HINDI lamang sugat sa katawan ang pinsala ng anim katao sa banggaan ng dalawang pasaway na rider sa Binondo, Maynila kamakalawa ng madaling araw, kundi sasampahan din sila ng kasong paglabag sa ipinag-uutos na social distancing alinsunod sa Bayanihan Heal As One Act. Ang dalawang rider na nagbanggaan, kapwa may angkas, hindi lang isa kundi dalawa ay kinilalang sina Marc …
Read More »Masonry Layout
129 detainees sa Caloocan JCF, isasalang sa swab testing (Dahil sa PISTON 6)
NAGSAGAWA na ng swab testing ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa 129 detainees sa Caloocan City Jail Custodial Facility, makaraang magpositibo sa COVID-19 virus ang dalawa sa anim na miyembro ng Pinagkaisang Tsuper-Operators Nationwide (PISTON), na nakulong noong 2 Hunyo 2020. Ipinag-utos ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang swab testing sa mga inmate sa Custodial Facility, upang matiyak na walang …
Read More »2 arestado sa buy bust
DALAWANG hinihinalang tulak ng droga ang naaresto matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa ikinasang buy-bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na sina Alvin Lozano, 28 anyos; at Wilcris Perrando, 41 anyos, kapwa residente sa Barangay Tañong ng nasabing lungsod. Sa …
Read More »16 dayuhan arestado sa Makati bar
UMAOT sa 16 dayuhan ang hinuli ng mga operatiba ng Makati City Police dahil sa isinagawang mass gathering sa isang bar sa lungsod, nitong Miyerkoles ng hapon. Nasa kustodya ng pulisya ang mga suspek na sina Cedric Fowetfeih Nhengafac, 30; Ndipagbor Rayuk, 39; Christian Menkami Youmbi, 35; Ashu Cederick, 34; Nintedem Feudjio Bertrand, 30; Mekoulou Christelle Clemence, 30; Bernadette …
Read More »4 Bombero sugatan sa salpok ng truck
SUGATAN ang apat na fire volunteer mula sa Caloocan City nang banggain ng trailer truck ang sinasakyan nilang fire truck sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw. Binabaybay ng fire truck ng Execom Fire & Rescue ang United Nations (UN) Avenue patungong Taft Avenue nang salpukin ng 14-wheeler truck sa intersection ng San Marcelino St., 12:30 am. Tumagilid …
Read More »20 NCR barangay officials inirekomendang sampahan ng kaso sa Ombudsman
INIREKOMENDA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sampahan ng kaso sa Ombudsman ang 20 barangay officials sa National Capital Region dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ) protocols na ipinairal sa bansa dahil sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) . “We want to send a message sa mga pasaway na barangay official that the …
Read More »Bike lanes sa Maynila hindi pa ligtas — Isko
PINAG-IISIPAN maigi ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang paglalagay ng bike lanes kasabay ng pag-amin na hati ang kanyang desisyon pagdating sa nasabing usapin para sa lungsod ng Maynila. Ayon sa punong lungsod, susunod siya kung magkakaroon ang national government ng bike lanes sa siyudad pero kung sa kanya iiwan ang pasya ay hindi niya ito gagawin dahil …
Read More »DOJ at Manila RTC isinailalim sa lockdown
WALANG PASOK ang mga empleyado ng Department of Justice (DOJ) habang inatasan ang lahat ng hukom at empleyado ng korte na nag-oopisina sa gusali ng Manila City Hall na sumailalim sa self quarantine, simula kahapon. Base sa inilabas na Department Order No. 152 ni Justice Secretary Menardo Guevarra noong Miyerkoles, suspendido hanggang 28 Hunyo ang lahat ng “on-site work” …
Read More »MeTC branches sa Manila city hall isinailalim sa lockdown
ISASAILALIM sa lockdown ang lahat ng Metropolitan Trial Court (MeTC) branches na matatagpuan sa Manila City Hall at Old Ombudsman Building gayondin ang Office of the Clerk of Court. Alinsunod ito sa awtoridad na ibinigay ng Office of the Court Administrator, Supreme Court at sa kautusan na natanggap mula kay Assistant Court Administrator Maria Regina Adoracion Filomena M. Ignacio …
Read More »2 paslit, 1 pa patay sa sunog (Pabrika ng plastik sa Antipolo natupok)
PATAY sa sunog ang dalawang batang may edad tatlo at pitong taong gulang, at isang 38-anyos makaraang magliyab ang isang pabrika ng plastik kamakalawa ng hapon, 17 Hunyo sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Sa ulat ng Antipolo City Fire Department, kinilala ang mga namatay sa sunog na sina Jade Cambronero, 3-anyos; Cyrus Andrei Geronimo, 7-anyos; at Jenny Tabon, …
Read More »‘Criminal negligence’ sa gitna ng Covid-19 pananagutan ng DOH (Sa pagkamatay ng 1,108 Pinoys)
DAPAT managot ang Department of Health (DOH) sa pagkamatay ng mahigit isang libong Filipino sa pandemyang coronavirus disease (COVID-19) dahil sa sablay at palpak na pagtugon sa krisis. Sa ilalim ng batas, ipinaliwanag na: “criminal negligence is a surrogate mens rea (Latin for guilty mind) required to constitute a conventional as opposed to strict liability offense.” Tinutukoy nito ang obhektibong pamantayan ng inaasahang asal o gawi ng mga …
Read More »Roque nag-sorry sa PhilHealth WHITE union
HUMINGI ng paumanhin si Presidential Spokesman Harry Roque sa mga kawani ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) na umalma laban sa “sweeping statement” na may mga ‘buwaya’ pa rin at talamak ang korupsiyon sa ahensiya. “Naku, I’m sorry po to the honest-to-goodness, matitinong tao po na nagtatrabaho sa PhilHealth. In fairness, napakaraming matitino po riyan, halos lahat matitino, mayroon lang …
Read More »Roque hugas-kamay sa pagpapabitiw kay Leachon sa NTF Covid-19 (‘Pambansang laway lang ako.’)
UPANG patunayan na wala siyang kinalaman sa pagpapabitiw kay National Task Force on COVID-19 special adviser Dr. Anthony “Tony” Leachon, tila hugas-kamay na tinawag ni Presidential Spokesman Harry Roque ang sarili bilang “pambansang laway.” “He (Leachon) is giving me too much credit, pambansang laway lang po ako, wala po talaga akong kapangyarihan na mag-compel sa kahit sino sa kanila na …
Read More »3 kelot pinagbabaril ng tinuksong ‘supot’
KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang tatlong kalalakihan matapos mag-amok at mamaril ang lalaking tinukso nilang ‘supot’ sa Barangay Corro-oy, sa bayan ng Santol, lalawigan ng La Union, noong Martes ng gabi, 16 Hunyo. Kinilala ni La Union Police Provincial Office (LUPPO) Information Officer P/Maj. Silverio Ordinado, Jr., ang suspek na si Mac Joel Obedoza, 30 anyos, at ang mga …
Read More »Pulis-Davao todas sa sariling boga
PATAY ang isang pulis matapos aksidenteng pumutok ang nililinis niyang service pistol noong Martes ng hapon, 16 Hunyo, sa labas ng kaniyang bahay sa Barangay Tubod, bayan ng Bansalan, lalawigan ng Davao del Sur. Kinilala ni P/Maj. Peter Glenn Ipong, hepe ng Bansalan police, ang biktimang si Patrolman Kim Lester Cosido, 27 anyos, nakatalaga sa Digos City police station at …
Read More »3 arsonists nasakote ng kasera
INIULAT ng Makati City Police na nahuli ang tatlong hinihinalang arsonists ng kanilang kasera nang tangkaing sunugin ang inupahang silid, sa Barangay Cembo, Makati City kahapon. Kinilala ang mga suspek na sina Gerald Derder Nierras, 27, ng 46 Miguel St., Barangay NBBN, Navotas City; Renalyn Martin, 37, ng Phase 1 Paradise, Tonsuya, Malabon City; at Eduardo Arpon, 38, ng …
Read More »761 OFWs mula Lebanon, UAE dumating sa bansa
NAKABALIK na sa Filipinas ang 761 overseas Filipino workers (OFWs) mula Lebanon at United Arab Emirates (UAE). Umabot sa 761 OFWs ang panibagong batch na nakauwi sa pamamagitan ng repatriation program sakay ng dalawang chartered flight. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), unang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang unang batch na binubuo ng 405 …
Read More »Senglot, kawatan na nanapak pa, kalaboso
IPINAHAMAK ng alak ang isang kawatan nang makipaghabulan sa mga tanod gamit ang ninakaw na bisikleta at nanapak ng opisyal ng barangay sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Ronnel Borromeo, 26 anyos, driver, residente sa Maypajo, Caloocan City. Nahaharap sa mga kasong theft at direct assault, bukod pa sa paglabag sa ordinansang paggala at …
Read More »Akyat condo gang, timbog sa shabu
INARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na indibidwal na sinabing nagbebenta ng ilegal na droga sa buy bust operation sa Maynila. Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric Distor ang mga suspek na sina Eric Eulogio, Odessa de Guzman Paterna, Renato Abaya, at April Kyle Gonzales. Ayon sa NBI, nakatanggap ng impormasyon ang …
Read More »Mukha ng rider pisak sa truck
PATAY agad ang isang rider nang tumilapon at una ang mukhang bumagsak sa gilid ng kalsada, makaraang mahagip ng isang truck sa southbound lane ng A.H. Lacson Avenue malapit sa panulukan ng G. Tuazon St., Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat ni Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) chief. P/Maj. Ronaldo Santiago, namatay noon din ang biktimang kinilalang …
Read More »Chinese illegal clinics sa gated subdivisions ipinasusudsod ni Mayor Olivarez
INIUTOS ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez kay Chief of Police (COP) P/Col. Robin Sarmiento na sudsurin ang mga Chinese illegal clinics na may operasyon sa gated subdivision sa lungsod. Sa direktiba ng alkalde kay Sarmiento, magsasagawa ng inspeksiyon laban sa ilegal na klinika o ospital na sinasabing nanggagamot ng Chinese nationals na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa …
Read More »LTO Central Office isinara, 12 kawani positibo sa COVID-19
TUMIGIL sa operasyon ang Land Transportation Office (LTO) makaraang magpositibo sa COVID-19 ang 12 kawani ng ahensiya sa isinagawang rapid test. Dakong 12:00 nn kahapon nang ipatigil ang operasyon ng LTO Central Office sa East Avenue, Barangay Pinyahan, Diliman, Quezon City. Nagpasiya ang pamunuan ng ahensiya na pansamantalang itigil ang operasyon hanggang Biyernes para bigyang daan ang gagawing …
Read More »PH Internet makupad kulelat sa Asya
BINATIKOS ni Senador Imee Marcos ang hindi pagbibigay ng prayoridad ng pamahalaan para maisayos ang mabagal na internet connection sa bansa ngayong nahaharap ang buong mundo sa sinasabing “new normal” bunsod ng pandemyang COVID-19. Dahil dito, nanawagan si Marcos, chair ng Senate committee on economic affairs, sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na mag-level up dahil ito ang …
Read More »Duque sa kamay ng Ombudsman, ayos lang — Roque
IGINAGALANG ng Palasyo ang desisyon ng Office of the Ombudsman na imbestigahan si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at iba pang opisyal ng kagawaran bunsod ng umano’y mga iregularidad kaugnay sa paglaban sa coronavirus disease (COVID-19). Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isang independent constitutional body ang Ombudsman kaya’t hahayaan ng Palasyong umusad ang proseso at hinimok …
Read More »Leachon ‘desentonado’ kina Duque at Roque pinagbitiw ng Palasyo (Truthful, transparent, open, and straightforward…)
PINAYOHAN ng Palasyo na magbitiw ang isang health reform advocate na nagsilbing adviser ng National Task Force on coronavirus disease (COVID-19) outbreak. Inihayag kahapon ni Dr. Antonio “Tony” Leachon na kinausap siya ni National Task Force chief implementer Carlito Galvez, Jr., para magbitiw bilang kanyang tagapayo dahil ‘desentonado’ siya sa paraan ng komunikasyon ng Palasyo kaugnay sa kampanya kontra COVID-19. …
Read More »