Thursday , June 4 2026

11 preso patay sa nasunog na Leyte Penal Colony (Naka-bartolina?)

082515 dead prison
TACLOBAN CITY – Umabot sa 11 inmates ang namatay makaraan ang naganap na sunog sa Leyte Penal Colony sa Abuyog, Leyte na tuluyang na-fire out kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Leyte Provincial Police Office (LPPO) spokesperson, Chief Insp. Edgardo Esmero, posibleng ang mga biktima ay nasa bartolina at nakalimutang i-unlock ang mga padlock nang maganap ang sunog.

Sa inisyal na report na natanggap ng LPPO, umaabot sa 1,245 inmates pa lang mula sa kabuuang 1,256 ang ‘accounted’ makaraang ideklarang fire out ng Bureau of Fire Protection ang sunog.

Ang itinuturong dahilan ng BFP sa posibleng pinagmulan ng sunog ang faulty electrical wiring sa banyo ng Building 1 ng maximum security compound.

Nadamay rin sa sunog pati ang hospital building nang nasabing piitan.

Patuloy ang imbestigasyon upang mabatid ang naging sanhi ng sunog.

3 INMATES PUMUGA SA ALBAY

LEGAZPI CITY – Nagsasagawa ng manhunt operation ng mga awtoridad makaraang makatakas ang tatlong bilanggo mula sa kanilang selda sa Tabaco City Police Station kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga tumakas na sina Virgilio Bonaobra, 30; Rondell Ryan Coral Carbonel, 38, at Mark Anthony Yacat, 23, pawang nakulong dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Sa inisyal na imbestigasyon, nilagare ng tatlong inmates ang rehas ng kanilang kulungan at sabay-sabay na tumakas habang hindi namamalayan ng ilan pang kasama nila sa selda.

Ayon kay Senior Insp. Darwin Asejo, hepe ng Tabaco CPS, kasabay ng kanilang manhaunt operation ang ginagawang imbestigasyon sa kanilang mga duty personnel na hindi namalayan ang pagtakas ng tatlo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …