Thursday , May 26 2022
Leni Robredo Bongbong Marcos Google Trends

Robredo angat pa rin sa Google Trends isang linggo bago halalan

ISANG linggo bago ang halalan, angat pa rin si Vice President Leni Robredo sa Google Trends pagdating sa mga kandidato bilang pangulo, ayon sa data expert na si Mahar Lagmay.

Sa isang tweet, sinabi ni Lagmay, mula 25 Abril hanggang 2 Mayo, nakakuha si Robredo ng 55 porsiyento kompara sa 24 ni Ferdinand Marcos, Jr.

Batay sa link na kasama ng tweet ni Lagmay, makikita sa parehong panahon, lamang si Robredo kay Marcos sa lahat ng rehiyon sa bansa, kahit sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region na balwarte ng huli.

Sa Ilocos Region, una si Robredo, may 63 porsiyento kompara sa 37 ni Marcos. Sa CAR naman, may 64 porsiyento si Robredo habang si Marcos ay 31 porsiyento. Sa Cagayan Valley, lamang si Robredo na may 64 porsiyento kompara sa 36 ni Marcos.

Angat si Robredo sa Metro Manila at Calabarzon (72-28), Bicol (75-25), Central Luzon (67-33), MIMAROPA (68-32), Central Visayas at Eastern Visayas (67-33), Western Visayas (69-31), Northern Mindanao (60-40), Caraga (61-39), Zamboanga Peninsula (64-36), Region XII (63-37), Davao Region (61-39) at ARMM (57-43).

Kung ihahambing sa mga survey, itinuturing ang Google Trends na mas tumpak na sukatan pagdating sa prediksiyon ng mga mananalo sa halalan.

Matagumpay na natukoy ng Google Trends ang mga nanalo sa mga nakalipas na halalan sa Estados Unidos mula noong 2004.

Nahulaan din ng Google Trends ang mga nanalo sa mga nakalipas na eleksiyon sa Brazil, Pakistan, Malaysia at France.

About hataw tabloid

Check Also

Mercraft 2 RORO fire Real Quezon

Sa Real, Quezon
7 PATAY, 23 SUGATAN SA NASUNOG NA RORO

PITONG pasahero ang namatay habang 23 ang sugatan nang masunog ang Mercraft 2, isang roll-on-roll-off …

Senate Congress Comelec Election Certificates of Canvass

NBoC panel sa senado kompleto na

BUO na ang hanay ng mga senador para sa pitong-miyembrong panel ng bicameral National Board …

052422 Hataw Frontpage

Mainstream media binanatan
REMULLA, JUSTICE SECRETARY  NI MARCOS, JR.

ni ROSE NOVENARIO TINANGGAP ni Cavite 2nd District Rep. Boying Remulla ang alok ni presumptive …

dead gun police

Sa harap ng ama at tiyuhin
BINATILYO PINAGBABARIL, LEEG NILASLASAN PATAY

AGAD namatay ang isang binatilyo nang pagbabarilin ng anim na hindi kilalang suspek saka ginilitan …

P81-M shabu nasabat GEN DANAO NAGBABALA vs SINDIKATO NG DROGA

P81-M shabu nasabat,
GEN. DANAO NAGBABALA vs SINDIKATO NG DROGA

NAGTUNGO si PNP officer-in-charge (OIC) P/Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., sa matagumpay na buy bust …