Tuesday , July 16 2024
Drug test

4 bus drivers suspendido sa illegal drugs

NAGSAGAWA ng Random drug testing ang Philippine National Police (PNP), Land Transportation Office (LTO), at Local Government Units (LGUs) sa mga bus drivers na bumibiyaheng Cavite at Batangas  sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) .

Sinabi ng tagapagsalita ng PITX na si Jason Salvador, layunin nilang maging ligtas ang mga pasahero sa kanilang paglalakbay.

Dagdag ni Salvador, sinuspende ang driver’s license ng apat na bus driver matapos magpositibo sa ilegal na droga sa isinagawang random drug test sa Parañaque.

Sa 47 Bus driver na sumalang sa drug test, apat ang nagpositibo sa paggamit ng illegal drugs na karamihan ay biyaheng Cavite.

Dahil dito agad kinompiska ng LTO ang lisensiya ng apat na driver at pinatawan ng suspensiyon hanggang hindi lumalabas ang kanilang confirmatory test. (GINA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

Francis Tolentino

Sakripisyo, galing, at husay ng Pinoy nurses kinilala
Tolentino tiniyak PH Nursing Act of 2022 mahigpit na tututukan

PINURI ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang sakripisyo ng mga Pinoy nurses hindi lamang …

Bongbong Marcos Francis Tolentino

Tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa Calabarzon Region sa pamamagitan ng TUPAD program ikinasa

MAHIGIT sa 12,000 mangingisda at magsasaka mula sa lalawigan ng Cavite at Rizal ang nabigyan …

First Lady Liza Araneta-Marcos Pasig River Esplanade

Pasig River Esplanade pasyalang paraiso sa Pasig River –  First Lady

NAGBIGAY ng buong suporta si First Lady Liza Araneta-Marcos para mapadali ang ginagawang Pasig River …

Marcoleta Miru

Miru Systems’ 18 Billion Peso Contract for Philippine Elections Sparks Major Concerns

Manila, Philippines — On July 9, 2024, Hon. Rodante D. Marcoleta, Party List – SAGIP, …