Sunday , October 17 2021

News

Mayor ng Tanay, dedma sa wasak-wasak na tulay

Tanay Rizal bridge, Edwin Moreno

NAGPAHAYAG ang mga guro na nahihirapan makatawid sa ilog dahil sa sira-sirang tulay na kawayan sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, na winasak nang manalasa ang bagyong Ulysses noong Nobyembre 2020. Ibinahagi ng isang gurong kinilalang si Jerolyn Caber ang hirap umanong tumawid sa tulay na gawa sa kawayan at kahoy lalo na kung tag-ulan. Aniya, sa tuwing masisira …

Read More »

‘Go signal’ sa gen pop vaccination inilarga ni Digong

Rodrigo Duterte, Covid-19 Vaccinie

BINIGYAN ng ‘go signal’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna kontra CoVid-19 sa general population simula Oktubre. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, magaganap ito dahil inaasahan ang pagdating sa bansa ng maraming supply ng bakuna sa mga susunod na araw. “Ang good news, inaprobahan ni Presidente ang pagbabakuna ng general population simula po sa buwan ng Oktubre,” ani Roque …

Read More »

Duterte binutata ni Duque (Sa face shield expiration)

092921 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO SINOPLA ni Health Secretary Francisco Duque ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi napapaso ang face shield dahil plastic ito. Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay bilang pagkontra sa sinabi ng isang dating warehouse staff ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation sa Senate Blue Ribbon Committee na inutusan silang palitan ang expiry date ng face shield na gawing …

Read More »

Idol Raffy hindi tatakbong VP

Raffy Tulfo

MARIING pinabulaanan ng broadcaster at sikat na vlogger na si Raffy “Idol” Tulfo ang mga kumakalat na balita na tatakbo siyang bise presidente sa 2022 elections at sinabing mataas ang kanyang respeto kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Raffy, may mga politiko, hindi niya pinangalanan, ang nag-alok sa kanya upang maging bise presidente nila sa eleksiyon, ngunit kaniya itong tinanggihan …

Read More »

Mga kritiko, sablay: Pribadong sektor nagbayad ng SEA Games cauldron

SEA Games cauldron

ANG P50-million cauldron na ginamit noong 2019 Southeast Asian Games (SEA) ay binayaran ng pribadong sektor at hindi ng gobyerno. Ito ang iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa isang panayam kay television host Boy Abunda nitong Sabado, 25 Setyembre. “People will be surprised because the government didn’t spend a single cent on it. Because the private sector paid …

Read More »

PCOO 2022 budget posibleng mabasted sa Senado

PCOO, Senate, Money

MALAKI ang posisbilidad na hindi makalusot sa senado ang kabuuang P1.9 bilyong panukalang budget para sa 2022 ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) o kaya ay tapyasan dahil sa mga isyung kinahaharap. Sa pagdinig ng Senate Sub-Committee on Finance na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon mariin nitong kinuwestiyon ang pagkakaroon ng 1,479 contract of service (COS) workers. Nagtataka rin si …

Read More »

Andanar ‘kinastigo’ sa nilikhang PCOO ‘Social Media Office’

Martin Andanar, PCOO, Social Media Office

BUKOD sa kuwestiyonableng pagkuha ng mga empleyado sa ilalim ng contractual system, binubusisi ngayon ng senado kung anong kapangyarihan ang pinagbatayan ni Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa paglikha ng isang tanggapn na tinawag niyang ‘Social Media Office.’ Ayon kay Senate Minority Franklin Drilon, maituturing na walang legal na basehan at walang kapangyarihan si PCOO Secretary Andanar …

Read More »

Pharmally execs pinipigilan ni Duterte (Sa pagtestigo sa Senado)

Pharmally, Rodrigo Duterte, Richard Gordon, Krizel Mago, Linconn Ong

KOMBINSIDO si Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon na may mga kumikilos para hadlangan ang patuloy na pagtestigo sa komite ng dalawang opisyal ng  Pharmally Pharmaceutical Corporation at kasama rito si Pangulong Rodrigo Duterte. “Sino ba ang nagsasabing principal na pinakamalaking tao na tigilan na ang imbestigasyon? Si President Duterte. Kasama siya riyan e, kasama. Hindi maipaliwanag ni …

Read More »

Gov’t-Pharmally deal kademonyahan – health workers

expired face shields, CoVid-19 test kits, P28.72 face masks, Pharmally Money

NAGPUPUYOS sa galit ang hanay ng health workers sa ‘kademonyahan’ na pagbili ng overpriced at substandard medical supplies ng administrasyong Duterte sa pinaborang Pharmally Pharmaceutical Corporation. Nabisto sa mga isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-supply ang Pharmally ng expired face shields at CoVid-19 test kits at P28.72 kada piraso ng face mask sa Department of Health (DOH). …

Read More »

Kadete ng PNPA patay (Sinikmuraan ng upperclassman)

Philippine National Police Academy, PNPA

BINAWIAN ng buhay ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa bayan ng Silang, lalawigan ng Cavite, matapos suntukin sa tiyan ng kanyang upperclassman nitong Huwebes, 23 Setyembre. Kinompirma ni P/Lt. Col. Louie Gonzaga, hepe ng PNPA public information office (PIO) ang pagkamatay ni Cadet 3rd Class Karl Magsayo ng PNPA Batch 2024. Ayon sa ulat ng Silang municipal …

Read More »

70-anyos tulak, ‘Boss’ timbog sa Marikina; 11 ‘suki’ timbog sa pot session

70-anyos tulak, ‘Boss’ timbog sa Marikina 11 ‘suki’ timbog sa pot session, Edwin Moreno

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang 70-anyos lolo, hinihinalang tulak, ang kanyang kasabwat, at 11 nilang ‘parokyanong’ huli sa aktong sumisinghot ng droga sa lungsod ng Marikina, nitong Sabado, 25 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina PNP, ang mga nadakip na sina Exequiel Bautista, 70 anyos; Jeffrey Moquite, 30 anyos, alyas Boss, hinihinalang mga tulak; at Brandon …

Read More »

1K manggagawa sa konstruksiyon at manupaktura binakunahan (Sa Bulacan)

Daniel Fernando, Bulacan, Covid-19 vaccine

NAUNA nang binakunahan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang 1,000 mangga­gawa sa industriya ng konstruk­siyon at manupaktura ng Sinovac vaccine bilang bahagi ng 10,000 target mabakunahan kaugnay ng pangako ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force na mapadali para sa mga manggagawa sa ilalim ng proyektong Reform. Rebound. Recover: 1 Million Jobs for 2021. Sa ginanap na paglulunsad ng …

Read More »

Pugante, 9 taon nagtago, nasukol sa Zambales

Botolan, Sta Cruz, Zambales

NADAKIP ng mga awtoridad nitong Sabado, 25 Setyembre, ang itinuturing na most wanted person ng Botolan, Zambales, sinabing siyam na taon nagtago sa batas. Ayon kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng  Zambales PPO, nagsagawa ng manhunt operation ang magkatuwang na puwersa ng Botolan MPS, Sta. Cruz MPS, 1st PMFC ZPPO, at 305th MC, RMFB3 sa Shang Fil Port na matatagpuan …

Read More »

Navotas nagdagdag ng skilled workers

Navotas, NAVOTAAS

NADAGDAGAN muli ang bagong batch ng skilled workers sa Navotas City kasunod ng virtual graduation ng 138 Navoteños mula sa Navotas Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute. Sa NAVOTAAS Institute Annex 1, 46 ang nakakompleto ng Japanese Language at Culture habang 11 ang nakatapos ng Basic Korean Language & Culture. May limang nakapag­tapos sa Beauty Care NC II; apat sa Hairdressing …

