Nalunod ang 14-anyos binatilyong ga-graduate na first honor sa elementarya sa Camarines Norte. Sa susunod na Biyernes na ang graduation ng biktimang si Alvin Tabor, 14, sa Tulay na Lupa Elementary School sa Daet, ngunit hindi na ito umabot. Naniniwala ang nanay ng binatilyo na si Aling Nelly, na may kasama ang anak nang pumunta sa Bagasbas Beach dahil hindi …
Read More »44 sugatan sa salpukan ng 3 bus
Tinatayang nasa 44 katao ang sugatan sa salpukan ng tatlong pampasaherong bus sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, iniulat kahapon ng umaga. Isinugod ang mga nasugatan sa East Avenue Medical Center na karamihan ay pasahero ng Nova Auto Transport Bus habang ang ilan ay sakay ng Safeway Bus. Marami sa mga biktima ay nasugatan sa noo at ulo dahil sa …
Read More »Subpoena vs Ma’am Arlene inilarga na ng SC
IPINA-SUBPOENA ng Supreme Court (SC) sa pamamagitan ng binuong adhoc committee, si Arlene Angeles-Lerma o tinaguriang ‘Ma’am Arlene’ para magsilbing resource person sa imbestigasyon sa pagiging broker ng mga kaso sa hudikatura. Ayon kay Associate Justice Marvic Leonen, chairman ng investigating committee, mananatiling confidential ang lahat ng isinasagawa nilang deliberasyon. Layunin aniya na mabigyan ng pagkakataon ang mga ipinatatawag na …
Read More »100 sasakyan kompiskado ng towing company nasunog
NASUNOG ang impounding area ng isang towing company na tinatayang may nakalagak na 100 iba’t ibang uri ng sasakyan sa Pasay City, kahapon ng umaga. Sinabi ni Fire Inspector Douglas Guiyab, ng Pasay City Fire Protection Unit, nagsimula ang sunog dakong 5:00 ng umaga sa isang pribadong impounding area na pag-aari ng Southern Crescent Towing Company, matatagpuan sa Gil Puyat …
Read More »Modelo, kelot patay sa suicide
PATAY ang isang babaeng modelo at isang pang lalaki makaraan ang sinasabing pagtalon mula sa mataas na bahagi ng gusali sa magkahiwalay na lugar kahapon. Ang modelong si Helena Belmonte ay tumalon mula sa ika-28 palapag ng Renaissance Tower 1000 sa Ortigas, Pasig City at bumagsak sa sa air-conditioning unit exhaust vent sa 7th floor dakong 1:30 a.m. kahapon. Si …
Read More »Puganteng hi-profile susunod na kay Lee
MASOSORPRESA ang publiko sa kalibre ng puganteng tinatrabahong madakip ng awtoridad at ipipresenta ano mang araw. Ito ang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon. ”Ang kaya kong masabi sa inyo ngayon, may ine-expect kami, hindi ko na sasabihin kung sino. At masasabi ko lang, palagay ko kapag nagtagumpay ang isang kasalukuyang operasyon, mabibilib kayo doon sa kalibre ng mga …
Read More »Sanggol, binatilyo utas sa ratrat (3 killer nakatakas sa manhunt)
PATAY ang isang taon gulang sanggol na babae at 19-anyos binatilyong kapitbahay makaraang pagbabarilin sa loob ng bahay ng pamilya ng paslit sa Rodriguez, Rizal kamakalwa ng gabi. Kinilala ni Supt. Samuel Delorino, hepe ng Rodriguez Police, ang mga biktimang sina Angelica Amores, isang taon gulang, ng Blk. 16, Lot 2, Phase 1, Eastwood Greenview, Brgy. San Isidro, at Lorins …
Read More »8 trucks relief goods na sinunog sa Tacloban may ‘video’
TACLOBAN CITY – Kitang-kita sa video at pictures ang pagtapon at pagsunog ng walong truck na relief goods sa dump site sa bayan ng Palompon, Leyte noong Marso 8. Ayon sa may-ari ng lote na kinalalagyan ng Eco Park na si Benjamin Campos, nakita niya mismo ang pagtapon ng sako-sakong relief goods na kinunan pa niya ng video at pictures. …
Read More »Napoles may kanser?
POSIBLENG may kanser si Janet Lim Napoles, ang sinasabing mastermind sa pork barrel fund scam. Ito ang testimonya kahapon ng obstetrics and gynecology expert ng Makati Medical Center, kaugnay sa petisyon ni Napoles na siya ay ma-confine sa St. Luke’s Medical Center. Inihayag ni Dr. Santiago Del Rosario, chairman ng Obstetrics and Gynecology ng Makati Medical Center, ang kanyang opinyon …
Read More »4 paslit minasaker sinunog ng ina
HINDi pa makausap nang maayos ng mga pulis ang ina ng apat paslit na sinasabing pinagsasaksak at pagkaraan ay sinunog pa ng ginang na sinasabing may sakit sa pag-iisip sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw. Sa inisyal na ulat ng pulisya, unang nabuo ang teoryang namatay sa sunog kahapon ng madaling-araw ang mga biktimang sina Karyl, 9; Seth, 7; …
Read More »‘Bomba’ ni Lasala, Esmeralda inaabangan
INAABANGAN ng Malacañang ang sinasabing ibubunyag ng dalawang sinibak na deputy directors ng National Bureau of Investigation (NBI). Unang sinabi nina dating NBI deputy directors Roel Lasala at Reynaldo Esmeralda na may ilang NBI officials ang malapit kay Janet Lim-Napoles. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, hihintayin nila ang ibubunyag ng dalawang NBI officials. Ayon kay Coloma, dapat malaman ang …
Read More »Jueteng ‘itinago’ sa Bingo (Ex-gen inginuso sa ilegal na sugal)
NUEVA VIZCAYA – “Front lang ng jueteng ang lumalawak na operasyon ng Bingo Milyonaryo sa lalawigang ito,” pahayag ni Rep. Carlos M. Padilla, sabay sa kanyang panawagan sa pulisya na hulihin ang mga taong nasa likod ng ilegal na sugal. Sa kanyang sulat sa central headquarters ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, sinabi ng kongresista mula …
Read More »PRC director nag-walkout sa oathtaking ng Pharmacists (Dress code hindi sinunod ng mga manunumpa)
ILOILO CITY – Naunsyami ang oathtaking ceremony ng newly licensed pharmacists na gaganapin sana sa lungsod ng Iloilo kamakalawa ng gabi. Ito ay sinasabing dahil hindi sinunod ang tamang dress code. Ayon kay Director Lily Ann Baldago ng Professional Regulation Commission (PRC) Region 6, 10 minuto bago ang seremonya, dumating siya upang pangunahan ang aktibidad. Ngunit nadesmaya ang director nang …
Read More »TOWING-ESCORT RACKET. Kung inaakala ninyong binabatak ng RWM towing truck ang…
TOWING-ESCORT RACKET. Kung inaakala ninyong binabatak ng RWM towing truck ang container van sa kanyang likuran para dalhin sa impounding area dahil sa paglabag sa traffic rule, nagkakamali po kayo. Binabatak ng RWM towing truck ang container van na pumayag magpa-escort sa kanila upang hindi maipit ng traffic. Ang mga hindi nagpapa-escort, pinaliliko sa Romualdez at sinusuong ang nakakukunsuming traffic …
Read More »Sorry ni PNoy inisnab (Yolanda victims nainsulto, Dinky palpak, Lacson bagman)
MINALIIT ng Palasyo ang pagbasura ng mga Yolanda victims sa apology ni Pangulong Benigno Aquino III sa mabagal na aksiyon ng gobyerno sa kalamidad at panawagan na sibakin sina Social Welfare Secretary Dinky Soliman at rehabilitation czar Panfilo Lacson. Ayon sa People Surge Alliance, hindi nila matatanggap ang masyadong huling paghingi ng paumanhin ng Pangulo at kailangang managot siya sa …
Read More »Senior citizen nagbigti sa problema
Dahil sa problemang pampamilya, nagbigti ang isang senior citizen, driver, sa daang Villoso, Barrio Obrero, Davao City, kahapon ng madaling araw. Gamit ang electrical cord, nagbigti ang biktimang kinilalang si Cyrin Sorita, 61-anyos. Ayon sa anak ng biktima na si Sherwin, may problemang kinakaharap ang kanilang pamilya kaya marahil ito ang dahilan para magpakamatay ang ama. (Beth Julian)
Read More »KONTING EXERCISE NAMAN ‘PAG MAY TIME. Masyado sigurong abala si …
KONTING EXERCISE NAMAN ‘PAG MAY TIME. Masyado sigurong abala si Philippine National Police (PNP) chief, Director General Allan Purisima kaya hindi niya napapansin na namumutok na ang kanyang tiyan at malapit nang hindi maibutones ang kanyang uniporme. Panawagan ng mga pulis: “Exercise naman Sir, kapag may time.”
