Sunday , March 16 2025
fire dead

67-anyos Lolo patay nang mabagok habang lumilikas sa sunog

ISANG 67-anyos lolo ang patay nang mabagok habang lumilikas nang masunog ang ilang tahanan sa isang residential area sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Delfin Enerva, 67 anyos, residente sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Batay sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, dakong 4:00 am nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng tahanan ni Nestor Bactismo sa Saint Vincent St., Brgy. Holy Spirit.

Nabatid na malaki na ang apoy at hindi na niya naapula kaya’t iniligtas na lang ang mga anak.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay kaya’t nagmamadaling nagsilikas ang mga kapitbahay, kabilang ang biktima.

Gayonman, habang lumilikas ay minalas na madulas ang biktima at nabagok ang ulo.

Naisugod pa sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

Tinatayang nasa 20 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na tumupok sa 10 tahanan.

Alas 5:50 am nang maideklarang under control ang sunog bago tuluyang naapula dakong 6:20 am.

Inaalam ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Arrest Shabu

Higit P1.2-M shabu nasamsam, 2 armadong tulak tiklo sa Bulacan

SA KAMPANYA laban sa ilegal na droga at baril, naaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang …

Antonio Carpio Sara Duterte Chiz Escudero

Carpio kay Chiz  
EBIDENSIYA PROTEKSIYONAN VS VP SARA

Antonio CarpioSara Duterte Chiz EscuderoKASUNOD ng panawagan ng 1 Sambayan na simulan  ng Senado ang …

031325 Hataw Frontpage

FPRRD ‘di biktima, kundi mga pinatay sa war on drugs — Solons

ni GERRY BALDO NANAWAGAN sa publiko ang dalawang lider ng Quad Committee ng Kamara kahapon, …

Robin Padilla Rodrigo Duterte Bong Go Philip Salvador

Robin mapanindigan kayang samahan si Digong?;  Ipe emosyonal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang nahahati ang showbiz world nang dahil sa mga …

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

BILANG tugon sa mga hamon na kinakaharap ng persons with disabilities (PWDs) sa paghahanap ng …