Nangako ang Estados Unidos na suportado nila ang mga kaalyadong bansa na nakaka-alitan ang China dahil sa ilang pinag-aagawang teritoryo, kabilang ang Filipinas. Sa pagharap ni Assistant Secretary of State Daniel Russel sa isang congressional hearing sa Estados Unidos na tumatalakay sa polisiya ng bansa sa Silangang Asya, kanyang ipinahayag na tutuparin nila ang kanilang responsibilidad sa mga kaalyadong bansa. …
Read More »Sabah abduction tinututukan
Siniguro ng Malakanyang na inaaksyonan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibleng pagkasangkot ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa naganap na pagdukot sa isang Pinay at Chinese sa Semporna, Sabah, Malaysia. Sa isang panayam, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na patuloy ang paggalugad ng AFP sa mga posibleng lugar na pinagdalhan ng mga suspek sa …
Read More »2 Pagcor employee todas sa road mishap
PATAY noon din ang dalawang empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) nang araruhin ng kotse ang motorsiklong kanilang kinalulunanan sa Brgy. Lahug, Cebu City, iniulat kahapon. Tumilapon ng ilang metro ang mga biktimang sina Gaudencio Bontilao at Joselito Lopez, kapwa operator ng slot machine sa PAGCOR Cebu. Sa ulat ng pulisya, galing sa trabaho ang dalawang biktima, sakay …
Read More »Homeowners board chair dedbol sa ratrat
Patay ang chairman of the board ng isang homeowners association nang pagbabarilin sa San Mateo Road, sa Batasan Hills, Quezon City, iniulat kahapon. Ayon sa ulat, dakong 6:00 ng umaga nang makitang bumulagta ang biktimang kinilalang si Dix Tibi, 56-anyos, board chairman ng Dakila Homeowners Association sa Batasan Hills, sanhi ng tama ng mga bala sa mukha. Napag-alaman mula sa …
Read More »Enrile, 80, di-lusot sa kulong
WALANG batas na nagsasabing ang akusadong lampas 80-anyos, tulad ni Sen. Juan Ponce-Enrile, ay pwedeng malibre sa pagkakapiit sa regular na selda. Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda hinggil sa posibilidad na makulong sa regular jail si Enrile sakaling maisampa na ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban sa senador kaugnay sa P10-B pork barrel scam. …
Read More »US Embassy official nagwala sa Ermita
ISANG sinabing opisyal ng Embahada ng Estados Unidos ang napaulat na nagwala at pinagmumura ang mga Pinay na dumaraan sa isang kalye sa Ermita, Maynila, iniulat kahapon. Ayon sa mga nagreklamong residente at empleyado, may tatlong oras na nagsisigaw ang opisyal na kinilalang si Brian Platt, US Embassy attaché at nakatalaga sa Naval Criminal Investigation Service (NCIS) sa panulukan ng …
Read More »PNoy pinondohan ni Delfin Lee
IWAS-PUSOY ang Palasyo sa bintang na malaki ang iniambag ni Delfin Lee kay Pangulong Benigno Aquino III noong 2010 presidential elections. “Well, the lists of contributors and donors have been published by the Comelec; and I think you can see it from there whether he is a campaign contributor. But I have no specific information on who is a campaign …
Read More »BIR tutok sa Pacman vs Bradley rematch
NAKATUTOK ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa posibleng kitain ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa nalalapit na laban kay Timothy Bradley sa Abril 13. Naniniwala si BIR Commissioner Kim Henares, natuto na si Pacquiao sa tamang pagdedeklara ng kanyang income sa paglalaro ng boksing sa labas ng bansa. Ayon kay Henares, inaasahan niyang tapat na magbabayad ang Filipino ring …
Read More »US nagbanta ng economic sanction vs China
