PARA hindi mahirapan ang consumers sa pagbabayad ng utility bills agad na iminungkahi ni Sen. Francis Tolentino na gawing ‘three gives’ ang pagbabayad nito. Nais ng Senador na bayaran ng ‘three gives’ ang mga bayarin sa ilaw, tubig at iba pang bayarin sa bahay sa tuwing nasa state of calamity ang bansa. Sa Senate Bill No. 1473 o ang “Three …
Read More »Masonry Layout
Kamara bahalang magpasya sa kaso ng ABS-CBN — Go
DAPAT ipaubaya sa House of Representatives ang usapin ng inilabas na cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN. Ito ang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go kasunod ng issuance ng NTC ng kautusan hinggil sa hiling na prankisa ng network Kaugnay nito, umapela si Go sa Kamara na tugunan ang bill na humihiling ng renewal …
Read More »Cease-and-desist order vs ABS-CBN puwedeng iakyat sa Korte Suprema
MAAARING iakyat ng ABS-CBN Corporation sa Korte Suprema (SC) ang cease-and-desist order na ipinalabas laban sa korporasyon. Sinabi ito ni Senator Francis Pangilinan, isa rin abogado, kasunod ng pagpapatigil ng operasyon ng major network. Malinaw, aniya, ito ay grave abuse of discretion dahil halatang pinag-initan ang ABS CBN sa isyu ng prankisa gayong maraming broadcasting companies ang nag-o-operate …
Read More »NTC itinuro ng Palasyo sa #deadair ABS-CBN
DUMISTANSIYA ang Palasyo sa inilabas na kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) na itigil ng ABS-CBN at mga radio station nito ang pagsasahimpapawid dahil wala silang prankisa mula sa Kongreso. Ang cease-and-desist order ng NTC laban sa ABS-CBN ay inilabas dalawang araw matapos magbanta si Solicitor General Jose Calida sa komisyon laban sa paglalabas ng provisional authority para sa …
Read More »Away ng NTC at Kamara ‘nagliyab’ sa #deadair ABS-CBN
‘NAGLIYAB’ na ang away ng Kamara at ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos maglabas ang naturang ahensiya ng cease-and-desist order sa ABS-CBN. Pinatitigil ng NTC ang operasyon ng dambuhalang media network ngayon, 5 Mayo. Ayon kay Palawan Rep. Franz “Chikoy” Alvarez, ang chairman ng House Committee on Legislative Franchise, walang karapatan ang NTC na makialam sa isyu ng prankisa ng …
Read More »Pangho-hostage ng PhilHealth sa OFWs ‘pinatid’ ng Malacañang (Bayad muna bago OEC )
PINAYAPA ng Malacañang ang lumalakas na reklamo ng overseas Filipino workers (OFWs) hinggil sa tila pangho-hostage ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) sa kanilang hanay, matapos sabihing ibibigay sa kanila ang overseas employment certificate (OEC) bago umalis ng bansa kahit hindi magbayad ng PhilHealth premiums. Sa Malacañang virtual press briefing kahapon, inianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na naglabas ng direktiba …
Read More »Bawas preso suportado… Decongestion sa kulungan, isinusulong
SUPORTADO ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyon ng Korte Suprema na i-decongest ang mga overcrowded na bilangguan, sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa COVID-19 o coronavirus disease 2019. Nauna rito, inianunsiyo ng isang Supreme Court official na halos 10,000 bilanggo ang napalaya para mapaluwag ang mga siksikang bilangguan. Ayon …
Read More »130 daycare teachers 20 disbursing officer tutulong sa SAP distribution (Sa Parañaque City)
SA IBINIGAY na extention ng deadline na itinakda ng Department of Interior and Local Government (DILG), umalalay na ang 130 daycare teachers at 20 disbursing officers ng Treasurer’s Office ng Parañaque City para mamahagi ng cash assistance ng social amelioration program (SAP). Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, kinailangan niyang gawin ito para mapabilis ang pagpoproseso sa verification ng …
Read More »31 MMDA personnel negatibo sa COVID-19
NASA 31 kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nakatapos nang sumailalim sa 14-day quarantine at negatibo sa coronavirus (COVID-19) noong Sabado, 2 Mayo. Nagsimula ang quarantine period noong 18 Abril ng MMDA personnel mula sa Metrobase, Flood Control Information Office at security department, holding office ng Metrobase building, kung saan sila namalagi. “We are happy that our workers …
Read More »3 Navotas police umalalay sa buntis na nanganak sa police patrol car (Pinuri ng NCRPO chief)
HINANGAAN ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang kanyang mga tauhan sa ginawang pagtulong matapos saklolohan ang manganganak na ina na walang masakyang patungo sa ospital, sa Navotas City, kamakalawa. Nasa mabuting kalagayan na ang nanganak na kinilalang si Ms. Cabisas at ang sanggol sa Tanza Lying-in Clinic na matatagpuan sa Sampaguita St., Navotas City. …
Read More »Pasay liquor ban tuloy, lumabas sa SocMed ‘fake news’
INILINAW ng pamahalaang lungsod ng Pasay na “fake news” ang kumalat sa social media na ordinansang nagpapahintulot nang uminom o makabili ng nakalalasing na inumin. Sinabi ni Pasay City Public Information Office (PIO) chief Jhun Burgos, isang draft ordinance ang kumalat sa social media na umano’y inaprobahan na ng Sangguniang Panlungsod at binabawi ang naunang kautusan na nagbabawal sa pag-inom, …
Read More »Panukalang pasukan sa Setyembre kailangan amyendahan — Sotto
IGINIIT ni Senate President Vicente Sotto III na kailangang amyendahan ang batas upang tuluyang mapahintulutang sa Setyembre ang simula ng pasukan mula sa orihinal nitong Hunyo. Ayon kay Sotto sakaling hindi maamyendahan ang batas at tiyak na malalabag ito kung itutuloy ang balak na Setyembre. Aminado si Sotto na iniisip ng pamahalaan ang kaligtasan ng bawat mag-aaral laban sa virus …
Read More »Special Education Fund hinikayat ni Gatchalian na gamitin vs COVID-19 (Para sa ligtas na balik-eskuwela)
UPANG matiyak ang kaligtasan ng mga paaralan sa muling pagbubukas ng klase ngayong taon, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang paggamit ng Special Education Fund (SEF) na inilalaan para sa local school boards. Ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, makatutulong sa local school boards ang paggamit ng SEF para sa COVID-19 response efforts ng …
Read More »Senators dadalo sa pagbubukas ng sesyon —Sotto
KAILANGAN munang pisikal na dumalo ang mga senador sa pagbubukas ng session ng kongreso bukas, 5 Mayo, nang sa ganoon ay kanilang maamyendahan ang senate rules para aprobahan ang teleconference para sa kaligtasan ng mga mambabatas. Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III kasunod ang pagtitiyak sa kaligtasan ng mga taong tutungo sa senado bukas sa pagbubukas ng …
Read More »2,000 reklamo vs barangay officials natanggap ng DILG
NASA 2,000 ang mga reklamong natanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa mga opisyal ng barangay hinggil sa pamamahagi ng cash subsidy, sa ilalim ng Special Amelioration Program (SAP). Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, pangunahin reklamo ang pagbibigay prayoridad ng barangay officials sa kanilang mga kamag-anak at kaalyado sa politika para …
Read More »Papel ng media laban sa COVID-19 pinuri ng Palasyo
PINURI ng Palasyo ang mahalagang papel na ginagampanan ng media sa paghahatid ng wasto at napapanahong mga balita sa panahon ng pandemyang coronovirus (COVID-19). Sa kanyang mensahe kahapon kaugnay sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day, sinabi ni Roque na ang pag-uulat ng media ay nagsusuong ng kamalayan sa publiko hinggil sa global pandemic at ang paghahatid ng tamang impormasyon …
Read More »Taas-singil ng Philhealth wrong-timing
