Thursday , May 26 2022
Kier Legaspi Ping Lacson Tito Sotto

Kier sa totoo lang, suporta ibinigay kina Ping-Tito 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TEAM Ping Lacson-Tito Sotto pala ang sinusuportahan ni Kier Legaspi. Ibinando niya ito sa kanyang Instagram account nang ipost ang mga picture nang pagsama niya sa mga rally ng Ping-Tito tandem.

Caption nga niya sa mga picture niya, “Suportado ko ang mga totoo!”  na ang ibig  sabihin niya’y sina Ping at Tito lamang ang totoong kandidato para sa pagka-presidente at bise presidente sa kanya sa Mayo 9.

Kaya bukod kina Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K, Pauleen Luna, Jose Manalo, Wally Bayola, Marissa Sanchez, Ciara Sotto, Iwa Moto, at marami pang iba, makikita rin na sumasama sa kampanya ang nakababatang kapatid ni Zoren Legaspi.

Panay din ang post ni Kier ng mga photo ng mga nakakasama niya sa rally tulad nina Iwa, Ciara.

Iginiit ding sinabi ni Kier na, “So proud to support the two most qualified candidates for this coming election. #5Lacson #9Sotto #votewisely.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Sheryl Cruz rams david kuya germs

Sheryl loyal sa ACTMS dahil kay Kuya Germs

RATED Rni Rommel Gonzales SAMPUNG taon na si Sheryl Cruz sa pangangalaga ng Artist Circle Talent Management Services ni Rams …

Ryza Cenon

Ryza natutulala sa pagiging ina

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Ryza Cenon ang hirap ng pagiging first …

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Marian sa friendship nila ni Rhea Tan: May kontrata kami for life! 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PINATATAG na ng panahon ang pagkakaibigan nina Marian Rivera Dantes at Beautederm CEO …