Anjo Yllana TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de Leon

Anjo aapela, nabigatan sa babayarang P3.5-M

MA at PA
ni Rommel Placente

SA naging panayam ni Anjo Yllana sa Ogie Diaz Inspires, aminado ang komedyante na masyadong malaki at nahihirapan siya sa hinihinging danyos ng TVJ Productions na P3.5-M.

Masyadong mabigat kaya nga mag-a-appeal ako,” panimula ni Anjo.

Pagpapatuloy niya, “Pakiramdam ko kasi , may pinatay ba ako? Mayroon ba akong ninakaw? Mayroon ba akong nilapastangan? Mayroon ba akong ni-rape? Mayroon ba akong binugbog?”

Ayon pa kay Anjo, sinabi lang naman niya ang kanyang nararamdaman noon pero masyadong mabigat ang naging kapalit.

Hindi nga ako nagmura eh. Naglabas lang ako ng emotions. So baka, too harsh, masyadong mabigat ‘yung parusa.

“Mag-uusap ulit kami ng abogado ko, hopefully makapag-appeal sa upper courts,” sabi pa ni Anjo.

Hirit pa niya, ang hinihingi raw sa kanya ay danyos sa kompanya kaya iaapela niya ito.

Although sabi nila, damages sa kompanya. So, ibig-sabihin kapag sinabi mong damage sa kompanya nalugi sila. Hindi naman nalulugi ang TVJ, so may ganoon akong gusto iklaro sa upper courts.”paliwanag pa niya.

Nag-ugat ang kaso sa TikTok livestream niya noong nakaraang taon, na inakusahan niya na may sindikato na umano’y kumikilos sa loob ng programa.

At ibinisto niya rin ang nalalaman niya sa ilan sa mga host ng Eat Bulaga.