NANANAWAGAN si House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman sa Philhealth na ipagpaliban ang pagtataas ng contributions ng overseas Filipino workers (OFWs) habang hinihimok ang Pangulong Duterte na iatras and kontrobersiyal na order sa gitna ng kahirapang dinaranas ngayong may krisis pangkalusugan. Sa Circular No. 2020-0014, ang OFWs na may income mula P10,000 at P20,000 ay kailangang mag bayad …
Read More »P40-M halaga gamot, nakompiska ng BoC at NBI
TINATAYANG aabot sa P40 milyong halaga ng Chinese medicines, na sinasabing lunas sa coronavirus (COVID-19) ngunit hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA), personal protective equipment (PPE) at medical supplies, ang nakompiska ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BoC) at National Bureau of Investigation (NBI), sa isang bodega sa Maynila. Dakong 10:45 am nitong 1 Mayo 2020, …
Read More »Iregularidad sa ayudang SAP nasa dossier ni kap — Año (Lagot after ECQ)
INIIPON ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dossier ng bawat barangay kapitan sa 42,000 barangays sa buong bansa para panagutin ang sinomang may katiwalian kaugnay sa implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan. Ang dossier ay koleksiyon ng mga datos at dokumento na nagsasaad ng mga impormasyon hinggil sa isang tao, pangyayari o isyu at karaniwang …
Read More »Mobile food delivery rider timbog sa droga
HINDI akalain ng delivery rider na mabubuko ang mas malaking raket niya nang mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer, nitongMartes ng gabi sa Pasay City. Agad pinosasan ng mga operatiba ng Pasay Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) si Noli Cesar Lagrata, 28, delivery rider ng isang mobile food delivery ng 160 …
Read More »Maynila may 15 bagong kaso ng COVID-19
NADAGDAGAN ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Maynila. Nakapagtala ng dagdag na 15 kaso ng COVID-19 sa lungsod kaya umabot na sa 659 ang total confirmed cases. Sa nasabing bilang, 90 ang nakarekober na, 60 ang nasawi at mayroon pang 509 aktibong kaso. Nananatiling Sampaloc ang may pinakamaraming kaso na umabot na sa 103. Mayroon din 955 suspected cases …
Read More »Isko nalungkot sa nahawang medical staff ng GABMMC
NAGPAHAYAG ng labis na kalungkutan si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagkakahawa ng 8 medical staff na kinabibilangan ng 4 doktor, 2 nurse, isang med tech at isang rad tech. Kasabay nito, ipinahayag ni Mayor Isko na ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) na pangunahing ospital sa mataong unang distrito ng Tondo, pansalamantala munang isasara mula nitong …
Read More »DILG sa barangay officials: Kabarangays huwag saktan
NAGBABALA ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga opisyal ng barangay na hindi dapat saktan ang mga residente kahit mahuling lumalabag sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinaiiral ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ito ang babala ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, …
Read More »Tondo isasailalim sa hard lockdown (Kasunod ng Sampaloc)
ISUSUNOD ang Tondo na isasailalim sa hard lockdown sa lungsod ng Maynila. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, maaaring gawin ito sa 3-4 Mayo. Dahil ito sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa Tondo. Sa pinakahuling datos, ang Tondo 1, mayroong 81 kaso ng COVID-19 habang ang Tondo 2, mayroong 51 kaso. Sinabi ni Mayor Isko, masusing inaaral ang pagpapatupad …
Read More »Radyo, TV gamitin sa pagtuturo — Win
NAIS ni Senator Win Gatchalian na gamitin na ang radyo at telebisyon para sa pagtuturo sa mga mag-aaral. Ito ay dahil walang katiyakan kung kailan magbubukas ang klase dahil sa COVID 19. Binanggit ni Gatchalian, sa prankisa ng mga radyo at TV na 15 porsiyento ng kanilang airtime ay dapat ilaan sa pagtuturo. Inihalimbawa nito na maaaring 10:00 am ay …
Read More »