Thursday , June 4 2026
PNP QCPD

8 katao huli sa robbery hold-up

DINAKIP ng mga awtoridad ang walo kataong hinihinalang nanloob at tumangay sa vault at iba pang mga kagamitan ng isang kompanya sa  Quezon City nitong Sabado.

Kinilala ang mga naaresto na sina Junito Napigkit Bugas, 56 anyos,  kapatid na si Melchor, 57; Gerald Balazo Ramil, 45, construction worker;  Ronald Bait-it Allanig, 32, jobless; Felix Palnoga Handumon, 38, construction worker; Janet Linis Mendoza, 50, medical staff;  Maybelle De Guzman Bugas, 45, caretaker;  Ma. Christina Joy Mangbanag Verien, 22, at Angelica Abuedo Bonabon, 37, online seller.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 2:11 ng hapon nitong Sabado, 6 Hulyo, nang maganap ang robbery hold-up sa Customer First Distributor Incorporated na matatagpuan sa Sagittarius St., Brgy. Talipapa, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl Jordan Barbado, matapos makatanggap ng impormasyon sa  naganap na robbery-holdup ay agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng QCPD.

Agad nadakip ang mga suspek ng pinagsanib na puwersa ng Talipapa Police Station 3 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Resty Damaso, Special Operations Unit (DSOU) sa pangunguna ni P/Maj. Wilfredo Taran, Jr.,  Special Weapons and Tactics (SWAT), District Mobile Force Battalion (DMFB) sa ilalim ni P/Lt. Mark Corpuz, CIDU sa pamumuno ni P/Maj Don Don M Llapitan, sa koordinasyon ng General Trias City Police Station sa ilalim ni P/Maj. Hilario Lacaste at Noveleta Municipal Police Station, sa magkakahiwalay na lugar.

Nasamsam mula sa mga suspek ang company vault, isang Glock 17 caliber 9mm, cellphones, anim piraso ng 9mm live ammunition, isang magazine, black sling bag, IDs, black Toyota Commuter, apat na sachet ng shabu na naglalaman ng halos 20 gramo at nagkakahalaga ng P136,000, ilang mga dokumento ng kompanya, granada, at isang kalibre .38 Armscor na walang serial number.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …