Tuesday , October 3 2023

Sariling pagbabago tunay na daan sa kaunlaran—Alunan

MALAKI ang paniniwala ni dating Interior and Local Government secretary Rafael Alunan III na ang pagbabago sa sarili ng bawat Filipino ang magsisilbing tunay na daan upang makamit ng bansa ang tunay na kaunlaran.

Sa panayam ng Radyo Bombo Dagupan, iginiit ni Alunan ang kahalagahan ng leksiyon na ipinamalas ng bayani at rebolusyonaryong si Heneral Antonio Luna sa pelikula hinggil sa kadakilaan na umani ng positibong pagtanggap mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

“Sa pelikulang Heneral Luna, iyong binitiwang salita ni Luna sa Gabinete ni Presidente Aguinaldo na ‘Ang kalaban ng mga Filipino ay hindi ang mga dayuhan kundi ang ating sarili,’ ganoon din ang nangyari sa panahon namin na nauwi sa diktadurya,” ani Alunan.

“Napakagulo ng mga Filipino kaya napilitan si Presidente Marcos na magdeklara ng Martial Law upang maibalik ang disiplina. Kaya lang sa panahon ng diktadurya, naabuso naman ang sambayanang Filipino.”

Idiniin ni Alunan na walang naganap na pagbabago kahit pa napatalsik sa puwesto si Marcos ng People Power o EDSA Revolution noong 1986.

“Makalipas ang maraming taon, napilitan ang mga Filipino na labanan ang dictatorship. Pero bakit ganoon pa rin? Dahil napakahina ng ating lipunan. Ang kalaban natin noon ay ating mga sarili. Kung pabibilisin natin ang oras upang sumapit sa panahon ngayon, ganoon na naman. Lumalabas na naman ang kahinaan ng ating lipunan dahil sa ating kultura na pabaya,” ani Alunan.

“Tapos inuuna natin ang sarili bago ang mas malaking interes para sa kabutihan ng bayan. Kaya ‘yong sine na iyon, ang binitawang salita ni Heneral Luna ay napakahalaga pa rin hanggang ngayon,” dagdag ni Alunan. “Ang problema ay hindi komunismo, hindi imperyalismo, hindi pasismo. Ang tunay na problema ay tayo mismo.”

About Hataw News Team

Check Also

Lolo Social Media

May bagong ‘sinosyota’
LOLONG CHICK BOY BUKING SA SOCIAL MEDIA ACCOUNT, LOLANG NAKABISTO BINUGBOG  

KULONG ang isang 61-anyos lolo dahil sa pambubugbog sa live-in partner na 65-anyos lola matapos …

100223 Hataw Frontpage

14-wheeler truck pinutukan ng gulong
BABAENG SAKADA TODAS SA TONE-TONELADANG TUBO

BINAWIAN ng buhay ang isang babae matapos matabunan at malibing nang buhay sa ilalim ng …

TESDA ICT

Kulang na TESDA assessors pinuna ni Gatchalian

BALAK manng gobyerno na pondohan ang assessment at certification ng mga mag-aaral sa senior high …

Bong Revilla

Revilla Bill para sa lola at lolo aprobado sa Senado

“SOBRA tayong nagagalak at nagpapasalamat sa pagkakapasa ng ating una at prayoridad na panukala na …

4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng tulong pinansiyal sa ika-apat na batch ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *