INAMIN ni Taytay Mayor Joric Gacula sa pamamagitan ng Facebook live nitong Linggo ng hapon (29 Marso) na tinamaan siya ng COVID-19 ayon sa kanilang family doctor. Aniya, nakaramdam na siya ng pananakit ng lalamunan, sininat, at gininaw simula noong nakaraang Martes ng umaga, 24 Marso. Agad siyang nagkonsulta sa kanilang family doctor na si Dr. Sonny Uy at pinayohan …
Read More »Masonry Layout
NPA ‘nagtaksil’ sa ceasefire — Palasyo
PAGTATAKSIL ang ginawang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo na nagsasagawa ng community work sa Barangay Puray, Rodriguez, Rizal kamakalawa. Kahapon, 29 Marso, ipinagdiwang ng NPA ang kanilang ika-51 anibersaryo. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, paglabag ito sa idineklarang ceasfire ng magkabilang panig sa gitna ng nararanasang krisis sa COVID-19. “This armed attack by the NPA …
Read More »Cebu lady physician patay sa COVID-19 asawang doktor kritikal
PANGALAWA sa talaan ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa lungsod ng Cebu ang isang pathologist na nagtatrabaho sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC). Kinilala ang doktor na si Dr. Helen Tudtud, 66 anyos, binawian ng buhay noong 27 Marso, apat na araw matapos pumanaw ang unang COVID-19 patient sa lungsod na isang 65 anyos lalaki. Samantala, nasa kritikal …
Read More »Allowance sa volunteer doctors at nurses isinulong
IMINUNGKAHI ni Rep. Eric Go Yap ng ACT-CIS Party-list na bigyan ng allowance ang volunteer doctors at nurses na nasa frontline ng laban sa COVID-19. “We are more than willing to pay what is due for our volunteer doctors and nurses and we will look into this asap,” ani Yap. “Gaya ng mga nasabi ko, itong COVID-19 crisis ay isang …
Read More »NPA, Army nagsagupa sundalo, rebelde todas (Sa bisperas ng anibersaryo)
PATAY ang isang sundalo at isang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang dalawa ang sugatan sa naudlot na planong pag-atake ng mga rebelde sa militar sa headquarters ng pulisya kamakalawa ng hapon, 28 Marso, isang araw bago ang anibersaryo ng mga rebelde, at sa kabila ng tigil-putukan na umiiral. Sa ulat ni 2nd Infantry Division Commander M/Gen. Arnulfo Burgos, …
Read More »Pasyente, 7 pa patay sa sumabog at nagliyab na eroplano (Sa NAIA runway 24)
Ulat kinalap ng Editorial Team WALONG pasahero, na kinabibilangan ng isang pasyente, ang iniulat na namatay nang sumabog at magliyab ang isang pribadong eroplano na nakatakdang sumalipawpaw patungong Japan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kagabi. Sa inisyal na impormasyon, nabatid na ang eroplano, isang civilian aircraft na pag-aari ng Lion Air Incorporated, RPC 5880 ay nasa dulo na ng …
Read More »Dahil sa COVID-19… Pampanga health chief pumanaw na
BINAWIAN ng buhay si Dr. Marcelo Jaochico, health chief ng lalawigan ng Pampanga at dating nagsilbing manggagamot sa mga rural communities, noong Martes, 24 Marso, matapos ang kaniyang pakikipaglaban sa coronavirus (COVID-19). Ayan sa anak ni Dr. Jauchico na si Cielo, sa kabila ng pagpanaw ng kaniyang ama, nagpapasalamat siya na natanggap nila ang resulta ng mga pagsusuri bago siya …
Read More »Isko nakahanda sa ‘mass outbreak’ ng COVID-19
HANDA si Manila Mayor Isko Moreno sakaling magkaroon ng “mass outbreak” ng COVID-19 sa Maynila. Sa ginanap na public briefing ng Laging Handa, sinabi ni Moreno na iko-convert niya ang sampung palapag na gusali ng Sta. Ana Hospital bilang COVID-19 hospital. Una nang binuksan ni Moreno ang 10/F ng gusali bilang isang Infectious Disease Control Center na may 19 kuwartong …
Read More »26 recoveries, 38 death toll… 84 dagdag kaso sa 636 kabuuang COVID-19 cases
PATULOY ang pagtaas ng kaso ng mga apektado ng coronavirus (COVID-19) sa Filipinas. Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00 pm kahapon, 25 Marso, pumalo sa 636 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa. Sa bilang an ito, 84 ang naitalang bagong kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na magdamang. Samantala, sinabi ng DOH, anim pang …
