MARAMING frontliners at netizens ang galit ngayon kay dating Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista matapos sabihin sa kanyang Facebook post na ang ‘lack of common sense’ ay dahilan para madapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang indibidwal. Wala pang isang linggo matapos aminin ni QC Mayor Joy Belmonte na nagpositibo siya sa COVID-19, ipinaskil naman ni Bautista sa …
Read More »Masonry Layout
Negosyo buksan, mass testing gawin na — solons
NANINIWALA ang ilan sa mga kongresista na kailangan nang tigilan ang lockdown, buksan na ang negosyo at isagawa ang mass-testing upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Desmayado rin ang mga mambabatas sa pamamalakad ni Health Secretary Francisco Duque kaugnay sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, …
Read More »BI Modernization Act isinusulong sa Senado
ISINULONG ni Senator Christopher “Bong” Go ang Bureau of Immigration Modernization Act of 2020 sa pamamagitan ng Senate Bill 1649. Sinabi ni Go, layon nitong maamyendahan ang lumang batas para mas mapabuti ang serbisyo ng Immigration, mas maaalagaan ang mga Filipino at mas maprotektahan ang bansa sa iba’t ibang panganib na puwedeng dumaan. Ipinaliwanag ni Go, taong 1940 naisabatas ang Philippine Immigration Act at sa rami …
Read More »Sona sa batasan pa rin – Digong
IBINAHAGI ni Senate President Vicente Sotto III na nagdesisyon na si Pangulong Duterte na nais niyang ihayag ang kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Batasan Pambansa pa rin sa 27 Hulyo, sa kabila ng banta ng COVID-19. Aniya, patuloy ang pag-uusap ng Malacañang, Senate, at House secretariats para sa mga magiging galaw sa pang-limang SONA ni Pangulong …
Read More »Pagkuha ng maraming contact tracer paso na – Garin
PASO o wala nang bisa ang iniisip ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dagdagan ang contact tracers ng gobyerno, ayon sa dating kalihim ng Department of Health (DOH) na ngayon ay Iloilo 1st district Represenative Janette Garin. “The hiring of many contact-tracers in my point of view will not be that cost-effective anymore kasi nagbukas …
Read More »Go nakiusap: Kalayaan gamitin nang tama
“PLEASE use your freedom wisely.” Payo ito ni Sen. Christopher “Bong” Go sa publiko kasunod ng ulat na nagpadala ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) sa isang estudyante dahil sa pag-share ng isang post sa social media na kritikal sa senador. Paliwanag ni Go, kinikilala niya ang kalayaan sa pamamahayag bilang batayang karapatan ng bawat Filipino ngunit kailangan …
Read More »Sa utos ni Yorme: Magulang ng 34 pasaway inaresto
UMABOT sa 34 magulang ang nasampolan nang arestohin makaraang masagip ang 40 pasaway na menor de edad na nasa labas ng kanilang mga bahay nang madaanan sa isinagawang operasyon ng Manila Police District (MPD) at Manila Social Welfare Department sa siyam na barangay sa Maynila. Sa ulat ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ikinasa ang operasyon dakong 8:30 am hanggang 11:30 am …
Read More »Mega web of corruption: Ikinakasang DepEd online education hi-tech pero ‘pabigat’ at komersiyalisado
ni ROSE NOVENARIO NAG-VIRAL sa social media noong nakaraang buwan ang mga larawan ng mga guro sa Davao de Oro na nagkumpulan sa tabi ng kalsada para makakuha ng malakas na data connection signal bilang paghahanda sa mekanisno ng distance learning batay sa ipinaiiral na health protocols sa panahon ng pandemyang COVID-19. Bukod sa mga guro, napaulat din na ilang …
Read More »10 bahay lockdown (Sa Negros Oriental)
ISINAILALIM sa localized lockdown ang hindi bababa sa 10 bahay sa isang sitio sa Barangay Poblacion, sa lungsod ng Guihulngan, lalawigan ng Negros Oriental matapos makisalamuha ang isang pasyenteng positibo sa COVID-19 sa kaniyang mga kaanak. Ayon kay Dr. Liland Estacion, assistant provincial health officer, noong Miyerkoles, 15 Hulyo, hindi malinaw kung paano nagkaroon ng pagkakataong makasalamuha ng pasyente …
Read More »Sanggol, 2 bata positibo sa COVID-19 (Sa Pangasinan)
NAITALA ang walong bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lalawigan ng Pangasinan, isa ang sanggol at dalawa ay mga bata. Pinaniniwalaang nahawa ang sanggol at dalawang bata sa kanilang 29-anyos ama, ang unang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng San Nicolas. Nabatid na umuwi ang ama ng mga bata sa Pangasinan noong 27 Hunyo mula sa …
Read More »Choreographer wanted sa pang-aabuso sa bata arestado
KALABOSO ang isang freelance choreographer na wanted sa kasong may kinalaman sa Anti-Child Abuse Law. Kinilala ang suspek na si Romeo de Gracia, alyas Boyong, 30, binata, residente sa San Andres Extension Sta. Ana, Maynila. Naaresto si Bayson sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jose Lorenzo Dela Rosa, Presiding Judge ng Manila RTC Branch 4. Sa rekord ng korte, may …
Read More »LPG sumabog sa Maynila (2 sugatan)
SUGATAN ang dalawa katao matapos sumabog ang LPG sa loob ng isang bahay sa Malate, Maynila. Kinilala ang mga sugatan na sina Jerson Panong, binata, aircon technician; at isang alyas Jr., binata , helper, at kapwa nakatira sa 2566A Singalong Street, Barangay 728, Malate, Maynila. Sa ulat, isinugod ang mga biktima sa Philippine General Hospital (PGH) upang agad malapatan ng lunas ang …
Read More »P3.4-M shabu kompiskado sa 4 suspek sa Quiapo
INARESTO ng mga operatiba ang apat katao matapos mahulihan ng aabot sa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Quiapo, Maynila. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Akmad Sumira Utawan, Jimmy Sangcala Imperial, Aminah Adam Macabato, at Norainma Ibta Cabugatan. Sa ulat, isinagawa ang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay 384. Ayon kay PDEA Agent …
Read More »Maynila may COVID-19 drive-thru testing na (Inilunsad ni Mayor Isko)
INILUNSAD ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kauna-unahang libreng drive-thru testing sa mga motorista upang magbigay kapanatagan at mawala ang pagkabahala at agam-agam ng mga residente patungkol sa COVID-19. Nabatid kay Mayor Isko, aabot sa 16,000 motorista ang kayang silbihan ng makina sa loob ng isang linggo at ang resulta ay mas konklusibo at sigurado kompara sa …
Read More »DOH, umayos kayo – solon
“UMAYOS kayo!” Ito ang panawagan ni ACT-CIS Party-list Representative Nina Taduran sa Department of Health (DOH) sa harap ng magulo at nakaaalarmang datos kaugnay ng sitwasyon sa COVID-19 sa bansa. Nanawagan din ang House assistant majority leader na maging tapat at eksakto ang datos na inihaharap ng DOH sa publiko. “Last Sunday, DOH wasn’t able to release updated …
Read More »‘House-to-house search’ ng COVID-19 positive labag sa human rights
BINIGYANG-DIIN ni Senate Minority Leader Frank Drilon na malalabag ang karapatang pantao kapag ikinasa ng gobyerno ang ‘door-to-door search’ ng mga positibo sa COVID-19. “No warrant, no entry,” ayon kay Drilon, na hinikayat ang gobyerno na suriin muna ang bagong estratehiya. Mali rin aniya na mga alagad ng batas ang maghahanap sa mga may sakit sa katuwiran na …
Read More »Mega web of corruption: DepEd project ‘niluto’ over cups of coffee (Ikatlong Bahagi)
PIPING saksi ang apat na sulok ng isang restawran sa five-star hotel sa katimugang bahagi ng Metro Manila sa ‘pagluluto’ ng mataas na opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at ehekutibo ng isang state-run television network sa panukalang proyekto sa Department of Education (DepEd) na magsilbing Educational Broadcast Network ang Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) na tinatayang aabot sa halagang …
Read More »Kompanya ni Dennis Uy sapol sa baklas-pondo
DALAWANG magkasunod na pagbawi o pag-atras ng pondo sa kompanya na magpapatakbo sa third telco player sa bansa ang naganap sa loob lamang ng dalawang linggo. Kamakalawa, napag-alaman na ang buong 30 porsiyentong sosyo ng Singapore management fund sa Dito CME Holdings Corp., ng negosyanteng si Dennis Uy ay ibinenta na. “Singapore fund Accion divests from Uy’s Dito …
Read More »Rep. Abu binatikos sa pagbasura ng ABS-CBN franchise (Batangueños umangal)
MATAPOS ang huling pagdinig ng kongreso ukol sa prankisa ng ABS-CBN, marami sa mga mga residente at mga tagasuporta ng ABS-CBN na tinaguriang largest broadcast network sa bansa, ang binatikos si Batangas 2nd District Representative Raneo Abu ng mga residente ng lalawigan dahil sa umano’y hindi makatarungang pagboto sa pagsasara ng ABS na isinaalang-alang na lang sana sa kanyang mga …
Read More »Jerry Gracio, sariling resignasyon iginiit sa KWF
NAPUNO na ang salop. Hindi na kinaya ng isang opisyal ng gobyerno na magsilbi sa isang administrasyon na aniya’y walang pagpapahalaga sa karapatang pantao at sa malayang pamamahayag at lantarang nagpapamansag ng fasismo ng estado. “Bilang manunulat, hindi ko na kinakaya na magsilbi sa isang administrasyon na walang pagpapahalaga sa karapatang pantao at malayang pamamahayag at lantarang nagpapamansag …
Read More »‘Super Sho’ que sera, sera sa pag-epal na ‘Pambansang Laway’
GUSTONG bumida nang husto ang isang mataas na opisyal ng Palasyo at papelan ang lahat ng sektor ng sangay ng ehekutibo. Bulongan ito sa sirkulo ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos umugong sa kanilang hanay na tatlong task force na ang nais kontrolin ng naturang top Palace official. Si top Palace official ay tila hindi napapagod sa …
Read More »Mega web of corruption: Bloated salary scheme ng TV execs bistado (Ikalawang Bahagi)
NAKAKITA ng oportunidad ang ilang ehekutibo ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) hindi para ibangon ang naghihingalong state-run TV network kundi para ‘patabain’ ang kanilang sariling bulsa. Isasakatuparan umano ito sa pamamagitan ng pinalobong suweldo ng mga kukunin nilang mga empleyado sa implementasyon ng panukalang proyekto ng Department of Education (DepEd) na magsilbing Educational Broadcast Network ang IBC-13 na tinatayang …
Read More »Tulak na Tsinay inginuso ng kabayan timbog
NADAKIP ang babaeng Chinese national na kabilang sa high value target (HVT) nang ibuko ng kababayang nakakulong o person under police custody (PUPC) na nagsuplay sa kaniya ng droga, nitong Sabado ng hapon sa Pasay City. Kinilala ang suspek na si Xueming Chen, 22 anyos, walang trabaho, ng Room 557, 5th floor Tower D, Shell Residences, Barangay 76, Zone 10, …
Read More »78,000 OFWs nakabalik na sa bansa
NAKAUWI na sa bansa ang mahigit 78,000 overseas Filipino (OFs) dahil sa epekto ng COVID-19 Sa pinakahuling tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), may panibagong 10,369 OFs mula sa iba’t ibang bansa ang natulungan ng pamahalaan para makabalik sa Filipinas. Pumalo na sa 78,809 Pinoy overseas ang nakabalik sa bansa nang magsimula ang pamahalaan sa ginagawang COVID-19 repatriation simula …
Read More »Face mask epektibong panlaban vs COVID-19
BINIGYANG DIIN ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask bilang epektibong panlaban sa impeksiyon ng COVID-19. Ayon kay Health Undersecreatry Maria Rosario Vergeire, ilang pag-aaral na ang nagsabing may 85 percent tsansang mabawasan ang risk o posibilidad na mahawaan ng COVID-19 ang isang indibidwal na nakasuot ng face mask. Kung susundin naman daw ang physical …
Read More »