Monday , May 16 2022
Zambales PPO, PNP PRO3, San Marcelino Zambales

Tulak na ‘Kano’ timbog sa Zambales

DINAKIP ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang isang American national na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa lalawigan ng Zambales, nitong Miyerkoles, 19 Enero.

            Sa ulat, kinilala ni PDEG Director P/BGen. Remus Medina, ang suspek na si John Louis, 42 anyos, naaresto sa ikinasang buy bust operation.

Narekober mula sa suspek ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 at boodle money na ginamit sa operasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng special operations unit ng PRO3 PNP ang suspek para sa dokumentasyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

QC jail riot

Biyernes 13: 1 patay, 7 sugatan sa riot na sumiklab sa QC jail

PATAY ang isang preso (person deprived of liberty o PDL) makaraang mabaril habang pito ang …

prison

Nagpanggap na masakit ang tiyan
MOST WANTED NG CEBU UMESKAPO

NAGLUNSAD ng manhunt operation ang mga awtoridad upang muling mahuli ang isang PDL (person deprived …

knife saksak

Tutol sa relasyon ng magdyowang 17-anyos
INA SINAKSAK, NILASLAS SA DIBDIB NG ANAK AT NOBYO

PATAY ang isang 44-anyos ina na sinaksak at nilaslas sa dibdib at sa braso ng …

arrest, posas, fingerprints

Pagtutulak ginawang sideline,
SEKYU TIMBOG, 7 PA NASAKOTE SA ILEGAL NA DROGA

ARESTADO ang isang security guard na nahuling ginagawang sideline ang pagtutulak ng ilegal na droga …

Salvador Ador Pleyto

Gumawa ng kasaysayan sa Bulacan
PLEYTO UNANG KINATAWAN SA BAGONG DISTRITO

GUMAWA ng kasaysayan si Salvador “Ador” Pleyto bilang kauna-unahang kinatawan ng bagong distrito sa lalawigan …