Thursday , December 26 2024

Front Page

Sanggol, utol ‘nalitson’ sa ceiling fan

NAMATAY ang isang sanggol na lalaki at 4-anyos niyang kuya nang matupok ang kanilang bahay dahil sa nag-overheat na ceilign fan sa Sibonga, Cebu kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Ezekiel Gab Sarnillo, 4-anyos, at Philip Hanz, isang taon gulang. Batay sa ulat ng pulisya, dakong 3 p.m. nang maganap ang sunog sa bahay ng pamilya Sarnillo sa …

Read More »

Tuyo’t itlog inisnab nina Bong at Jinggoy

HINDI ginalaw nina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla, Jr., ang inihain sa kanilang tuyo at itlog bilang almusal kahapon ng umaga. Ayon sa dalawang senador, marami silang pagkain dahil ang bawat dumadalaw sa kanila ay may dalang pagkain. Sa katunayan, binibigyan ng dalawang senador ng kanilang mga pagkain ang iba pang mga detainee sa loob ng Custodial Center. …

Read More »

PNP kasado na sa hospital arrest ni Enrile

NAKAHANDA na ang PNP General Hospital sakaling i-hospital arrest si Senator Juan Ponce Enrile. Sakaling mapagbigyan ang kahilingang hospital o house arrest ni Enrile, posibleng dalhin pa rin siya sa Kampo Crame para isailalim sa booking process. Sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, kahit hindi ibigay sa kanila ng korte ang kustodiya kay Enrile kapag nadakip o …

Read More »

Price hike ‘palaisipan’ kay PNoy

AMINADO si Pangulong Benigno Aquino III na siya mismo’y nagtataka sa tunay na dahilan nang paglobo ng presyo ng mga pangunahing bilihin kaya paiimbestigahan niya ito. “Ang daming debate… ‘Yung output dahil sa ‘Yolanda’, ‘Santi,’ and others, ano ba ang epekto talaga no’n? ‘Yung laban natin, laban sa Spratlys, ay nagpapataas ng presyo? We need definitive answers,” ayon sa Pangulo …

Read More »

Erap praning na — Palasyo (Admin itinuro sa oust move)

WALANG kinalaman ang Palasyo sa disqualification case sa Supreme Court na mistulang multong kinatatakutan ni ousted president, convicted plunderer at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Ito ang bwelta ng Malacañang sa akusasyon ni Estrada na ang Palasyo ang nasa likod ng kinakaharap niyang disqualification case at nagbabala na lalaban kapag pinatalsik muli sa pwesto. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, …

Read More »

20 minors inabuso Aussie arestado

DINAKIP ang isang Australian national dahil sa pang-aabuso sa 20 menor de edad sa isang resort sa Cordova, Cebu. Kinilala ang 50-anyos suspek na si Peter James Robinson, isang mechanical engineer sa Australia. Nabisto ang pang-aabuso ng suspek nang magsumbong sa Municipal Social Welfare Department ang isa sa mga biktima. Sa salaysay ng biktima, pinasasayaw sila nang hubo’t hubad habang …

Read More »

‘Rice smuggler’ kasuhan ng perjury (Rekomendasyon ng DoJ)

PINASASAMPAHAN ng Department of Justice (DoJ) ng kasong perjury ang hinihinalang big time rice smuggler na si Davidson Bangayan. Sa resolusyong pirmado ni Prosecutor General Claro Arellano, nakasaad na may sapat na batayan o probable cause para sampahan ng kasong perjury o paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code, si Bangayan. Nag-ugat ang kaso sa inihaing reklamo ng Senate …

Read More »

Abogado utas sa desperadong hostage-taker (PNoy, Obama hiniling makausap bago nag-suicide)

HANDA nang lusubin ng mga tauhan ng San Juan City SWAT team ang security guard na ini-hostage ang isang abogado sa loob ng isang gusali sa N. Domingo St., Brgy. Balumbato, San Juan City, nang makarinig ng putok ng baril ngunit naabutan nilang nakahandusay na ang biktima makaraan paputukan ng suspek na nagbaril din sa sarili. (ALEX MENDOZA) NAGLUPASAY si …

Read More »

Tao ni danding bagong NFA administrator

DATING tauhan ni presidential uncle Eduardo “Danding” Cojuangco, at isang Philippine Military Academy (PMA) graduate ang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III bilang bagong pinuno ng National Food Authority (NFA). Si Arthur Juan, graduate ng PMA Class ’68, at dating pangulo ng San Miguel Foods Inc., ni Cojuangco, ay hinirang na kapalit ni Orlan Calayag na nagbitiw bilang NFA administrator …

Read More »

CCW bumuo ng audit team sa P700-M Albay Fund

BUMUO ng audit team ang isang grupo laban sa krimen upang suriin ang P700-mily0n pondong nakalaan sa scholarship program ng Albay. Ayon sa Citizens Crime Watch (CCW) kailangan malaman ng taong bayan ang kabuuan ng halagang nagasta mula sa malaking pondo at kung tama nga ang pinuntahan nito. Kinuwestyon ni CCW Bicol chairman Diego Magpantay ang paggamit ng pondo ng …

Read More »

74-anyos Binondo restaurant nasunog

KABILANG ang 74-anyos Binondo restaurant sa natupok sa naganap na sunog sa residential-commercial area kahapon ng umaga sa Ongpin St., Binondo, Maynila. Ayon sa ulat ng Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang residential bldg. dakong 9:31 a.m. sa Ongpin corner Mañosa Streets. Bunsod nito, natupok din ang nakapaligid na commercial establishments sa lugar kabilang ang …

Read More »

2 warehouse ng tsinelas naabo sa Valenzuela

SINISIKAP apulain ng mga bombero ang apoy sa nasunog na dalawang warehouse ng tsinelas ng Adriatic Manufacturing sa Industrial Road, Brgy. Karuhatan, Valenzuela City. (RIC ROLDAN) NAABO ang mahigit sa P5 milyon halaga ng mga produkto at ari-arian makaraan tupukin ng apoy ang dalawang  warehouse ng tsinelas kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Dakong 7:02 a.m. nang magsimulang lamunin ng …

Read More »

Manunubang employer 14-taon kulong (Sa SSS contributions)

MAS mabigat na parusa para sa mga employer na hindi nakapagbabayad ng kanilang SSS contributions sa kanilang mga empleyado, ang isinusulong ngayon sa Kamara. Base sa House Bill 4405 na iniakda nina Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate (Party-list Bayan Muna), kalahati sa multang ibabayad ng mga walang konsensiyang employer ay ibibigay sa mga empleyadong naagrabyado. Ayon kay Rep. …

Read More »

Bebot nag-amok sa mayor’s office multi-cab sinunog

LEGAZPI CITY – Inaresto ng mga awtoridad ang isang 21-anyos babae makaraan magwala sa opisina ng alkalde at sinunog ang isang sasakyan sa bayan ng Baras, sa lalawigan ng Catanduanes kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Jelyn Dayawon Broso, mula sa San Miguel sa nasabing bayan. Napag-alaman, dakong 8 a.m. biglang sumugod sa Baras municipal building si Dayawon at sinilaban …

Read More »

Brillantes hoyo sa PCOS

GUSTONG ipakulong ng isang anti-corruption group sa Presidential Electoral Tribunal (PET) si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes at iba pang poll body officials dahil sa kuwestiyonableng paglipat ng libo-libong precinct count optical scan (PCOS) machines nang walang pahintulot ng hukuman. Isinampa ang petisyon nina Alicia Lazaga, Joel Abalos, Jonas Sinel na pawang residente ng Sta. Rosa City, at …

Read More »

‘Panday’ nasindak sa daga

BUKOD sa matinding init sa loob ng selda, inireklamo rin ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang nagkalat na mga ipis at daga na aniya’y sinlaki ng pusa. Si Revilla ay nakapiit sa PNP Custodial Center makaraan sumuko nitong Biyernes sa Sandiganbayan bunsod ng kasong graft at plunder kaugnay P10-billion pork barrel scam. Kaugnay nito, hiniling ng pamilya Revilla na …

