Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

HDO vs Lao inihirit ng senado (Planong tumakas)

Lloyd Christopher Lao

NAIS ng Senado na maglabas ng hold departure order (HDO) laban kay dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao matapos makatanggap ng ulat na nagtangkang lumabas ng bansa sa gitna ng imbestigasyon sa overpriced medical supplies na kanyang kinasasangkutan. Sa panayam sa Dobol B TV, sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na inabisohan siya ni Sen. …

Read More »

Sara gaya ni Digong ‘pag naging ph prexy —1Sambayan

HATAW News Team UPANG matiyak na matututukan at masosolusyonan ang CoVid-19 pandemic sa Filipinas na kabilang sa pinakamasamang lagay sa buong Asya, hindi na dapat ang administrasyong Duterte o sinomang kandidato nila ang maupo sa Malacañang. Ayon kay 1Sambayan convenor Neri Colmenares, nakita na ng publiko kung paano ang naging CoVid response ng administarsyong Duterte kaya kung ayaw nang maulit …

Read More »

Bilyones na Covid-19 funds ‘bayad-utang’ ng Duterte admin sa ‘criminal ring’

ni ROSE NOVENARIO NAPUNTA sa kamay ng sindikatong kriminal at mga pugante sa batas ang bilyon-bilyong pisong pondo ng Filipinas para sa pagtugon sa CoVid-19 pandemic. Isiniwalat kahapon ni Sen. Risa Hontiveros na tinutugis ng Taiwan government ang mga opisyal ng Pharmally International Holding Co Ltd na sina Huang Wen Lie, Huang Tzu Yen, at business partner ni Michael Yang, …

Read More »

Aktres hinirang na bagong miyembro ng Ph Coast Guard

Julia Barretto, Gerald Anderson, K9 Squadron, PCG

ni Tracy Cabrera MANILA — May bagong miyembro ang Philippine Coast Guard (PCG) sa katauhan ng aktres na si Julia Barretto na itinalaga bilang auxiliary ensign Auxiliary K9 Squadron ng PCG. Malugod na sinalubong ni PCG commandant Admiral George Ursabia Jr. ang pagpasok ni Barretto sa donning and oath-taking ceremonies na isinagawa sa PCG national headquarters sa Port Area, Maynila kasama ang iba pang …

Read More »

Kauna-unahang ‘Earth Chapel’ nagbukas sa Bulacan

Earth Chapel

Kinalap mula sa UCA News ni Tracy Cabrera MALOLOS, BULACAN — Itinakda para sa mas mataas na kadahilanan ng dakilang pag-ibig sa mga likha ng Diyos, pinasinayanan ng Doctor Yanga’s College sa Bulacan ang pagbubukas ng kauna-unahang ‘earth chapel’ sa bansa na hitik sa iba’t ibang mga halaman at debuho sa sining, kabilang na ang mosaic ng mga Italyanong santo …

Read More »

Maritime group humihingi ng tulong para sa kapakanan ng mga tripolante

Kinalap ni Tracy Cabrera MANILA — Libu-libong mga seaman ngayon ang nasadlak sa kahirapan makaraang lumabis sa trabaho sa kanilang mga kontrata sanhi ng epekto ng pandemya ng coronavirus sa manning industry sa buong mundo kaya hinihiling ng mga maritime group kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang cap para sa dumarating o umuuwing na mga overseas Filipino workers (OFWs) mula …

Read More »

World Distance Learning Day

World Distance Learning Day

Kinalap ni Tracy Cabrera MANILA — Alam n’yo ba na pinagdiwang nitong nakaraang Martes, Agosto 31, ang World Distance Learning Day. Kung hindi n’yo man alam, hindi na dapat pang ikagulat na may pagdiriwang na ganito dahil ang mundo ay nakakaranas ngayon ng paghihirap sa sektor ng edukasyon sanhi ng pandemya ng coronavirus. Nagdiwang ang daigdig ng kaarawang ito upang yakapin …

Read More »

Bulacan makikiisa sa obserbasyon ng 19th Development Policy Research Month

19th Development Policy Research Month, DPRM

UPANG pataasin ang kamalayan ng mga Bulakenyo sa kahalagahan ng policy research sa pagpapaunlad ng bansa, makikiisa ang lalawigan ng Bulacan sa obserbasyon ng 19th Development Policy Research Month (DPRM) ngayong Setyembre na pinangungunahan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS). Ang nasabing aktibidad ay may temang: “Muling Magsimula at Magtayo Tungo sa Mas Matatag na Pilipinas Pagkatapos ng Pandemya.” …

Read More »

Alkalde sa Bulacan lumabag sa IATF protocols — DOH

Obando Bulacan

PINUNA ng Department of Health (DOH) ang alkalde ng bayan ng Obando, sa lalawigan ng Bulacan na sinasabing lumabag sa CoVid-19 protocols sa ginanap na pagtitipon kasama ang mga residente sa kanyang kaarawan kamakailan. Depensa ni Obando Mayor Edwin Santos, sinorpresa lamang siya ng kanyang barangay officials at ilang mga kaibigan na nagdala ng pagkain sa kanyang tahanan. Ayon kay …

Read More »

Pekeng vaccination card ibinibenta (Lalaki timbog sa Cebu)

Fake Covid-19 Vaccine card

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking hinihinalang nagtitinda ng pinekeng vaccination cards sa lungsod ng Cebu, nitong Lunes, 30 Agosto. Nabatid na nasukol ng pulisya ang suspek na kinilalang si Clifford Arcilla, 46 anyos, sa loob ng isang printing shop sa Sanciangko St., sa nabanggit na lungsod,  kung saan ginagawa ang mga pekeng vaccination card bago ibenta sa kanilang …

Read More »

DFA Consular Office NCR East branch isinara

DFA NCR East

SUSPENDIDO simula kahapon, 31 Agosto hanggang 3 Setyembre ang operasyon ang isang sangay ng consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Metro Manila bunsod ng close contact ng ilang empleyado sa ilang indibidwal na nagpositibo sa CoVid-19. Ang DFA Consular Office (CO) NCR East branch, matatagpuan sa SM Megamall sa Mandaluyong City ay pansamantalang nagsara para sa kaligtasan …

Read More »

138 Pinoys na stranded sa Bahrain nakauwi na

OFW

DUMATING kahapon ang 138 Pinoy na stranded sa  Bahrain sa pamamagitan ng Repatriation Program ng pamahalaan. Ang repatriates ay pawang mga sanggol, bata, pardoned detainees, medical patients, at mga buntis. Halos ilang linggo at buwang stranded ang mga nasabing Pinoy sa naturang bansa bunsod ng limitadong biyahe ng eroplano mula Bahrain papuntang Filipinas. Nagsagawa ng ayuda ang embahada ng Filipinas …

Read More »

Top 1 most wanted sa Misamis Occidental, arestado sa Navotas

Arrest Posas Handcuff

NASAKOTE ng mga tauhan ng Maritime police ang tinaguriang Top 1 most wanted person ng Calamba Misamis Occidental sa kanyang pinagtataguan sa Navotas City matapos ang halos anim na taong pagtatago. Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) chief P/Maj. Randy Ludovice ang naarestong si Jesson Arcamo, 28 anyos, binata, seaman/oiler ng M/V Andres Javier 8, residente sa Brgy. …

Read More »

Duterte-Go ‘joint’ bank account sinilip (Ping nanggigil)

Ping Lacson, Bong Go, Rodrigo Duterte

IPINAHIWATIG ni Sen. Panfilo Lacson na may minamantinang ‘joint bank account’ sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Christopher “Bong” Go. Buwelta ito ng senador matapos batikusin ni Pangulong Duterte ang mga senador na nag-iimbestiga sa Commission on Audit (COA) report sa pagbibigay ng Department of Health (DOH) ng P42-bilyon sa Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) at …

Read More »

Pagtaboy ni Sara sa ama camuflaje, zarzuela — Ex PPCRV chief

HATAW News Team ZARZUELA o romcom lamang ang ginagawang pagdistansiya o pagtataboy kay Pangulong Rodrigo Duterte ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte hinggil sa isyu ng 2022 Presidential election. O isang camouflage para ipakita sa publiko na magkaiba ang mag-ama sa pamamahala ngunit ang katotohanan ay magkapareho lamang sila ng ‘estilong aayaw-ayaw pero gustong-gusto pala’ kaya hindi …

Read More »

Michael Yang ‘pagador’ ng Pharmally — Duterte

ni ROSE NOVENARIO HINDI na mahihirapan ang Senado na ungkatin ang papel ng dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kuwestiyonableng kontrata ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation dahil mismong punong ehekutibo’y inamin na pagador siya ng kompanyang nakasungkit ng P8.6-bilyong overpriced medical supplies.   Sinabi ito ng Pangulo kasunod ng pagtatanggol kung bakit niya itinalagang economic adviser si Michael Yang, …

