Sunday , November 17 2024

Masonry Layout

Resolusyong parangal kay Hidilyn Diaz isinulong sa Senado

AGARANG naghain ng magkahiwalay na resolusyon sina Senate Majority Leader Fraklin Drilon at Senador Richard Gordon bilang pagbibigay karangalan at pagkilala kay Hidilyn Diaz sa kanyang tagumpay na masungkit ang gintong medalya sa Tokyo Olympics sa Japan, nitong Lunes. Nakapaloob sa magkahiwalay na resolusyon ng dalawang senador ang pagkilala sa kontribusyon ni Diaz para sa karangalan ng bansa, hindi lamang …

Read More »

Duterte muntik sumubsob sa SONA (Nawalan ng balance)

KUMALAT sa social media ang video footage na muntik sumubsob si Pangulong Rodrigo Duterte nang tila mawalan ng kontrol sa kanyang mga hita habang naglalakad papasok sa Session Hall ng Kamara bago magsimula ang kanyang huling State of the Nation Address (SONA) kamakalawa. Kitang-kita sa video na napasugod palapit sa Pangulo ang dalawang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) para …

Read More »

2 Tibak tigbak sa mga parak (‘Spray paint’ vs Digong nauwi sa shootout)

DALAWANG human rights activists ang napatay nitong Lunes, 26 Hulyo, iniulat na nakipagbarilan sa mga pulis sa bayan ng Guinobatan, lalalawigan ng Albay. Kinilala ni P/Maj. Joel Jarabejo, hepe ng Guinobatan police, ang mga napaslang na aktibistang kinilalang sina Marlon Napire, 40 anyos, at Jaymar Palero, 22 anyos, kapwa sa nabanggit na bayan. Ayon kay Jarabejo, nang tangkaing pigilan ng …

Read More »

Buntis tinulungang manganak ng pulis (Inabutan sa kalsada)

TINULUNGAN ng isang babaeng pulis ang isang inang inabutan ng panganganak sa isang kalsada sa Brgy. Cagamutan, bayan ng Gamay, lalawigan ng Northern Samar, nitong Linggo, 25 Hulyo. Ayon kay P/Lt. Paterno Naga, Jr., hepe ng Gamay police, isang nagmamalsakit na residente ang nagtungo sa kanilang himpilan upang iulat na mayroong buntis na tila naabutan ng panganganak at nakahiga sa …

Read More »

Vendor na tirador ng cellphone ng kapitbahay nasakote

SWAK sa kulungan ang isang vendor matapos pasukin at pagnakawan ang bahay ng kapitbahay na tricycle driver sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon City chief of police (COP) Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Rommel Pomeda, 25 anyos, residente sa Gulayan, Brgy. Catmon ng nabanggit na lungsod. Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgts. Mardelio Osting …

Read More »

Live-in partners huli sa buy bust (Sa P.2-M shabu)

ARESTADO ang notoryus na live-in partners, kasabwat ang isa pa, makaraang makuhaan ng halos P.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon City chief of police (COP) Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Allan Ruthirakul, 49 anyos, at Irene Flores, 42 anyos, kapwa  …

Read More »

Unang hand-carried vaccines inilipad ng Cebu Pacific (Mula Maynila patungong probinsiya)

SA UNANG pagkakataon, naghatid ang Cebu Pacific hand-carried vaccines nitong Martes, 27 Hulyo, bilang bahagi ng patuloy na pagtulong sa vaccination program ng pamahalaan. Una ang lungsod ng Dumaguete sa mga nakatanggap ng ganitong uri ng kargamento, habang susunod sa schedule ang lungsod ng General Santos sa Huwebes, 29 Hulyo. Naging posible ito sa pamamagitan ng pag-alalay at pag-aproba ng …

Read More »

Apat na sugarol, napusoy

arrest prison

ARESTADO ang apat na sugarol kabilang ang isang ginang sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga naaresto na sina Alexander Debelen, 33 anyos, vendor, taga-Pandi Bulacan; Jesus Pilario, 65 anyos, tricycle driver, ng Brgy. Tañong; Veronica Onipa, 55 anyos, kasambahay, ng Brgy. San Agustin; at Alvin Fajardo, 27 anyos, ng Brgy. Tañong. …

Read More »

Magnitude 6.6 lindol yumanig sa Batangas (Dama sa buong Luzon)

lindol earthquake phivolcs

NIYANIG ng magnitude 6.6 lindol ang bayan ng Calatagan, sa lalawigan ng Batangas, nitong Sabado ng umaga, 24 Hulyo, na sinundan pa ng afterschocks. Sa kanilang earthquake bulletin, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang tectonic earthquake dakong 4:49 am na may lalim na 116 kilometro. Agad itong sinundan ng magnitude 5.5 na pagyanig dakong 4:57 am …

Read More »

6 law violators timbog sa kampanya kontra krimen sa Bulacan (Bumaha man at bumagyo)

KAHIT patuloy ang pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar, hindi tumitigil ang pulisya sa paglulunsad ng anti-crime drive sa lalawigan ng Bulacan na nagresulta sa pagkaaresto ng anim kataong may paglabag sa batas mula Sabado hanggang Linggo ng umaga, 25 Hulyo. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, nadakip sa ikinasang anti-illegal drug sting sa bayan ng …

Read More »

PDITY strategy paigtingin vs Delta variant — Gov. Fernando (Direktiba sa PTF)

DANIEL FERNANDO Bulacan

WALA pang naiuulat na kaso ng CoVid-19 Delta variant sa lalawigan ng Bulacan, pero ipinag-utos ni Gobernador Daniel Fernando sa Provincial Task Force (PTF) on CoVid-19 na paigtingin ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy sa ginanap na 12th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters of the PTF sa pamamagitan ng aplikasyong Zoo, nitong Biyernes, 23 …

Read More »

Ipo Dam nagpawala ng tubig (Sa walang tigil na ulan)

Ipo Dam

NAGSAGAWA ng spilling operations ang pamunuan ng Ipo Dam sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo ng tanghali, 25 Hulyo, dahil sa walang tigil at malakas na pag-ulan hatid ng habagat. Naitala ang antas ng tubig sa dam sa 101.3 metro dakong 12:00 pm, mas mataas sa naitalang 100.56 metro dakong 7:00 am. Sa advisory ng PAGASA, dakong 1:00 pm kahapon, inaasahang …

Read More »

May-ari ng ospital patay sa pamamaril (Sa North Cotabato)

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isang retiradong doktor mata­pos barilin ng hindi kilalang mga suspek habang naglalakad malapit sa kanyang bahay sa bayan ng Pikit, lalawigan ng North Cotabato, nitong Biyernes, 23 Hulyo. Kinilala ni P/Maj. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit MPS, ang biktimang si Dr. Robert Cadulong, may-ari ng Cadulong Medical Hospital sa Brgy. Poblacion, sa nabanggit na bayan. Sa paunang …

Read More »

Taxi nabagsakan ng Pine tree (1 patay, 2 sugatan sa Baguio)

Taxi nabagsakan ng Pine tree (1 patay, 2 sugatan sa Baguio)

BINAWIAN ng buhay ang isang call center agent, habang sugatan ang dalawa niyang kaanak, nang mabagsakan ng Pine tree ang sinasakyan nilang taxi sa Camp 8, Kennon Road, sa lungsod ng Baguio, nitong Biyernes, 23 Hulyo. Kinilala ni Baguio City Police Office director P/Col. Glen Lonogan, ang namatay na biktimang si Esmerelda Suriaga, 39 anyos; at sugatan niyang mga kaanak na …

Read More »

Pari positibo sa Covid-19, inatake sa puso (Bakunado ng Sinovac)

Fr. Manuel Jadraque, Jr.

