Sunday , March 16 2025
duterte gun
duterte gun

DOH isali sa gov’t anti-drug campaign
HUSTISYA SA BIKTIMA NG EJKs SA DUTERTE DRUG WAR ISINUSULONG

HINDI dapat kalimutang bigyan ng hustisya ang libo-libong biktima ng patayan sa madugong drug war ng administrasyong Duterte. 

Panawagan ito ng human rights groups kasunod ng paglulunsad ng gobyernong Marcos Jr., ng Buhay Ingatan Droga Ayawan (BIDA) program o ang “whole of nation approach” na anti-illegal drugs campaign. 

Sinabi ni Carlos Conde ng Human Rights Watch sa programang Frontline sa News5 kagabi, hindi dapat kalimutan ang extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng Duterte administration, mahalagang makamit ang inaasam na hustisya at tutukan ng gobyerno ang rehabilitasyon sa mga naging biktima ng illegal drugs. 

Ayon kay National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) Sec-Gen for National Capital Region Kristina Conti, ang pahayag ng Marcos Jr., administration na ibang approach ang BIDA ay pag-amin na may mali sa Duterte drug war. 

Sa nakalipas na apat na buwan, aniya, hindi naman natunghayan ang nagkalat na mga bangkay at placard na vigilante style killings gaya noong nakalipas na administrasyon. 

“They call it different as you already said different because you clearly want to differentiate yourself from the previous administration means there was something wrong,” ani Conti sa programang The Chiefs sa One PH kagabi. 

Ang sinasabi aniyang ‘new approach’ ngayon ay tila hindi rin bago dahil sa nakaraang mga anti-drug campaign ay may mahalagang papel na ginampanan ang komunidad at ang barangay gaya ng gustong mangyari ng gobyernong Marcos Jr.   

“This different approach is actually kind of similar to previous programs. When I was younger, there was even, I remember this jail the pusher, save the user. Matagal na ‘to. Kumbaga, there’s nothing new to what they are saying and this barangay center program is just logical kasi clearly you cannot do top down,” paliwanag ng human rights lawyer. 

Bagamat’t hindi pa niya nakikita ang dokumento kaugnay sa BIDA, tila hindi niya narinig na kasali o bibigyan ng mahalagang papel ang Department of Health (DOH) sa programa. 

Kailangan aniyang mailatag ang kompletong datos hinggil sa ugat ng paglaganap ng illegal drugs sa bansa na magiging batayan upang matumbok ang tamang solusyon. 

Itinuturing ng HR groups na magandang hakbang para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng EJKs ng Duterte government ang pagdating sa bansa ni UN special rapporteur on summary executions Morris Tidball-Binz upang ibahagi ang kanyang “expertise on forensic pathology.”  

Si Tidball-Binz ay isa sa mga special rapporteur na inimbitahan bumisita sa Filipinas ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Nauna rito’y inanyayahan din ni Remulla sina UN special rapporteur on the sale and sexual exploitation of children Mama Fatima Singhateh at si rapporteur on freedom of expression and media Irene Khan. 

Nanawagan ang HR groups sa administrasyong Marcos Jr., na maging bukas sa imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng EJKs. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Shabu

Higit P1.2-M shabu nasamsam, 2 armadong tulak tiklo sa Bulacan

SA KAMPANYA laban sa ilegal na droga at baril, naaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang …

Antonio Carpio Sara Duterte Chiz Escudero

Carpio kay Chiz  
EBIDENSIYA PROTEKSIYONAN VS VP SARA

Antonio CarpioSara Duterte Chiz EscuderoKASUNOD ng panawagan ng 1 Sambayan na simulan  ng Senado ang …

031325 Hataw Frontpage

FPRRD ‘di biktima, kundi mga pinatay sa war on drugs — Solons

ni GERRY BALDO NANAWAGAN sa publiko ang dalawang lider ng Quad Committee ng Kamara kahapon, …

Robin Padilla Rodrigo Duterte Bong Go Philip Salvador

Robin mapanindigan kayang samahan si Digong?;  Ipe emosyonal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang nahahati ang showbiz world nang dahil sa mga …

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

BILANG tugon sa mga hamon na kinakaharap ng persons with disabilities (PWDs) sa paghahanap ng …