Read More »

Escape plan ng Duterte Davao Group kasado na

KASADO na ang daan upang makatakas sa pananagutan sa paglulustay ng pera ng bayan ang tinaguriang Davao Group ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag nawala na siya sa puwesto. Inihayag ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon sa panayam sa kanya ng programang The Chiefs, sa One News. Aniya, ang pagpapapuwesto sa iba’t ibang ahensiya hanggang sa Ombudsman …

Read More »

Sa gitna ng pandemya
PAMOMOLITIKA NG PAMILYA DUTERTE BINATIKOS

HATAW News Team UMABOT na sa halos 22,000 kada araw ang CoVid-19 cases sa Filipinas pero ang administrasyong Duterte ay pamomolitika at pagbatikos lang ang kayang gawin. Ipinahayag ito ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Rep. France Castro kasabay ng hamon kay Pangulong Rodrigo Duterte, imbes ang kanyang vice presidential bid at ang pag-uudyok sa anak na si Davao …

Read More »

Dating empleyado minolestiya
CHINESE CONTRACTOR ARESTADO SA PAMPANGA

prison rape

NASAKOTE ang isang contractor na Chinese national nitong Biyernes, 27 Agosto, sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, sa reklamong pangmomolestiya ng kanyang dating empleya­dong babae. Kinilala ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang arestadong suspek na si Yanlong Xu Chen, 36 anyos, Chinese national. Nadakip ngn mga awtoridad ang suspek sa kanyang bahay na armado ng warrant of arrest …

Read More »

Buhawi tumama sa Negros Occidental
2-ANYOS SUGATAN, 7 BAHAY NAPINSALA

NASUGATAN ang isang 2-anyos bata nang tamaan ng buhawi ang pitong bahay sa mga bayan ng La Castel­lana at E.B. Magalona, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Biyernes, 27 Agosto. Sa pahayag nitong Linggo, 29 Agosto, ni Dr. Zeaphard Caelian, hepe ng Provincial Disaster Management Program Division (PDMPD), nasira ang limang bahay sa Sitio Old Manghanoy, habang dalawang iba pa ang …

Read More »

Sa Bulacan
AMANG HOSTAGE TAKER TODAS SA TAMA NG BALA

dead gun police

PATAY ang 49-anyos construction worker na siyam-na-oras nang-hostage ng kanyang apat na mga anak at tumangging sumuko sa pulisya, nitong Biyernes, 27 Agosto, sa Pandi, Bulacan. Ayon kay P/Col. Alex Apolonio, hepe ng Pandi PNP, namatay ang suspek na si William Domer dakong 4:00 ng hapon noong Biyernes, sa Bulacan Medical Center (BMC), sa lungsod ng Malolos. Armado ng sundang …

Read More »

2 motorsiklo nagkabanggaan sa Biliran
DPWH J.O. PATAY PULIS, 1 PA SUGATAN

road accident

BINAWIAN ng buhay ang isang job order na tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Naval, lalawigan ng Biliran, nitong Biyernes ng gabi, 27 Agosto. Ayon kay P/Maj. Michael John Astorga, nakaangkas ang biktimang kinilalang si Cesar Japay, 62 anyos, sa motosiklong minamaneho ng kanyang kasama nang bumangga sa …

Read More »

Beautician arestado sa ipinuslit na tsokolate

ISANG 24-anyos beautician ang nadakip nang mang-umit ng tsokolate sa isang drug store nitong Sabado ng umaga, 28 Agosto, sa lungsod ng San Juan. Kinilala ng pulisya ang suspek na si August Leo Quiambao, 24 anyos, isang beautician. Nabatid na dakong 8:00 am kamakalawa, nang pumasok si Quiambao sa drug store sa Brgy. Rivera, sa lungsod, at nagpanggap na namimili. …

Read More »

Kawani ng Taguig LGU, kalaguyo huli sa motel

KALABOSO ang isang empleyado ng Taguig City Hall at ang kanyang kalaguyo nang mahuli sa akto sa loob ng isang motel sa lungsod ng Pasig, nitong Sabado ng hapon, 28 Agosto. Kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig City Police, ang mga nasakote sa motel na sina Von Agsaulio, 45 anyos, may asawa, at empleyado ng Taguig City Hall; …

Read More »