Saturday , January 28 2023

2 notoryus na miyembro ng criminal group timbog sa SACLEO

SA ISINAGAWANG Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga tauhan ng Pasay City Police, nasakote ang dalawang hinihinalang kasapi ng noturyos na Romil Villamin Criminal Group sa lungsod nitong 30 Oktubre.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, BGen. Jimili Macaraeg ang mga nasakoteng suspek na sina Raymond Andrade, alyas Raymond, 27, at Yuri Acelar, alyas Yuri, 32, kapwa taga- Pasay City.

Ayon sa ulat, nagkasa ng SACLEO ang mga tauhan ng Station Intelligence Section nang arestohin ang mga suspek sa Twin Pioneer Street, Brgy. 148, Zone 16, Pasay City,dakong 6:00 pm nitong Sabado.

Nauna rito, mula sa operasyon sa Narra St., Brgy. 145, Zone 16, nakatanggap ng impormasyon ang awtori­dad  na nakaposisyon ang dalawang suspek sa Twin Pioneer St., habang naghahanda sa gagawing pambibiktima.

Pagsapit sa lugar, nadatnan ng mga pulis sina Andrade at Acelar na kapwa walang suot na face masks habang nag-uusap.

Nakahalata ang dalawang suspek kaya agad tumakbo ngunit nasakote ng mga pulis.

Nakuha mula kay Andrade ang isang Colt Black caliber .38 revolver na walang serial number at tatlong bala, isang Smith & Wesson black caliber .38 revolver, walang serial number at isang bala ang narekober kay  Acelar, kaya inaresto at inisyuhan ng City Ordinance Violation Receipt.

Bukod sa paglabag sa City Ordinance No.6129 (No Facemask), sasam­pahan sina Andrade at Acelar ng kasong Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakakulong ang dalawa sa Custodial Facility ng Pasay City.

“Our goal is to protect public safety by focusing on preventing violent crimes from occurring, that is why our strategy has been to collect intelligence and act on that information in real time to pre-empt victimizing communities. We are after eliminating criminal gangs especially their leaders, we await more arrest in the days to come,” pahayag ni BGen. Macaraeg.

(GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Arnell Ignacio OWWA

Health and wellness ng mga OWWA employee tututukan ni Admin Arnell

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang concern ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Arnell Ignacio hindi …

SAF 44 National Day of Remembrance bulacan

Bulacan cops ginunita ang Fallen SAF 44 sa National Day of Remembrance

PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), …

Arrest Posas Handcuff

Puganteng rapist at kilabot na kawatan, timbog

Dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Bulacan ang magkasunod na naaresto sa …

dead gun

Ika-5 suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Mabalacat, Pampanga, patay sa shootout

ANG ikalimang  suspek at lider ng Flores group na pumatay sa dalawang anti-drug cops ng …

dead gun

Wanted patay sa engkuwentro

Patay ang  lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa …