Thursday , November 21 2024

News

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

Black

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong mapagkakatiwalaan, makatao, intelihente, at may pagmamahal sa bansa ang dapat iboto sa darating na May 2025 midterm elections.  Ang Independent Minded Group (IMG) ay isang boses ng mga mamamayan, mga magbubukid, laborers, guro, estudyante, at trabahador, ay humihikayat sa mga Filipino na ang kanilang mga …

Read More »

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

COMELEC Vote Election

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para mapawalang bisa ang joint venture ng  Commission on Elections (Comelec) at poll service provider na Miru System. Ayon kay Erice, dapat nang ideklarang null and void  ng SC ang kontrata sa pagitan ng Comelec at  MIRU matapos mag-withdraw ang local partner  nito na St. Timothy. …

Read More »

PH public schools kapos sa principal

Principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga pampublikong paaralan, bagay na makakamit kung babaguhin ang mga lumang polisiyang nananatili sa Department of Education (DepEd). Mahigit kalahati ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang walang punong guro. Sa isang pandinig na pinamunuan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), iniulat ng DepEd …

Read More »

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang kanilang kakayahan sa paglaban sa malakihang operasyon ng money laundering sa bansa. Sa plenary debate sa Senado tungkol sa panukalang pambansang badyet para sa 2025, ipinahayag ni Pimentel ang kanyang pagpuna sa AMLC sa mas maliliit na kaso habang ang mas malalaking …

Read More »

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

Scam fraud Money

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang pamangkin lokohin ang kaniyang biktima na padalhan siya ng pera at mga regalo. Ayon sa ulat na inilabas ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre, gumawa ng Facebook account si “Tita” gamit ang pangalan ng kaniyang 17-anyos na pamangking babae …

Read More »

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

Dead Rape

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami) matapos ang tatlong linggong search operations sa lungsod ng Naga, lalawigan ng Camarines Sur. Ayon sa ulat ng Naga CPS, natagpuan ang katawan ng biktima sa kahabaan ng ilog sa Brgy. Del Rosario dakong 2:45 pm nitong Miyerkoles, …

Read More »

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng lalawigan ng Bulacan ngayong Biyernes, 15 Nobyembre, 1:00 ng hapon sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, sa lungsod ng Malolos Bulacan, para sa edisyon nito ngayong taon. Inaanyayahan ni Gob. Daniel Fernando ang mga Bulakenyo na saksihan at maging bahagi ng masaya at …

Read More »

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

Motorcycle Hand

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang manikwat ng motorsiklo sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, ang nadakip na suspek ay isang 29-anyos residente ng Brgy. Parada, Sta. Maria, Bulacan. Lumalabas sa inisyal na …

Read More »

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

La Consolacion College Fire

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., lungsod ng Maynila, nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre. Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang empleyado ng paaralan na si Ray Ruiz, 32 anyos, nagalusan sa kaniyang kanang braso. Ayon sa mga awtoridad, nadulas ang biktima habang bumababa ng hagdan upang hindi ma-suffocate sa usok …

Read More »

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. Cruz, lungsod ng Maynila, nitong Martes, 12 Nobyembre. Nakita sa kuha ng CCTV na nakamasid ang lalaki sa lugar at maya-maya ay kanyang nilapitan ang nakaparadang motorsiklo saka dali-daling itinulak. Nakita sa kuha ng CCTV na tumigil ang suspek sa gilid saka tinanggal ang plaka …

Read More »

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

Carlwyn Baldo

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na kinilalang isang Nurse B.I. Aden nang maunsyami ang admission ng alkalde sa isang pagamutan sa Bonifacio Global City kung saan siya isinugod dahil walang sapat na pasilidad at kagamitan ang unang government hospital na pinagdalhan sa kanya. …

Read More »

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

Duterte Gun

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong kriminal noong siya’y alkalde ng Davao City. Ang pag-amin ng dating pangulo ay naganap sa kanyang pagharap sa House Quad Committee, na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyong libo-libong extrajudicial killings (EJKs) na may kaugnayan sa kontrobersiyal na gera laban sa droga ng kanyang …

Read More »

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

111424 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas sa ilalim ng anim na taong pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa isa sa mga chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes. Direktang sinabi ni Abante, isang Baptist church pastor at chairman ng House human rights committee, kay Duterte na siya at …

Read More »

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

Dwayne Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas ng kanyang unang single na distributed ng Starmusicph. Ang title ng kanyang single ay TAYM PERST MUNA na tungkol sa saloobin ng isang teenager hinggil sa mga sermon at ingay sa paligid. Esplika ni Dwayne, “I’m sure po na maraming makare-relate sa song ko. Napaka-importante …

Read More »

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

PDEA EDSA busway

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng pinaniniwalaang sasakyan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang dumaan sa EDSA busway nitong Martes ng umaga, 12 Nobyembre. Sa paunang ulat mula sa SAICT, nabatid na bigong magpakita ng rehistro ng sasakyan at pekeng plaka ang nakakabit dito. Ayon sa driver ng hinarang na …

Read More »

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

Smuggled Sugar asukal

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa lungsod ng Zamboanga, nitong Lunes, 11 Nobyembre. Nasakote ang tatlong driver ng truck at isang pahinante sa ikinasang oeprasyon sa Baradero de Cawit shipyard, sa nabanggit na lungsod. Natagpuan ng mga awtoridad ang dalawang truck na may kargang hindi bababa sa 900 sako ng asukal. …

Read More »

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

gun ban

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng baril at bala na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang indibiduwal sa bayan ng Calumpit, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 10 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si alyas Gab, residente sa Brgy. Panducot, …

Read More »

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po si Greg Blanco, 48 years old, nagtatrabaho bilang vendor at pahinante sa isang public market, kasalukuyang naninirahan sa Quezon City.          Sa hanapbuhay ko pong ito, mas madalas na ako’y nasa palengke mula 2:00 am hanggang 2:00 pm. ‘yan po ang oras ng bagsakan at …

Read More »

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average rating) sa 17 Nobyembre 2024, 11:00 am sa Robinsons Galleria, Ortigas Avenue sa Quezon City. Makakamit ng champion team ang P15,000 plus trophy, medals, tatlong mobile phones na nagkakahalaga ng P48,000 at P15,000 gems mula sa Kalaro Esports. Ang second placer ay makakukuha ng P20,000 …

Read More »

Bagong public market sa Carmen, North Cotabato pinasinayaan ni Lapid

Lito Lapid Carmen North Cotabato

PINANGUNAHAN ni Senador Lito Lapid ang inauguration ceremony ng bagong pampublikong palengke sa Brgy. Poblacion, Carmen, North Cotabato. Sa pamamagitan ng kanyang tanggapan, pinondohan ni Senador Lapid ang nasabing proyekto na ini-request nina North Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza at Cong. Alana Samantha Taliño-Santos. Ayon kay Engr. Saidale Mitmug ng DPWH-Cotabato 3rd District Engineering Office, nasa P50-milyon ang halaga ng …

Read More »

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

CICC GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system glitch ang nangyaring pagkawala ng pera ng mga users nito noong weekend. Ayon kay Executive Director Alexander Ramos, titingnan ng CICC ang posibilidad na isang organized breach ng ilang partikular na GCash accounts  ang dahilan ng unauthorized fund transfers nitong weekend. Tinukoy ni Ramos, nagsimula …

Read More »

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

GCash

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating mga kababayan na nawala sa nangyaring aberya sa GCash, ayon kay dating Senator Kiko Pangilinan. Aniya, hindi katanggap-tanggap na basta maglalaho ang ipon ng ating mga kababayan, lalo pa ngayong mataas ang presyo ng bilihin at maliit ang kita ng mga manggagawa. Tiwala man si …

Read More »

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho at pagdagsa ng foreign investors sa bansa ang paglagda ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Law nitong 11 Nobyembre 2024. “All our kababayan need is just a helping hand. This is about bringing authentic …

Read More »

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

Carlwyn Baldo

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa isang government hospital na walang sapat na pasilidad at kagamitan na naunang pinagdalhan sa kanya. Dinala sa pagamutan ang alkalde nang makaranas ng pagdumi nang lima hanggang anim na beses kada araw, biglaang paglaki ng tiyan at iniindang sakit sa tagiliran, diabetes, at iba pang …

Read More »

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

111324 Hataw Frontpage

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng taon, dahil ang seguridad sa enerhiya ay isang pangmatagalang pangako. Ito ay para sa susunod na henerasyon. Umaasa kaming mamuhay nang malusog upang masaksihan ang mga benepisyo ng panukalang ito.” Inihayag ito ni Senadora Pia Cayetano, Chairman ng Senate committee on energy at sponsor ng …

Read More »