Thursday , June 4 2026

Aksiyon ng MPD sa hostage-taking idinepensa ng NCRPO chief

101015 hostage bus PGH
ISANG BALA KA LANG. Hindi na pinatagal ng mga pulis-Maynila ang hostage taking kaya’t nang makakita nang tiyempo agad pinaputukan ang suspek (wala pang pagkakakilanlan – inset) kaya nakaligtas ang estudyanteng babae na kanyang hinablot at tinutukan sa loob ng bus na nakahinto sa tapat ng Philippine General Hospital (PGH) sa kanto ng Taft Ave., at Pedro Gil St., sa Ermita, Maynila. (BONG SON)

IDINEPENSA ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Chief Supt. Joel Pagdilao ang naging aksiyon ng mga tauhan ng Manila Police District na nagresponde sa insidente ng hostage-taking sa isang bus sa Maynila kamakalawa ng umaga.

Sinabi ni Pagdilao, tactical decision ang ginawa ng mga tauhan ng Manila Police District laban sa hostage taker.

Ayon sa heneral, mayroon silang protocol na sinusunod sa mga ganitong sitwasyon na ang prayoridad ay tiyakin ang kaligtasan ng biktima at isaalang-alang ang buhay.

Giit ni Pagdilao, kung nakikita ng tactical commander na nasa alanganin ang buhay ng isang hostage victim, kailangan na ang mabilis na pagpapasya sa susunod na aksiyon laban sa hostage taker.

Sa ulat ni Manila Police District chief, Chief Supt. Rolando Nana kay Pagdilao, nakita ng pulis na nalalagay na sa peligro ang buhay ng estudyanteng biktima kaya’t hindi na nagdalawang isip na i-neutralize ang suspek.

Sa kabila nang mabilis na pag-aksiyon ng MPD sa hostage taking incident, marami pa rin ang pumupuna sa pulisya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …