Sunday , September 29 2024

Blog List Layout

Naunsiyaming DAP projects igigiit ng Palasyo

DESIDIDO ang Palasyo na ipursige pa rin ang naunsiyaming mga proyektong nakapaloob sa Disbursement Acceleration Program (DAP) kaya’t hihiling sa Kongreso ng supplemental budget para pondohan ito. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi na isasama ng Malacañang sa binabalangkas na 2015 national budget, ang mga nasabing proyekto dahil hindi na makapaghihintay pa ang Malacañang na maipasa ang 2015 General …

Read More »

Pork like funds ‘di lulusot sa 2015 budget – Drilon

TINIYAK ni Senate President Franklin Drilon, walang maisisingit na pondo na kahalintulad ng kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa paghimay nila ng 2015 national budget. Inaasahang isusumite na ng Malacañang sa Kongreso ang P2.606 trillion para sa susunod na taon. Ayon kay Drilon, makaaasa ang taong bayan na walang mapapasamang pork barrel funds sa ipapasang …

Read More »

Bonifacio Global City drug joints — NBI

MASUSING imbestigasyon ang isinasagawa ng pamunuan ng Taguig City Police kaugnay sa alegasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na ”drug joints” ang Bonifacio Global City (BCG). Ang hakbang na ito ng Taguig City Police ay batay sa utos ni Taguig City Mayor Lani Cayetano makaraan umalma sa alegasyon ng NBI. Sinabi ni Cayetano, hindi nagpapabaya ang lokal na pamahalaan …

Read More »

Lolo tigok sa romansa ng bebot

CEBU CITY – Idineklarang dead on arrival ang isang 63-anyos lolo sa pagamutan makaraan nahirapang huminga habang nakikipagtalik sa isang babae sa loob ng isang hotel sa lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu. Kinilala ang biktimang si Herculano Dico, may asawa, at residente ng Brgy. Babag-1, sa nasabing lungsod. Ayon sa staff ng BSM Hotel na si Anelyn Petalyar, biglang lumabas sa …

Read More »

Impeachment vs PNoy ‘di suportado ng NP

SINIGURO ni Senadora Cynthia Villar na hindi susuportahan ng kanilang Partido Nacionalista (NP) ang ano mang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon kay Villar, hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang alyansa ng NP sa Liberal Party (LP) na partido politikal ni Pangulong Aquino at ng NP. Nagsimula ang alyansa ng dalawang partido noong 2013 …

Read More »

MILF sinuyo ng Palasyo sa delayed Bangsamoro bill

PINAWI ng Malacañang ang agam-agam ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay sa naaantalang paghahain ng draft ng Bangsamoro Basic Law. Magugunitang naiinip na ang ground commanders dahil nade-delay ang paghahain ng panukalang batas. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nais nilang tiyakin sa MILF na nananatili ang commitment ng gobyerno sa pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law. Ayon kay Lacierda, …

Read More »

Suspension vs Enrile ipatutupad (Tiniyak ng Senado)

INABISOHAN na ng Senado ang Sandiganbayan na handa nilang ipatupad ang suspension order laban kay Sen. Juan Ponce Enrile na nahaharap sa kasong plunder bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billlion peso pork barrel scam. Magugunitang noong Hulyo 24, 2014 ay natanggap ng Senado ang kautusan ng 3rd Division ng Sandiganbayan, na iniutos ang 90 araw o tatlong buwan suspensiyon …

Read More »

Trabaho ng Senado apektado

AMINADO ang ilang senador na apektado ang kanilang trabaho sa kawalan na presensiya ng kanilang kasamahang nakulong bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam. Taliwas ito sa katiyakang ginawa nina Senate President Franklin Drilon at Senate majority leader Alan Peter Cayetano na hindi maaapektuhan ang pagpasa nila ng mahahalagang panukalang batas. Ayon kina Sen. Sonny Angara …

Read More »

DFA elevator bumigay 1 tepok, 2 sugatan

BUMIGAY ang kinukumpuning elevator sa ikaanim palapag ng gusali ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ikinamatay ng isang maintenance habang sugatan ang dalawang kasamahan sa Pasay City kamakalawa. Nalagutan nang hininga bago idating sa San Juan De Dios Hospital si Regalado Gutierrez, 32, repairman ng Hyatt Elevator and Escalator Corporation, ng #78 Unit-5 Wespoint St., Cubao Quezon City, bunga …

Read More »

3 Senador sa BJMP tinutulan ng Oposisyon

NAGHAIN ng resolusyon ang oposisyon sa Senado para mapigilan ang paglilipat sa mga nakalulong na senador mula sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame. Sa kanilang Senate Resolution 798, hiniling nina Sen. Tito Sotto at Sen. Gringo Honasan na huwag mailipat sina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Ramon Revilla sa Camp Bagong Diwa sa Taguig habang …

Read More »

PNoy pumuntos sa emotional SONA (Kahit ‘di masustansiya)

UMANI ng suporta sa publiko ang pagiging emosyonal ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa State of the Nation Address (SONA) kamakalawa lalo nang banggitin ang mga katagang nabanggit na rin ng kanyang ama. Ayon kay Prospero “Popoy” De Vera, UP Vice-President for Public Affairs at isang political analyst, hindi sinasadya at hindi scripted ang binitawang salita ni Aquino kaya …

Read More »

P14-M lotto prize kinobra na ng Yolanda survivor

IPINAGKALOOB na ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Jose Ferdinand Rojas II ang mahigit P14 million lotto prize na napanalunan ng isang Yolanda survivor. Ayon kay Rojas, nagwagi ang hindi na pinangalanang lotto bettor sa nakaraang 6/45 Mega Lotto noong Hulyo 14, 2014. Nabatid na isang magsasaka ang naturang mananaya at ticket holder ng kombinasyon na 7-9- 19-24-35-43. …

Read More »

Kidlat umutas ng 2 magsasaka 2 pa kritikal

TIGOK ang dalawang magsasaka at dalawa pa ang sugatan nang tamaan ng kidlat habang nagtatanim ng palay sa Brgy. Naglicuan, Pasuquin, Ilocos Norte. Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Joven Ratuita Sr., 44; at Arnel Galiza, 30, habang sugatan sina Eddie Villanueva at Nick Cornelio, pawang mga magsasaka. Magkakatabing nagtatanim ang apat nang biglang kumulog at kumidlat, at tinamaan …

Read More »

Pangasinan hospital aapela vs 100 millionth baby

DAGUPAN CITY – Posibleng iapela ng pamunuan ng Pangasinan Provincial Hospital sa lunsod ng San Carlos ang paniniwala nilang sa kanilang pagamutan isinilang ang tinaguriang 100 millionth baby na inabangan noong madaling araw ng Linggo. Ayon kay Dr. Policarpio Manuel, Chief of Hospital ng PPH, eksaktong 12:20 a.m. ipinangana k ni Pamela Pedronio ang sanggol na lalaking si John Paul, …

Read More »

Buntis, 2 paslit tostado sa sunog

TATLONG kasapi ng isang pamilya ang patay nang makulong sa nasusunog na bahay sa Brgy. Coronon, Sta. Cruz, Davao del Sur nitong Lunes ng tanghali. Kabilang sa mga namatay ay si Noriza Hilay, walong buwan buntis; anak na si Paulo, 2; at pamangkin na si Hinata, 3-anyos. Ayon sa kasambahay na si Susana Montecerin, natutulog ang tatlo sa ikalawang palapag …

Read More »

Inday ganap nang bagyo

NABUO na bilang bagong bagyo ang sama ng panahon na namataan sa silangang bahagi ng bansa. Ayon kay Pagasa forecaster Connie Rose Dadivas, binigyan nila ito ng local name na Inday nang pumalo sa 55 kph ang taglay na hangin. Ngunit hindi ito inaasahang tatama nang direkta sa alinmang bahagi ng lupa. Gayonman, palalakasin nito ang hanging amihan na maaaring …

Read More »

4 sa 5 pugante arestado (Sa Rizal police station, Jail warden, jail guard sinibak)

SIBAK sa pwesto ang jail warden at duty jailer ng detention cell ng Taytay, Rizal Municipal Police Station nang matakasan ng limang preso nitong Lunes. Napag-alaman, palihim na nakuha ng isang menor-de -edad ang susi ng padlock sa selda makaraan libangin ang mga bantay, kaya nakapuga ang mga presong sina Florendo Ocampo, 36; Henry de Leon, 28; Christian Lipar; Jonathan …

Read More »

Binyag ng anak ‘di matutuloy ama nagbigti

NAGBIGTI ang isang construction worker nang walang maipon na pera para sa binyag ng kanyang anak sa Dasol, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si James Carlit Centino Laureano, 34, residente sa Sitio Salabusuban, Brgy. Magsaysay ng nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ng misis ng biktima ang bangkay ni Laureano habang nakasabit sa tabla ng bubong sa terrace ng …

Read More »

Bike sumemplang kelot na kusinero nabagok

PATAY ang isang 30-anyos lasing na kusinero nang mabagok ang ulo makaraan sumemplang ang sinasakyang bisikleta sa Binondo, Maynila kamakalawa. Binawian nang buhay habang isinusugod sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang biktimang si Jaime Daguplo, kusinero ng Crown Prince Hotel, at residente ng #817 Parola Street, Tondo. Sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District Homicide Section, …

Read More »

3 holdaper ng UV express arestado

ARESTADO sa follow-up operation ng mga operatiba ng Police Community Precinct (PCP-1) ang tatlong holdaper kabilang ang kapangalan ng action star na si Robin Padilla, na nambibiktima sa mga UV Express, kahapon sa Pasay City. Nakapiit na sa Pasay City detention cell ang mga suspek na sina Jeo Lavadia, 18, ng #1836 Lim Ann St., Pasay City; Kris Lloren  18; …

Read More »

Kelot itinumba sa playground

PATAY ang isang 41-anyos lalaki makaraan barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek habang nasa play ground ng Baseco compound sa Port Area, Maynila kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Jimson Ibaan, walang asawa at trabaho, ng Pasuquin, Ilocos Sur. Inaalam ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente. Ayon sa …

Read More »

Napoles nasa adjustment period sa BJMP

TINIYAK ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang maaasahang special treatment si Janet Lim-Napoles, makaraan ilipat kamakalawa ng gabi sa kanilang jail facility mula sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna. Ayon kay BJMP Spokesman Aris Villaester, mula sa pagkain at rules sa bilangguan ay obligado rin na sumunod si Napoles. Ang meal budget niya ay …

Read More »

Salvage victim isinilid sa drum

HINIHINALANG biktima ng salvage ang bangkay ng isang hindi nakilalang lalaking natagpuang nakasilid sa drum sa isang eskinita sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Ang  biktima ay tinatayang nasa 35 hanggang 40- anyos, may taas na 5’4, may tattoo sa magkabilang braso ng dragon at “Tony Adriano” sa likod. Batay sa ulat ni PO3 Jun Belbes, dakong 4:30 a.m. …

Read More »

PNoy, Kris naiyak sa SONA

NANGILID ang luha at gumaralgal ang tinig ni Pangulong Benigno Aquino III maging ang mga kapatid sa pangunguna ni Kris nang banggitin sa kanyang “speech” ang mga magulang at ang sinabing kanyang mga ipinaglalaban. Gaya ng dapat asahan inulan ng puna at komento sa social media ang pag-iyak ni Kris at ang pagluha at garalgal na tinig ng Pangulo. Pero …

Read More »

146,731 graduates may trabaho na

IBINIDA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kahalagahan ng Disbursement Acceleration Program (DAP) sa pagsisimula ng kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA). Tinukoy ng pangulo ang mga nagtapos sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na binigyan ng pondo mula sa DAP. Mayroon pang inihandang video si Pangulong Aquino ng ilang TESDA graduates na …

Read More »