Friday , March 24 2023
Nagpakilalang miyembro ng NPA LALAKING TITSER ‘NASAKOTE’ SA PANGINGIKIL

Nagpakilalang miyembro ng NPA
LALAKING TITSER ‘NASAKOTE’ SA PANGINGIKIL

NASAKOTE ng mga operatiba ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director P/MGen. Eliseo DC Cruz ang isang 26-anyos lalaking guro, nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pangingikil sa ilang paaralan sa NCR kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Jake Dedumo Castro residente sa Brgy. Zapote, Las Piñas City makaraang malambat sa entrapment operation sa nasabing lugar.

Alinsunod sa programa ni  CIDG Director P/MGen. Cruz, pinangunahan ng CIDG-NCR sa pamamagitan ng kanilang flagship program na Project OLEA – Oplan Salikop, ang operasyon laban sa suspek, katuwang ang iba pang Intelligence Unit sa NCR.

Ayon sa ulat ng CIDG, modus ng suspek na magpadala ng mensahe gamit ang gmail account na [email protected]  sa ilang private schools at nagpapakilalang miyembro ng NPA-Special Tactical Force, upang mangikil ng halagang P2 milyon sa principal ng paaralan kapalit ang pananakot na aatakehin ang eskwelahan kapag hindi nakiisa at nagbigay ng kanilang hinihinging halaga.

Dahil dito, dumulog sa pulisya ang pamunuan ng hindi pinangalanang private school at agad naglatag ng operasyon na nagresulta  sa pagkakasakote sa suspek.

Nasamsam sa suspek ang iba’t ibang gadgets na gamit sa transaksiyon, 12 guage ammunition, caliber revolver at isang motorsiklong Honda XRM, may plakang OY9956.

Nabatid sa CIDG, mahigit 30 private schools sa Taguig, Parañaque, Pasay, Muntunlupa, Makati, Mandaluyong, Pasig, at Quezon city ang nakaranas ng  pananakot mula sa modus ng suspek.

Tukoy na ng CIDG ang kasabwat ng suspek at kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

Samantala, nagpaalala si P/MGen. Cruz sa mga pribadong paaralan sa bansa na patuloy na makiisa at magtiwala sa pulisya. Huwag magpatakot sa sinomang grupo at agad na dumulog sa tanggapan ng CIDG sa oras na makaranas ng kahalintulad na ‘modus.’

“This only proves that our elements on the ground are dedicated to give actions sa anomang ilapit ng ating mga kababayan. Hindi biro na ang isang sibilyan ay makatanggap ng pananakot but please don’t hesitate na dumulog sa ating CIDG Field Units para agad kayong matulungan sa abot ng aming makakaya  para masugpo ang anomang modus at makapagbigay ng tamang hustisya,” ani P/MGen. Cruz.

Patuloy sa pagsasagawa ng intelligence operation ang CIDG upang matuldukan ang modus ng grupo. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …