaker at kasalukuyang Taguig Representative Alan Peter Cayetano na kailangang mayroong limang taong plano para sa pananalapi sa kanyang administrasyon ang isang mananalo o susunod na pangulo ng bansa. Ayon kay Cayetano higit na matutulungan ang bawat pamilyang Filipino na maiangat ang kanilang kabuhayan lalo ngayong panahon ng pandemya. Binigyang-linaw ni Cayetano, walang …

Read More »

Dagdag sahod suportado ng OFW Party-list

OFW Party-list Jerenato Alfante

SUPORTADO ng OFW Party-list ang mga panukalang nagdadagdag ng sahod sa mga manggagawa lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunsod ng walang tigil na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon kay OFW Party-list 2nd Nominee Jerenato Alfante, hindi biro ang presyo ng mga bilihin sa kasalukuyan lalo na’t lubhang apektado ang lahat ng sektor. …

Read More »

Libro ni Rio Alma para kay VP Leni ilulunsad sa Abril 17 

Virgilio Almario Leni Robredo

HINIMOK ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si  Virgilio Almario o kilala rin bilang Rio Alma  na bumuo ng  220 pahinang antolohiyang pinamagatang Lugaw ni Leni, Pink Patrol, KKK, kakampik, atbp.. na suportahan ang libro. Laman ng libro sina G. Almario at Aldrin Pantero, ang patnugot ng halos 200 pahina ng piling-piling tula, maiikling kuwento, sanaysay, liham, maging …

Read More »

Legarda inudyok ang mga kapwa kandidato na ilahad ang mga platapormang pang-seguridad

Loren Legarda

Hinimok ni Antique representative at kandidata sa pagka-Senador na si Loren Legarda ang mga kapwa niyang kandidato na ilahad ang kanilang mga plano at palataporma para sa pambasang seguridad at kaligtasan. “Ang mga planing ito ay mahalaga upang makamit natin ang ligtas na pagbangon ng mga mamamayan at ng bansa,” sabi ni Legarda sa inagurasyon ng Office of the Dean, …

Read More »

Bilyong pondo matitipid sa ‘full disclosure policy’ ni Robredo

Leni Robredo Antonio Trillanes

IPATUTUPAD ni Vice President Leni Robredo ang “full disclosure policy” sa lahat ng transaksiyon sa gobyerno sakaling mahalal bilang pangulo ng bansa. “Alam naman natin na bilyon-bilyon ang nawawala sa mamamayan dahil sa katiwalian,” ayon kay dating senador Antonio “Sonny” Trillanes, na kilalang fiscalizer sa gobyerno. “Ilang milyong pabahay na ‘yan? Ilang kilometro ng farm-to-market roads? Ilang magsasaka, mangingisda o …

Read More »

CA Justice Bruselas inireklmo sa SC

supreme court sc

SINAMPAHAN ng kasong administratibo sa Korte Suprema si Court of Appeals (CA) Associate Justice Apolinario Bruselas, Jr., dahil sa gross inefficiency matapos abutin ng ilang buwan, lagpas sa reglementary period na itinakda sa Rules of Court bago magpalabas ng desisyon sa isang Writ of Habeas Corpus petition. Sa 16-pahinang reklamo ni Pharmally Secretary Mohit Dargani sa SC – Judicial Integrity …

Read More »

Sa Angono, Rizal
RIDING-IN-TANDEM TUMAKAS SA CHECKPOINT BUMULAGTA SA HABULAN

dead gun police

INAALAM ng mga awtoridad ang pangalan ng dalawang suspek na napatay sa enkuwentro nang tangkaing tumakas sa isinasagawang Oplan Sita sa bayan ng Angono, lalawigan ng Rizal, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 6 Abril. Ayon kay Angono PNP Chief of Police, P/Lt. Col. Ferdinand Ancheta, dakong 1:00 am kahapon nang takasan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo ang nakalatag …

Read More »

Mag-amang ‘kawatan’ nasakote sa Bataan

arrest, posas, fingerprints

SA MAAGAP na pagresponde ng mga awtoridad, naaresto nitong Martes, 5 Abril, ang mag-amang pinaniniwalaang tandem sa pagnanakaw sa mga indibidwal at establisimiyento sa lalawigan ng Bataan. Sa ulat na ipinadala ni P/Capt. Gerald Quiambao, hepe ng Bagac MPS kay P/Col. Romella Velasco, provincial director ng Bataan PPO, kinilala ang mag-amang suspek na sina Ronnie Soriano, at Jerson Soriano, kapwa …

