,

Alexandra Faith Garcia 1st Pinay Miss Aura International

Posted by

MATABIL
ni John Fontanilla

MULING kinilala ang kagandahan ng Filipina sa ibang bansa sa pagwawagi ni Alexra Faith Garcia bilang 2021 Miss Aura International na ginanap noong October 3 sa Rixos Sungate Antalya, Turkey. 

Katulad ni Megan Young na kauna-unahang Pinay na nagwagi bilang Miss World 2013, si Alexandra Faith naman ang kauna-unahang Pinay na nakapag-uwi ng korona ng Miss Aura International.

Mula umpisa hanggang coronation night ay consistent na maganda ang performance ni Alexandra Faith kaya naman hindi nakapagtatakang ito ang nanalo.

Naging runner-ups ni Alexandra Faith sina Miss Romania Alexandra Stroe (1st runner-up), Miss Ukraine Katerina Pidkopai (2nd runner-up), Miss Colombia Maria Del Mar Meza (3rd runner-up), at Miss France Cassandra de Soussa (4th runner-up).