Read More »Sen. Go sasailalim sa self-quarantine
“IT IS unfortunate that Cong. Eric Yap has tested positive for COVID-19. We are currently initiating contact tracing, particularly those present during a meeting I attended last Saturday.” Ito ang panimulang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang desisyon na sumailalim sa self-quarantine matapos kompirmahin ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap na siya ay positibo sa COVID-19. “Puro …
Read More »COVID-19 Protocols nilabag… Party-list solon positibo, Palace officials delikado
MAAARING ituring na persons under investigation (PUIs) ang mga miyembro ng gabinete at ilang mambabatas dahil nakasalamuha sa isang pulong kamakailan sa Palasyo si ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19). Batay sa kalatas ni Yap, humingi siya ng dispensa sa mga nakahalubilo niya mula noong nakalipas na 15 Marso dahil sampung araw o kahapon …
Read More »COVID-19 positive… Sen. Koko Pimentel nagrekorida sa Makati hospital
nina NIÑO ACLAN at CYNTHIA MARTIN NAIRITA ang pamunuan ng Makati Medical Center sa ginawang paglabag sa home quarantine protocol ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, na pinag-usapan sa iba’t ibang chat group kahapon. Tinawag ng MMC na “irresponsible” at “reckless” ang ang senador dahil sa ginawa niyang paglabag habang ang buong bansa ay nasa ilalim ng matinding pag-aalala sa …
Read More »Lisensiya tatanggalin… Puneraryang di tatanggap ng patay got-la kay Yorme
KAKANSELAHIN ang permit ng mga puneraryang tatanggi sa mga labi ng mga pasyenteng namamatay sa mga ospital sa Maynila. Ito ang babala ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kasabay ng panawagan sa lahat ng punerarya sa lungsod na tanggapin ang mga labi at bigyan ng karampatang serbisyo. “Sa lahat ng punerarya, ayokong may mauulit na insidente na may isang …
Read More »Pagawaan ng pekeng alcohol bistado, Tsinoy arestado
KALABOSO ang isang Tsinoy na nagmamanupaktura ng pekeng alcohol matapos ireklamo ng kanyang mga kapitbahay at opisyal ng barangay, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila. Ayon sa ulat ni MPD PIO P/Lt. Col. Carlo Manuel, kinilala ang suspek na si Robert Tiu Teng, may address sa Dayao St., Tondo, Maynila at nadakip rin ang ilang tauhan na hindi pa pinangalanan …
Read More »‘Social distancing’ nilabag… Tupada sinakote, 5 katao kalaboso
SA MASIKIP at mainit na preso magdaraos ng self quarantine ang limang lalaki matapos maaresto nang salakayin ng Manila Police District (MPD) ang ilegal na tupada sa Parola Compound, Tondo, Maynila. Ayon kay MPD Station 2 commander, P/Lt. Col. Magno Gallora, Jr., nadakip ang mga suspek na sina Jose Gerry Quilator, 48 anyos; Reynaldo Francisco, 43; Gijainquit Bacordo, 49; Arnel …
Read More »Mag-ama arestado sa pagbebenta ng pekeng gamot sa COVID-19
ARESTADO ng mga awtoridad ang mag-ama sa isinagawang entrapment operation sa online selling ng mga pekeng gamot sa COVID-19 sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Northern Police District (NPD) director P/BGen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong suspek na kinilalang sina Ismael Aviso, Sr., at Ismael Aviso, Jr., kapwa residente sa Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS). Dakong 3:30 …
Read More »41 kaso ng COVID-19, naitala sa San Juan
NASA 41 katao ang naitalang tinamaan ng coronavirus 2019 (COVID-19) sa lungsod ng San Juan hanggang kamakalawa ng umaga, 22 Marso. Sa datos ng lokal na pamahalaan, pinakamaraming naitala sa Bgy. Greenhills at Bgy. West Crame dahilan para ikonsidera ang dalawang barangay bilang ‘hotspots.’ Sa listahan ng local health office nabatid ang bilang sa Barangay Balong-Bato – 1; Barangay Corazon …
