Monday , May 16 2022

2M+ residente bakunado na — Quezon City

MAHIGIT dalawang milyong (2M+) residente ng Quezon City (QC) ang “fully vaccinated” o bakunado na, at dalawang milyong katao pa ang naturukan na ng “first dose.”

Ito ang iniulat ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) nitong Linggo, ang

2,118,430 indibiduwal (may mga edad at kabataan) ay mga bakunado na, kabilang ang mga nabigyan ng isang bakuna na Janssen.

Ang mga nabigyan naman ng “first dose” ay umabot na sa 2,151,990 katao, kabilang ang mga manggagawang sinamantala ang programa ng lokal na pamahalaan sa pagbabakuna ‘di man sila residente ng lungsod.

Ang ‘vaccination program’ ay nakapagbakuna na rin ng 220,732 menor de edad, mayroon o walang mga  comorbidity.

Sa kabuuan, iniulat ng CESU na 4,752,281 ‘vaccine dosis’ ang naiturok na, sa ilalim ng #QCProtekTODO Vaccination Program sa tulong ng mga healthcare workers, staff at volunteers.

Sinabi ni CESU Head, Dr. Rolando Cruz, pinalawak na rin ng lokal na pamahalaan  ang ‘testing capacity’ sa pagbili ng 100,000 rapid antigen test kits, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Red Cross upang mapalawig ang RT-PCR test, at malaman kung sino sa mga residente ang may virus.

Dagdag ni Dr. Cruz, ang lungsod ay may mahigit isang libo pang contact tracers na nagsasagawa ng “community case monitoring, data collecting” at “encoding, validating reported cases, assisting in vaccination, and monitoring the implementation of minimum public health standards.”

Inilabas ng CESU ang mga datos upang pabulaanan ang mga paratang ng mga kalaban sa politika ni Mayor Joy Belmonte na walang tigil sa  pagsasabing walang ginagawa ang pamahalaang lungsod sa hinaharap na pandemiya dulot ng CoVid-19 virus at ang bago nitong variant na Omicron.

Kaya naman maging ang tagapagsalita ng Mayora na si Pia Morato, ay nakapagpasa na rin sa kanyang social media account upang paliwangan ang publiko.

“Natural mataas ang bilang ng mga kaso ng may CoVid-19 sa Quezon City dahil marami tayong nate-test na QCitizens. Ang mga bilang na ito ang nagpapakita na mayroon tayong komprehensibo at epektibong ginagawa para sa testing and contact tracing.  If he was genuinely concerned with matters involving ‘kalusugan,’ he would know that the current outbreak is centered in NCR, particularly in high density cities. Any comparison should be apples-to-apples, otherwise, it’s obviously the bitter fruit of politicking,” paliwanag ni Morato na walang ibang tinutukoy kung di si Anakalusugan Partylist representative Mike Defensor na tumatakbo rin mayor ng lungsod sa darating na halalan sa Mayo.

“Instead of actually helping his constituents through the millions of pesos he receives in Congressional funds, the supposed Representative of our children’s health appears to be spending all his time and energy on misguided criticism against our LGU (Local Goverment Unit),” dagdag ni Morato.

About hataw tabloid

Check Also

QC jail riot

Biyernes 13: 1 patay, 7 sugatan sa riot na sumiklab sa QC jail

PATAY ang isang preso (person deprived of liberty o PDL) makaraang mabaril habang pito ang …

prison

Nagpanggap na masakit ang tiyan
MOST WANTED NG CEBU UMESKAPO

NAGLUNSAD ng manhunt operation ang mga awtoridad upang muling mahuli ang isang PDL (person deprived …

knife saksak

Tutol sa relasyon ng magdyowang 17-anyos
INA SINAKSAK, NILASLAS SA DIBDIB NG ANAK AT NOBYO

PATAY ang isang 44-anyos ina na sinaksak at nilaslas sa dibdib at sa braso ng …

arrest, posas, fingerprints

Pagtutulak ginawang sideline,
SEKYU TIMBOG, 7 PA NASAKOTE SA ILEGAL NA DROGA

ARESTADO ang isang security guard na nahuling ginagawang sideline ang pagtutulak ng ilegal na droga …

Salvador Ador Pleyto

Gumawa ng kasaysayan sa Bulacan
PLEYTO UNANG KINATAWAN SA BAGONG DISTRITO

GUMAWA ng kasaysayan si Salvador “Ador” Pleyto bilang kauna-unahang kinatawan ng bagong distrito sa lalawigan …