NAGBANTA ng posibleng “economic retaliation” ang Amerika laban sa China kapag gumamit ng pwersa sa pang-aangkin ng teritoryo sa Asian region. Sa pagharap sa US Senate Foreign Relations Committee, inihayag ni Assistant Secretary of State for East Asia Daniel Russel, posibleng sapitin din ng Beijing ang ipinataw na sanctions laban sa Russia makaraan nitong sakupin ang Crimean peninsula sa Ukraine. …
Read More »Most wanted huli sa ‘selfie’
CEBU CITY – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isa sa kinikilalang most wanted sa lalawigan ng Cebu makaraan matunton ang kinaroroonan dahil sa “selfie post” sa Facebook. Ayon kay Senior Insp. Romel Luga, hepe ng Station 6 ng Mandaue City Police Office, natunton nila ang most wanted sa batas na si Niño Cueva, 20, habal-habal driver, at residente …
Read More »Pinay, Chinese dinukot sa Sabah
SABAH – Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring pagdukot sa Filipina at Chinese national sa isang floating resort sa Semporna, isla ng Sabah. Sa ulat ng Malaysian media, tinukoy ang report ni Eastern Sabah Security Command (ESSCOM) director general Datuk Mohammad Mentek na nangyari ang insidente bandang 10:30 p.m. kamakalawa. Sinasabing nagtatrabaho sa resort ang nabanggit na Filipina. …
Read More »Baliwag cop sibak sa Bookies
CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang 29 katao bunsod ng pagpapalaro ng illegal bookies sa pagsalakay ng mga awtoridad kamakalawa ng tanghali sa Baliwag, Bulacan. Base sa report ng tanggapan ni Central Luzon Police Director, Chief Supt. Raul Petra Santa, dakong 1 p.m. nang salakayin ng mga awtoridad ang compound sa #624 Lajom St., Brgy. Sto. Cristo at nahuli ang …
Read More »3 senador ‘itarima’ sa ordinary jail — Miriam
IGINIIT ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na dapat walang special treatment sa mga senador sakaling sila ay maaresto, at dapat ay ilagay sila sa ordinaryong kulungan. “Therefore, they should be detained while they are undergoing hearing at huwag sila i-detain sa mga airconditioned na mga palasyo o i-house arrest kasi makikita ng tao na may diperensya pala kung mahirap ka at …
Read More »Beteranong newscaster Harry Gasser pumanaw na
SUMAKABILANG buhay na ang beteranong newscaster na si Harry Gasser sa edad 76 anyos. Ayon sa anak ni Gasser na si Henry, namatay ang kanyang ama kahapon ng madaling araw dahil sa sakit sa puso na pinalala ng pneumonia. “He was declared dead at 3:50 a.m. Doctors tried to revive him pero wala na talaga. Ang nag-trigger talaga sa heart …
Read More »P214.3-M jackpot ng 6/55 Grand Lotto wala pa rin nanalo
WALA pa rin nakapag-uuwi ng P214,330,176 jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Ito’y makaraang mabigo ang mga tumaya sa nasabing lottery game sa pinakahuling draw. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakapagtaya sa lumabas na kombinasyong 33-03-35-31-19-38. Dahil dito, inaasahang lalo pang tataas ang pot money ng Grand lotto. Ang regular draw schedule ng 6/55 ay tuwing Lunes, …
Read More »Mag-asawa, helper minasaker sa Isabela
CAUAYAN CITY, Isabela – Tatlo ang patay sa naganap na masaker dakong 11 p.m. kamakalawa sa isang bahay sa Albano St., District 3, Cauayan City. Patay ang mag-asawa at kasamahan nila sa bahay makaraan saksakin nang maraming beses ng dalawang salarin. Knilala ang mga namatay na biktimang sina John Pablo, 30, asawang si Lovelyn Pablo, 31, at kasama nila sa …
Read More »Lola, 2 apo utas sa gasera
ISANG 68-anyos lola at dalawa niyang apo ang namatay makaraang masunog ang kanilang bahay habang natutulog sa Taguig City, iniulat kahapon ng umaga. Kinilala ni Taguig City Fire Marshal, C/Insp. Juanito Maslang, ang mga biktimang sina Zenaida delos Santos, 68, mga apo na sina Roniel, 8 anyos, at Ariana delos Santos, 1 taon gulang. Natagpuan ang lola na kayakap pa …
Read More »Aresto vs 3 Senador kasado
