Saturday , May 28 2022
Kumilos Ka Kabayan KKK Mayor Rodrigo Roa Duterte-Agila IKaw Muna Pilipinas

Grupo ng mga Ilokano babasagin ang Solid North

NAGSANIB-PUWERSA ang tatlong grupong may malapad na base sa Ilocos Region nang tumindig para suportahan ang kandidatura sa pagka-Pangulo ni Vice President Leni Robredo at nangako silang babasagin nila ang tinaguriang Solid North.

Sa isang pulong pambalitaan na ginanap sa Go Resort, Bauang La Union, ipinahayag ng Kumilos Ka Kabayan (KKK), Mayor Rodrigo Roa Duterte-Agila Region 1 at IKaw Muna Pilipinas-Region 1 Chapter ang kanilang pinagsanib na paninindigan na tuwirang suportahan ang kandidatura sa pagka-Pangulo  ni  VP Leni at pagtakwil sa panunumbalik ng rehimeng Marcos.

Malugod na tinanggap ni Bauang La Union Vice Mayor Henry Bacurnay, Jr., ang isinagawang aktibidad

ng Isang Mamamayan para kay Leni (IM k Leni movement) at pagkilala sa paninindigan ng naturang

grupo.

Ayon kay Vice Mayor Bacurnay, panahon na upang manindigan ang mga Filipino at maghalal ng isang matino, may kalipikasyon at mapagkakatiwalaang lider sa katauhan ni VP Robredo. Ang kailangan umano ng bayan ay isang lider na walang bahid ang paglilingkod at isang ekonomista tulad ni Robredo.

“Ngayon na ang panahon upang tumindig tayo… kailangan natin ay isang ekonomista upang maibangon ang ating bayan sa tama ng CoVid 19. Si VP Leni ang pinakakalipikado sa lahat ng kandidato sa pagka-pangulo,” pahayag ni Bacurnay.

Ayon kay Elizabeth Dy, secretary ng IM Pilipinas Region 1, dapat umanong isantabi ang pagkakaiba at magkasundo na ang lahat upang gapiin ang panunumbalik  ng isang madilim na

kabanata kung mahalal si Ferdinand Marcos, Jr.

“Hindi namin pahihintulutan ang anomang tangkang pagbabalik ng mga Marcos sa kapangyarihan sa Filipinas lalo ngayon na masidhing kumikilos ang kampon ni Marcos, Jr., nang tahasang pambabaluktot sa kasaysayan na pinadadaloy nila sa social media bilang isa sa kanilang sentral na estratehiya,” ani Dy.

Hindi namin maaatim ang ganitong ‘masama at maruming’ uri ng  kampanya ng pangkating Marcos kaya napapanahon ang pagkakabigkis namin at agarang isagawa ang aktibong kampanya para

 ipagwagi si VP Leni bilang kasunod na Pangulo ng bansa,” dadag niya.

“Nagbigay inspirasyon sa amin ang naganap na espontanyong paglahok ng mamamayan sa bawat malawakang rally ng grupo ni VP Leni. Hindi matatawaran ang boluntaryong pagkilos ng ibat’ ibang sector, indibidwal at maging ang hanay ng mga  negosyante na walang kapaguran na ikinakampanya

 si VP Leni,” pahayag ni Dy.

Ayon sa grupo, nagkakaisa ang lahat sa pananaw na si VP Leni ay nagtataglay ng isang malinis, maayos at mahusay na pamamahala batay sa kanyang naisakatuparang programa na epektibong nakapaglingkod sa mamamayan lalo sa panahon ng pandemya.

About hataw tabloid

Check Also

Bongbong Marcos Sara Duterte Proclamation

Marcos – Duterte tandem iprinoklama na NBoC sa Kamara

ni Gerry Baldo Iprinoklama ng National Board of Canvassers ngayong hapon ang tandem nila Bong …

Jomari Yllana, Abby Viduya, Priscilla Almeda

Abby masaya sa pagwawagi ni Jomari

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Abby Viduya sa pagkapanalo ni Jomari Yllana bilang councilor ng District 1 ng  Parañaque. …

Vice Ganda

Nasaan na nga ba si Vice Ganda?

HEY! Hey! Hey! What happened na sa mga artistang sumampa sa entablado with matching grand …

Mercraft 2 RORO fire Real Quezon

Sa Real, Quezon
7 PATAY, 23 SUGATAN SA NASUNOG NA RORO

PITONG pasahero ang namatay habang 23 ang sugatan nang masunog ang Mercraft 2, isang roll-on-roll-off …

Senate Congress Comelec Election Certificates of Canvass

NBoC panel sa senado kompleto na

BUO na ang hanay ng mga senador para sa pitong-miyembrong panel ng bicameral National Board …