Read More »24-oras curfew inilatag na… ECQ sa Montalban doble higpit na
TODO-HIGPIT ngayon ang lokal na pamahalaan ng Montalban matapos ilatag ang 24-oras curfew sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine matapos na isang residente ang tamaan ng coronavirus 2019 (COVID-19). Sa anunsiyo mula sa tanggapan ni Montalban Mayor Tom Hernandez, dalawang oras na lamang ang pamamalengke mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga at hindi maaaring lumagpas dito. Inatasan na rin niya …
Read More »Huli sa isoprophyl alcohol hoarding… 3 arestado sa Bulacan
NADAKIP ang tatlong suspek na ilegal na nagtitinggal (hoarding) ng isopropyl alcohol sa entrapment operation ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Kaingin, sa bayan ng San Rafael, kamakalawa, 22 Marso. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, acting provincial director ng Bulacan PNP, ang mga naarestong suspek na sina Marvin Verdillo, 27 anyos; Jose Rafael de Guzman, 36 …
Read More »Wala nag mabilhan… Libreng PPE ipagkakaloob ng DOH sa ospital na kapos sa supplies
MAMAMAHAGI ng personal protective equipment (PPE) ang Department of Health (DOH) sa mga ospital na naubusan ng supply dahil sa paghawak ng mga pasyenteng positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon kay Health spokesperson, Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan magpadala ng mga ospital ng request sa e-mail address na: [email protected]. “Pagkatanggap ng requests ipoproseso ito ng DOH at maglalaan ng …
Read More »Accreditation ID ‘di kailangan ng health workers
HINDI kailangan ng health workers na kumuha ng accreditation mula sa Inter-Agency Task Force, dahil ang kanilang identification card mula sa Department of Health (DOH) ay sapat na upang hindi sila maharang sa itinayong checkpoints sa ilalim ng enhanced community quarantine laban sa coronavirus 2019 o COVID-19. Ito ang pahayag ni DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Kasunod ng pahayag …
Read More »Espesyal na sesyon ng mga senador walang quorum
SINIMULAN ng senado ang ipinatawag na special session ng dalawang kapulungan ng kongreso upang mabigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para labanan o tugunan ang suliranin sa coronavirus 2019 o COVID-19. Ngunit agad na ipinatigil ang sesyon ng senado dahil sa kawalan ng quorum ng mga senador na dumalo sa sesyon. Bukod kay Senate President Vicente Sotto …
Read More »82 cases nadagdag… 462 positibo, 33 namatay, 18 nakarekober sa COVID-19
NADAGDAGAN pa ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Filipinas. Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang 4:00 pm nitong Lunes, 23 Marso, nadagdagan ng 82 kaso ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa. Ito ang pinakamataas na naitala sa bansa sa loob ng isang araw. Dahil dito, pumalo sa 462 ang kabuuang confirmed COVID-19 patients sa kasalukuyan. Samantala, sinabi …
Read More »Sa Pasay City… 3 positibo sa COVID-19
TATLONG bagong kaso ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19) sa Pasay City, iniulat kahapon. Base sa ulat ng Pasay City Public Information Office (PIO) kahapon dakong 12:00 nn, umabot sa 43 ang kanilang persons under monitoring (PUMs), na ang lima rito ay hindi galing sa Pasay City habang 34 persons under investigation (PUI), walo rito ang residente sa lungsod at 26 …
Read More »150 health workers ng The Medical City isinailalim sa quarantine
PANSAMANTALANG isinailalim sa quarantine ang 150 health workers ng The Medical City sa Pasig City dahil sa kanilang exposure sa ilang pasyente ng ospital na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19). Inamin ito ng presidente at chief executive officer ng ospital na si Dr. Eugenio Jose Ramos sa isang panayam, na nagpayo sa ilang nurse at doktor na umuwi muna at …
Read More »