Read More »

Jinggoy sumuko sa Crame

SINAMAHAN ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kanyang anak na si Senador Jinggoy Estrada sa pagsuko kahapon kay CIDG chief, Supt. Benjamin Magalong sa Camp Crame kahapon. (RAMON ESTABAYA) DUMIRETSO sa PNP headquarters sa Camp Crame si Sen. Jinggoy Estrada para sumuko. Ito’y makaraan maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan Fifth Division laban sa senador sa kasong plunder at graft …

Read More »

National artists umaalma kontra Palasyo (Pagbasura kay Ate Guy insulto)

INALMAHAN ng national artists ang hindi pagkakabilang ng beteranang aktres na si Nora Aunor sa idineklarang national artists ng Malacañang kamakailan. Ayon kay National Commission for Culture and the Arts Chairman Felipe de Leon, Jr., kailangan magpaliwanag dito ang Palasyo. Sa deliberasyon pa lang aniya ng pagpili sa hihiranging national artists ay isa si Aunor sa mga nakakuha nang mataas …

Read More »

Dinukot na Chinese tourist nasagip 6 suspek arestado

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Republic Act 1084 at serious illegal detention ng Pasay City Police sa Prosecutor’s Office ang anim kalalakihang dumukot sa Chinese tourist nitong Biyernes. Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Florencio Ortilla ang mga suspek na sina Richard Eloriaga, 31; Christoper Esperat, 29; Roel Fausto, 32; Daniel Ren, 20; isang Tsinoy; Giovani Erollo, 20; …

Read More »

4-anyos tigok sa silver cleaning solution

PATAY ang 4-anyos batang lalaki nang aksidenteng mainom ang silver cleaning solution na nakalagay sa plastic bottle nitong Sabado ng umaga. Kinilala ng Pasay City Police ang biktimang si Rheven Mendoza, ng Santiago St., Pasay City, idineklarang dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital. Ayon kay SPO3 Allan Valdez , naganap ang insidente dakong 7:11 a.m. nitong Sabado …

Read More »

Yolanda victims agrabyado sa 3 pork senators (Kulungan maganda pa sa bunkhouses)

INIREREKLAMO ng mga tagasuporta, kaanak at mga survivor ng super typhoon Yolanda ang malaking pagkakaiba ng detention cells ng mga senador na sangkot sa pork barrel scam at bunkhouses na ipinatayo para sa mga biktima ng bagyo. “The clear and wide gap of discrepancies between the pork detention cells and the bunkhouses for Yolanda victims and survivors only shows who …

Read More »

3 todas sa MNLF vs ASG

TATLO ang kompirmadong patay sa mahigit sa isang oras na sagupaan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Al-Barka, Basilan noong Sabado ng umaga. Kabilang sa mga napatay ang komander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Basilan na si Basir Kasaran dahil sa tama ng bala sa ulo at dalawang kasapi ng MNLF na …

Read More »

Mandato ‘agimat’ ng Palasyo kontra Nora Aunor (Paliwanag ni Coloma)

IDINEPENSA ng Malacañang ang desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi isama si award-winning actress Nora Aunor sa listahan ng bagong National Artists. Inihayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang desisyon ni Aquino ay base sa kung sino ang higit na nagsilbi sa interes ng bansa. Nang itanong kung ang dahilan ni Aquino ay politikal o may kaugnayan …

Read More »

VIP prisoners ipinabubusisi ni Miriam

PINAIIMBESTIGAHAN ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Senado ang napaulat na “VIP prisoners” o ang mga bilanggong namumuhay nang maluho kahit nasa loob ng kulungan. Dahil dito, nakatakdang ihain ni Santiago ang Senate Resolution No. 525, naglalayong imbestigahan ng kinauukulang komite sa Senado ang aniya’y anomalous situation sa New Bilibid Prison. Ito ay kasunod ng ulat na may mga bilanggo sa …

Read More »