AARESTOHIN sina Sens Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, at ibang personalidad kapag isinampa na sa Sandiganbayan ang mga kasong may kinalaman sa P10-B pork barrel scam. Tinalakay ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. sa press briefing sa Palasyo ang tatahaking roadmap ng mga kasong may kaugnayan sa pork barrel scam makaraan ilabas ng Ombudsman ang resolution kamakalawa, at …
Read More »Napoles ‘hihiwain’ ng St. Lukes’ doctors
PINAHINTULUTAN ng Makati Regional Trial Court na mga private doctors ang tumingin sa medical needs ng pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles habang naka-confine sa Ospital ng Makati. Sa ipinalabas na kautusan ni Makati-RTC Judge Elmo Alameda, pinayagan ng korte sina Drs Elsie Badillo-Pascua, Efren Domingo, Leo Aquizilan, Michael Lim-Villa at Nick Cruz na magsagawa ng surgery …
Read More »Entertainment editor na utol ng Pasay VM binantaan ng abogado
DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang kapatid ni Pasay City Vice Mayor Marlon Pesebre, para ipa-blotter ang natanggap na pagbabanta sa buhay ng kanilang buong pamilya. Sa pahayag kay SPO1 Nestor Rubel ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, sinabi ni Ruben Pesebre y Roldan, nasa hustong gulang, Engineer, ng 72 Almazor St., Nichols, tinawagan siya …
Read More »Rekomendasyon ng Senado: Plunder vs 3 Senador, Napoles et al (Enrile, Reyes isasalang sa disbarment proceedings)
INIREKOMENDA ni Senate Blue Ribbon Committee chair Sen. Teofisto Guingona III ang pagsasampa ng kasong plunder laban kina Sen. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla, kaugnay sa multi-billion peso pork barrel scandal. Sa inilabas na Senate blue ribbon committee report, inihayag ni Guingona, kabilang sa rekomendasyon ay ang paghahain ng kasong plunder sa tatlo at hiwalay na …
Read More »Ex-cager, bebot patay sa karambola ng 3 sasakyan sa SLEx
PATAY ang dalawa katao kabilang ang dating player ng Philippine Basketball Association (PBA) at dalawa pa ang sugatan, sa magkarambola ng tatlong sasakyan sa South Luzon Expressway (SLEx), Muntinlupa City, iniulat kamakalawa ng gabi. Nalagutan ng hininga bago idating sa Parañaque Medical Center sina Bryan Gahol, nasa hustong gulang, ex-PBA player ng Alaska, Mobiline, Barako Bull at Petron Blaze at …
Read More »Honor pupil nalunod sa agos ng Labangan Channel
NALUNOD ang 12-anyos batang babae na honor pupil nang tangayin ng agos sa Labangan Channel makaraan ang graduation ceremony sa kanilang paaralan sa Bulacan. Ang biktimang si Gianna Francesca Santos, 2nd honor pupil ng Pinagtulayan Elementary School sa Brgy. San Isidro II, Paombong, Bulacan, ay nalunod nang tangayin nang malakas na agos ng tubig ng Labangan Channel, sa pagitan ng …
Read More »PNoy bitin vs AFP report sa Cudia case
IBINALIK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay AFP chief Emmanuel Bautista ang initial report hinggil sa apela ni Cadet Jeff Aldrin Cudia. Sinabi ni Pangulong Aquino, hihintayin niya ang kompletong report sa loob ng isang linggo. Ayon kay Pangulong Aquino, may ilang puntos na wala sa investigation report ng AFP na nakita sa pag-interview kay Cudia at sa PMA …
Read More »9 Martilyo Gang ‘nakatakas’ jaguar absuelto sa ‘negligence’ (Sa MOA incident)
SIYAM sa sampong nangholdap na hinihinalang grupo ng Martilyo Gang ang ‘nakatakas’ sa naganap na holdap sa isang jewelry shop sa Mall of Asia (MoA) sa Pasay City, kamakalawa ng gabi. Nakapiit na sa Pasay police detention ang nasakoteng suspek na kinilalang si Bryan Bansawan alyas Mahdi L. Abedin, 23, na nahaharap sa mga kasong robbery, frustrated homicide, attempted homicide, …
Read More »