ISANG pari ng Simbahang Katolika na nagpositibo sa CoVid-19 ang nasawi nang atakehin sa puso kahit bakunado ng dalawang dose ng Sinovac. Nabatid ito sa paskil sa Facebook ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president at Diocese of Caloocan bishop Pablo Virgilio David kamakalawa. Iniutos aniya ng CoVid-19 Command Center ng Caloocan City ang temporary lockdown sa San …

Read More »

Bakuna sa bakwit hikayat sa IATF

HINIKAYAT ni Senator Joel Villanueva ang gobyerno na magsagawa ng pagbabakuna sa mga kababayan nating nasa evacuation centers upang maiwasan ang pagkakaroon ng “CoVid-19 super-spreader event” sa mga naturang lugar. “Bigyan na po natin ng bakuna ang mga bakwit para mapabilis pa nang husto ang roll out,” ani Villanueva sa isang pahayag. “Kung mayroon na pong health personnel na nagmo-monitor …

Read More »

Kay Duterte: Huling SONA bago ka makulong — De Lima

De Lima Duterte

“GINOONG Duterte, namnamin mo na, ‘yan na ang huli mong SONA bago ka makulong.” Ito ang tahasang sinabi ni Senadora Leila de Lima sa kanyang tweet kasunod ang katagang, Lumalaban. Si De Lima ay nakakulong sa kasong ilegal na droga, na halos isang taon pa lang nakauupo sa puwesto bilang senador. Ngayong araw, 26 Hulyo, gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte …

Read More »

Covid-19 cases sa Quezon tataas pa

Quezon Province Covid-19

“PONDONG laan para sa mga health workers, ilabas mo na Gob Suarez!” Posiblengtumaas ang bilang ng mga nangamamatay sa sakit na CoVid-19 sa lalawigan ng Quezon kung hindi ipalalabas ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ni Governor Danilo “Danny” Suarez ang pondong nailaan sa pasuweldo sa health workers at pambili ng medical supporting equipment. Sa tala ng Department of Health (DOH), aabot …

Read More »

SONA zero crimetiniyak ng NCRPO

NCRPO chief, P/MGen Vicente Danao, Jr. and President Rodrigo Duterte

TINIYAK ng National Capital Region Office (NCRPO) ang seguridad sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na “zero crime incidents.” Siniguro kahapon ni NCRPO chief, P/MGen. Vicente Danao, Jr., plantsa­do ang seguridad para masiguro ang ‘zero crime incidents’ sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ngayong Lunes. Tulad ng mga naka­lipas …

Read More »

Davao City 7-straight weeks no. 1 sa Covid-19 (Mas mahigpit na restrictions inihirit ng OCTA Research)

HATAW News Team PITONG linggo nang nangunguna ang Davao City sa may pinaka­mataas na CoVid-19 cases sa bansa simula noong buwan ng Hunyo, batay sa datos ng Department of Health (DoH). Simula 7 Hunyo hanggang 19 Hulyo, nakapagtala ang Davao City ng pinakamataas na bilang ng kaso ng CoVid-19 araw-araw kompara sa iba pang high-risk cities na kinabibilangan ng Cebu, …

Read More »

Iriga lady mayor inasunto ng PNP sa ayuda ‘scam’

SINAMPAHAN ng Philippine National  Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman si Iriga City Mayor Madelaine Y. Alfelor-Gazmen sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sa Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1) dahil sa ilegal na pamamahagi ng ayuda sa Social Amelioration Program (SAP) sa …

Read More »

Goodbye Duterte (SONA zero crime tiniyak ng NCRPO)

ni ROSE NOVENARIO MAAARING magkaroon ng ‘After Dark’ experience ang may 400 dadalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil mga paboritong kanta niya ang maririnig na background music sa kabuuan ng okasyon sa Batasang Pambansa Complex, Constitution Hills, Quezon City mamayang hapon.  Ang ‘After Dark’ ay paboritong watering hole ni Pangulong Duterte sa …

Read More »

THE WHO: Unli king sa Kongreso, milyones, utang sa gobyerno

SASABOG ang mabahong, mabahong pagnanakaw ng opisyal ng isang mambabatas na singkit. Noong nakaupo pa sa isang ahensiya na may inisyal na tatlong letra, at mataas ang kanyang posisyon, milyon-milyon ang nakulimbat ng hilaw na beho, na sinabing sobrang sama ng ugali. Inakala ng masamang ugaling opisyal na ligtas na siya dahil nakakapit siya sa isang unanong singkit na sobrang …

Read More »