Read More »Rojas, Ragos mas konek kay Janet Lim Napoles (Close kay De Lima)
BINALEWALA ng Palasyo ang ulat na malapit kay Justice Secretary Leila de Lima ang matataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may koneksiyon kay Janet Lim-Napoles at hindi ang pinasibak niya kay PNoy na dalawang deputy directors. Tila nag-iba ng tono si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nang usisain kung ang Napoles isyu ba ang dahilan sa …
Read More »Cudia nagpasaklolo sa Korte Suprema
Dumulog na sa Korte Suprema si First Class Cadet Aldrin Jeff Cudia para hilinging maisama siya sa mga magtatapos na kadete sa Philippine Military Academy (PMA). Sa petition for certiorari, prohibition and mandamus, na inihain ni Cudia, kanyang hiniling na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order o status quo ante order laban sa ipinataw na dismissal sa kanya …
Read More »Base military sa PH ipagagamit sa US (Sa ilalim ng ‘security deal)
Pumayag na ang pamahalaang Filipinas na ipagamit sa United States (US) ang mga base-militar sa bansa sa ilalim ng bagong “security deal.” Nabatid na inilatag ang “security deal” sa anim na beses na dayalogo ng dalawang bansa sa Washington noong nakaraang linggo. Umaasa ang Amerika at Filipinas na maisasapinal ang mga terms ng “agreement on enhanced defense cooperation” bago ang …
Read More »Karnaper tinugis ng pulis (1 todas, 2 sugatan )
Patay ang isang karnaper at agaw-buhay ang kanayng kasama makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng MPD-ANCAR sa Taft Ave. kanto ng Quirino Ave, Malate, Manila. Naka-inset ang inagaw na motorsiklo ng mga suspek. (ALEX MENDOZA) Isa ang patay habang dalawa ang sugatan sa naganap na enkwentro ng mga pulis laban sa mga hinihinalang carnapper sa Maynila, iniulat kahapon. Sa panayam …
Read More »Malakas na FOI bill ipaglalaban ni Sen. Poe
TINIYAK ni Sen. Grace Poe na ipaglalaban niya ang malakas na bersiyon ng Freedom of Information (FOI) bill kapag nakarating sa bicameral conference committee ang kontrobersyal na panukala na naglalayong bigyan ng access ang taong bayan sa mga impormasyon sa tanggapan ng pamahalaan. Sinabi ni Poe, sponsor ng panukala sa Senado, kailangan matiyak na malakas ang bersyon na maisabatas dahil …
Read More »SINADYA ni Music legend and fight aficionado Bob Dylan (kaliwa) ang…
SINADYA ni Music legend and fight aficionado Bob Dylan (kaliwa) ang Wild Card Boxing Club sa Hollywood, California para panoorin ang sparring session ni Fighter of the Decade Manny Pacquiao. Naghahanda at nagsasanay si Pacquiao para sa pinakahihintay na rematch laban kay undefeated WBO World Welterweight champion Timothy Bradley. (Grab mula sa FB ni Manny Pacquiao)
Read More »Messenger namboso na nang-video pa kalaboso
INARESTO at ikinulong ang 33-anyos messenger nang mabuko ang pamboboso at ini-video pa ang dalagang kapit-kuwarto, habang naliligo sa loob ng banyo, sa Taguig city, kamakalawa ng gabi. Nabisto ng 28-anyos dalaga, na itinago sa pangalang Marlie, ang paninilip ng suspek na kinilalang si Elmer Lapid, nang kumislap ang cellphone niyang gamit sa pagkuha ng larawan habang naliligo ang biktima. …
Read More »4 Binay staff sugatan sa Ifugao (SUV nahulog sa bangin)
BAGUIO CITY – Apat staff ang sugatan nang mahulog sa bangin ang isang sasakyan mula sa convoy ni Vice Pres. Jejomar Binay sa Banaue, Ifugao kahapon ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Danilo Tamo, driver ng nasabing sasakyan, Alexander Solis, Alexander Sicat at Roman Campita, photographer. Sa impormasyon mula sa Ifugao Provincial Police Office, isang itim na Fortuner (SJR-272) …
Read More »