Read More »

BBM ‘tiyak’ hahabol sa deadline para maghain ng COC (Para sa national post)

Bongbong Marcos, Elections

SA KABILA ng kaliwa’t kanang endorsement ng ilang grupo para tumakbo si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., nananatiling tahimik at low-profile habang pinag-aaralan ang lahat ng posibilidad ng pakikipag-alyansa sa darating na halalan. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, nagpapasalamat ang dating senador sa dagsa ng suporta mula sa mga kilalang partido politikal, mga pinuno ng barangay, …

Read More »

Maliliit na negosyo uunlad kay Isko — Bagatsing

Honey Lacuna, Isko Moreno, Don Bagatsing

NANINIWALA ang dating konsehal, ngayon ay businessman na si Don Bagatsing, uunlad ang maliliit na negosyante kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso. Ayon kay Bagatsing, maganda at napapanahon sa General Tax Amnesty plan ng lungsod ng Maynila na magsisimula ngayong 1 Oktubre hanggang 29 Disyembre. Sinabi ni Bagatsing, uusbong ang maliliit na negosyo dahil sa kautu­sang ito ni Yorme …

Read More »

Riding-in-tandem snatchers arestado sa Malabon

Riding-in-tandem

HINDI nakawala sa kamay ng mga awtoridad ang isang riding-in-tandem na snatcher matapos hablutin ang cellphone ng isang E-trike driver sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City chief of police Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Jaycee Nuestro, 18 anyos, at Jonel Reyes, fish vendor at kapwa residente sa Navotas City. Ayon kay …

Read More »

Kelot isinako, itinapon sa QC

Dead body, feet

NATAGPUAN ang isang hubo’t hubad na bangkay ng hindi kilalang lalaki, nakasilid sa isang sako sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Ang biktima ay inilarawang nasa edad 25 hanggang 30 anyos, may taas na 5’2, blonde ang buhok, at katam­taman ang panganga­tawan. Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police …

Read More »

Duterte swak sa ‘pinaborang’ Pharmally deal (Sa pagpapagamit ng C-130 at)

Pharmally, China, C-130, Navy ship

MAY BASBAS ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang pagpabor ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceuticals Corporation kaya pina­yagan gamitin ang barko ng Philippine Navy at C-130 plane ng Philippine Air Force (PAF) para kunin sa China ang medical supplies na ibinenta sa kanyang administrasyon. Ito ang patutunayan ng Senado na taliwas sa mga naging pahayag ni Pangulong Duterte na walang mali sa …

Read More »

Globaltech vs QCPD-PS2 Claravall, et al (Mga kasong kriminal at administratibo)

Globaltech Mobile Online Corporation, Peryahan ng Bayan, PCSO, Ombudsman, PLt Col Ritchie Claravall, QCPD-PS2, Masambong

SINAMPAHAN ng patong-patong na kaso sa Office of the Ombudsman nitong Biyernes, 24 Setyembre si P/Lt. Col. Ritchie Claravall at ang kanyang limang tauhan sa Quezon City Police District Masambong Station (QCPD-PS 2) dahil sa pagbalewala sa umiiral na kautusan ng korte sa patuloy na operasyon ng Peryahan ng Bayan ng Globaltech Mobile Online Corporation. Batay sa mga reklamong kriminal …

Read More »

Pharmally exec ‘missing in action’

Krizle Mago missing, Pharmally, Money

ni ROSE NOVENARIO ‘NAWAWALA’ ang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na nagsiwalat na ginantso ng kompanya ang gobyerno. “Pharmally Pharmaceutical official Krizle Mago hindi na ma-contact ng Senate Blue Ribbon Committee! Noong ika-siyam na pagdinig ay inalok natin siya ng pagkakataon na mabigyan ng proteksiyon ng Senado ngunit nais niya muna raw pag-isipan ito,” ayon kay Sen. Richard Gordon sa …

Read More »