Read More »

Freelance liaison sumibat sa checkpoint tiklo sa baril at granada

checkpoint

ARESTADO ang isang lalaking lumabag sa ipinatutupad na checkpoint sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, na nahulihan siya ng mga awtordidad ng baril at granada na nasa kanyang sasakyan nitong Martes ng umaga, 5 Abril. Ayon kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang suspek sa anti-criminality checkpoint operation na inilatag ng mga tauhan ng …

Read More »

Tulong serbisyo sa OFWs ilalapit ni Robredo

Leni Robredo

WALANG mahabang pila sa paglalakad ng requirements kapag presidente na si Vice President Leni Robredo, hindi na dapat pang magtungo sa Metro Manila ang kahit sinong overseas Filipino workers (OFWs) para magproseso ng travel documents at magsumite ng requirements. Ayon kay dating Congressman Teddy Baguilat, tumatakbong senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan tandem, alam ni VP Leni kung ano ang hirap …

Read More »

Robredo angat pa rin vs Marcos sa Google Trends, kahit sa ‘Solid North’

Leni Robredo Bongbong Marcos Google Trends

ANGAT pa rin si Vice President Leni Robredo sa kapwa kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand Marcos, Jr., kahit sa mga lugar sa tinatawag na Solid North, pagdating sa Google Trends, na eksaktong nasusukat ang interes ng mga botante sa isang partikular na kandidato. Noong 1 Abril, una pa rin si Robredo kay Marcos, 51.3 kompara sa 34.3, pagdating sa …

Read More »

Legarda hinikayat ang food security ngayung Filipino Food Month

Loren Legarda Food Security

Hinikayat ni Antique congresswoman at senatorial candidate Loren Legarda na pausbungin ang pagkaing Pilipino sa selebrasyon ng Filipino Food Month sa pamamagitan ng pagtulong sa mga maliliit na negosyong pangagrituktura, lalo na ng mga mangingisda at magsasaka, at sa paggamit ng mga kasangkapan sa tradisyunal na lutong Pilipino. “Ipinakita ng COVID-19 pandemic kung gaano ka-vulnerable ang ating mga food supply …

Read More »

Pagkolekta ng P203-B Marcos estate tax hamon ng political will

marcos duterte

POLITICAL WILL lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para makolekta ang P203-B estate tax sa pamilya Marcos. Ito ang hamon ni dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) commissioner at International Center for Transitional Justice Senior Expert of Programs Ruben Carranza kay Pangulong Duterte. Giit niya, kung napakadali para kay Pangulong Duterte ang kumuha ng buhay ng libo-libong Filipino, …

Read More »

Tsibog na ayos at masarap daragsain ng turista – Lacson, Piñol

Ping Lacson Manny Piñol

PARA mahikayat ang mga lokal at dayuhang turista na tangkilikin ang magagandang destinasyon sa ating bansa, sinisiguro ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na magkakaroon ng seguridad sa pagkain ang bawat rehiyon upang maging abot-kaya sa lahat. Sa mahal umano ng mga bilihin, gayondin ang mga gastusin sa paglalakbay, kabilang ang presyo ng pagkain sa mga dinarayong lugar ay may …

Read More »

Alternatibong pagkukuhaan ng koryente sisinupin ni Ping

Ping Lacson

ODIONGAN, Romblon — Tiniyak ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na madaragdagan pa ang mga impraestruktura para sa pagpapalakas ng paggamit ng renewable energy upang magkaroon ng sapat na supply ng koryente ang malalayong lalawigan at isla sa bansa. Inihayag ito ni Lacson sa kanyang pagbisita nitong Lunes (4 Abril) sa bayang ito, kausap ang ilang mga mamamahayag at ipinaalam …

Read More »

CoVid-19 vaccine para ‘di masayang,
HOUSE-TO-HOUSE VACCINATION, UTOS NI DUTERTE

040622 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang house-to-house vaccination upang hindi masayang ang biniling CoVid-19 vaccines ng pamahalaan. Sa kanyang Talk to the People kagabi, ipinaliwanag ng Pangulo na titiyakin niyang hindi masasayang ang mga nakaimbak na CoVid-19 vaccines dahil magbabahay-bahay ang mga manggagawang pangkalusugan ng pamahalaan upang maseguro na matuturukan ng bakuna ang hindi pa bakunado. “So …

Read More »