SA GITNA ng biglaang dagsa ng mga mamimili bago sumapit ang Pasko, sinabi ni Senador Win Gatchalian na sa ganitong panahon ay hindi dapat naaabuso ang karapatan ng mga mamimili, bagkus dapat ay nabibigyan pa nga ng proteksiyon. Kaugnay nito, sinabi ng senador na nais niyang maamyendahan ang Consumer Act of the Philippines (Republic Act No. 7394) upang palakasin ang …
Read More »Blog List Layout
Ngayong Christmas rush
Suplay ng baboy, sapat para sa Pasko — DA
TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez, sapat ang suplay ng baboy para matugunan ang pangangailangan sa merkado ngayong kapaskuhan. Ayon kay Estoperez, dahil mas gusto ng mga mamimili na bumili ng sariwang karne, tanging ang mga nagbebenta ng frozen meat ang nag-aalangan na ilabas ang kanilang mga supply nang maramihan. “Ayun nga lang, kung may frozen …
Read More »Bebot na-trap, sa gumuhong building, 2 pa sugatan
NA-TRAP ang isang 22-anyos babae habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang 4-storey residential building sa Malabon City, kahapon ng umaga. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, si Ronalyn Tumbokon ay na-rescue dakong 11:25 am nang ma-trap ng higit apat na oras sa gumuhong residential building sa Orchids St., Brgy. Longos, dakong 7:00 am. Kinilala ang dalawa …
Read More »
Cosmo Manila 2022 sa Thai Fashion Week
KOLEKSIYON NI JPP INIRAMPA
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio RUMAMPA ng bonggang-bongga ang mga collection ni Joyce Penas Pilarsky (JPP) sa katatapos na SS23 Homme & Femme Collection sa Thailand Fashion Week noong Nobyembre 30 sa Varavela, Bangkok. Kasama niyang rumampa roon ang mga nagwagi at piling modelo sa Cosmo Manila 2022 ni Marc Cubales. Kaya collaboration ang naganap na pagrampa ng JPP collections sa Thailand Fashion Week. Bago …
Read More »
Sa Taguig City
2 HS STUDENTS, 4 KAMAG-ANAK INASUNTO VS BOMB THREAT
SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Anti-Terrorism Act ang dalawang high school students at apat na kamag-anak sa Taguig Prosecutors’ Office dahil sa pagbabantang pasasabugin ang Signal Village National High School. Magugunitang noong nakaraang buwan, nabulabog ang nasabing paaralan dahil sa pagbabantang pasasabugin at papatayin ang lahat ng mga estudyante. Kinilala ang mga sinampahan ng kaso sa alyas na Angela, 16 …
Read More »
Silver Play Button sa YT natanggap na
BONG MAMIMIGAY NG P1-M, 2 KOTSE, 5 MOTOR
NATANGGAP na ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ang YouTube SILVER PLAY BUTTON dahil sa dami ng subscribers sa kanyang YouTube channel. Naantala ang pagkilala mula sa YouTube dahil halos dalawang taon nang nagkaroon ito 100K subscribers. Sa ngayon, 264K plus na ang subscribers niya at patuloy pang dumarami. “Matagal ko na itong hinihintay, pero iba pa rin pala ang pakiramdam …
Read More »Bong tuloy-tuloy ang bayanihan
HALOS hindi na nagpapahinga si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. dahil sa sunod-sunod na dagok ang dumating sa bansa at halos hindi pa nakakaporma ay may kasunod na namang trahedya kaya kabi-kabila rin ang ginawa nitong Bayanihan Relief Operations sa mga nasalanta. “Halos isang buwang wala tayong pahinga dahil sa walang tigil nating pagresponde at pamamahagi ng tulong at ayuda sa sunod-sunod …
Read More »Ali Forbes matagal nang supporter ng clean air movement ni Doc Mike
HARD TALKni Pilar Mateo TUMALIMA naman ang mga naanyayahang dumalo sa ipinatawag na festive event ni Dr Michael Raymond Aragon, na siyang Chairman ng Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) sa kanto ng Sct. Borromeo at EDSA noong Bonifacio Day. Isyu tungkol sa climate emergency ang tinalakay ng mga naanyayahan ni Dr Mike sa nasabing okasyon. Nakiisa rin ang celebrities na nagpahayag ng …
Read More »Rey Paolo Ortiz, itinanghal na Prince Tourism Universe 2022
ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGKAROON ng victory presscon recently para kay Rey Paolo Ortiz dahil itinanghal siyang Prince Tourism Universe 2022. Ang naturang pageant ay ginanap sa Sabah, Malaysia. Si Rey Paolo ang bunso nina Dra. Jen and Forensic Doc. Paul Ed Ortiz na siyang may-ari ng sikat na Ortiz Group of Skin Clinic. Ang isa pa nilang anak …
Read More »Ate Gay bibigyan ng Queen Eva Salon franchise ni Dr Art
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BONGGA talaga si Dr Arthur Cruzada, may-ari ng Queen Eva Salon dahil nangako ito kay Ate Gay na bibigyan niya ng isang franchise ng salon ang komedyana. Pinahahanap lang niya iyon ng lugar na lalagyan ng Queen Eva Salon franchise. Hindi naman agad nakapagsalita si Ate Gay nang sinorpresa siya ni Dr. Art. Special guest si Ate Gay …
Read More »
Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO
BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank no. 10 most wanted person (MWP) sa Pasig City matapos maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr., ang naarestong akusado na si Romeo Catalan, alyas Estong, 36 anyos, at …
Read More »
P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST
TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon city police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek na sina Joana Pabito, 48 anyos, Angelito Pabito, alyas Bugoy, 48 anyos, at Raquel …
Read More »Magsasaka dehado sa planong importasyon ng sibuyas — Imee
MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang planong importasyon, kasabay ng mga anihan sa Disyembre. Paliwanag ni Marcos, handa ang mga onion farmers sa Region 1 hanggang Region 3 sa anihan sa ikalawang linggo ng Disyembre, partikular sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Tarlac. …
Read More »Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.
KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) para sa langis at gas, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Bago bumaba sa poder si Pangulong Rodrigo Duterte noong 23 Hunyo 2022 ay tinuldukan niya ang mga talakayan sa joint exploration ng China at Filipinas sa langis at gas sa WPS. Noong 2018 …
Read More »Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan
NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong pondo ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ilaan ito sa ibang kapakipakinabang na serbisyo para sa bayan. Ayon kay Gabriela party-list Rep Arlene Brosas, isang malaking kasalanan sa taong bayan ang bantang pag-restore ng budget ng NTF-ELCAC. “Sa rami ng …
Read More »Mambabatas, ekonomista, nabahala
NANAWAGAN si Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza sa mga kapwa mambabatas na huwag madaliin ang pagpasa sa batas na magbubuo ng P250-bilyong Maharlika Wealth Fund at ikonsulta ito sa publiko lalo na’t napakalaking pera ng bayan ang sangkot dito. “Para maintindihan ng publiko, simple lang ‘yan. Pondo ng taong bayan, iipunin sa isang Maharlika Fund na gagamiting investment. …
Read More »
Palasyo tahimik
GO SIGNAL NI FM JR. SA P250-B MAHARLIKA WEALTH FUND, INAMIN NI DIOKNO
ni Rose Novenario TIKOM ang bibig ng Palasyo sa kontrobersiyal na panukalang batas na pagtatatag ng P250-B Maharlika Wealth Fund (MWF) kahit inamin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na may go signal ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Lumusot kahapon sa House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang House Bill 6398 na iniakda ni Speaker Martin Romualdez kasama …
Read More »Taguig Christmas Attraction
IBINIDA ng mag-asawang Senator Allan Peter Cayetano at Taguig City Mayor Lani Cayetano ang nasa anim na ektaryang atraksiyon na binuksan sa publiko tampok ang tinatayang 1,000,000 (isang milyong) Christmas lights gamit ang Isang energy efficient technology na simisimbolo sa katatagan at pananampalataya ng mga Taguigenyo. Bukod sa mga nagniningning na Christmas lights, mayroong Little Drummer Boy at Nativity Scene …
Read More »
Sa Batangas City
KALSADA BUMIGAY SA HUKAY NG ITINATAYONG POWER PLANT
BUMIGAY ang bahagi ng isang kalsada sa Brgy. Dela Paz, sa lungsod ng Batangas, nang humina ang pundasyon nito dahil sa patuloy na paghuhukay para sa itinatayong power plant nitong Martes, 29 Nobyembre. Ayon sa imbestigasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH), bumigay ang pundasyon ng kalsada sa ilalim nito at rumagasa ang tubig mula sa dagat patungo …
Read More »
Magulang, pedestrian sugatan sa sumemplang na motorsiklo
SANGGOL NAGULUNGAN NG DUMP TRUCK, PATAY
PATAY ang isang 7-buwang gulang na sanggol nang magulungan ng isang dump truck habang sugatan ang kanyang mga magulang nang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo matapos iwasan ang isang tumatawid na babae sa Sitio Pukatod, Brgy. Payao, sa bayan ng Binalbagan, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Martes, 29 Nobyembre. Binawian ng buhay ang sanggol na babae habang sugatan ang kanyang mga …
Read More »
Sa Bulacan
2 DRUG DEN SINALAKAY, 9 TULAK NAKALAWIT
NABUWAG ng pulisya ang dalawang drug den sa lalawigan ng Bulacan matapos salakayin at maaresto ang mga sinabing ‘operators’ sa isinagawang anti-illegal drugs operation nitong Martes ng gabi, 29 Nobyembre. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, dakong 10:00 pm kamakalawa nang magkasa ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng San Jose del Monte CPS …
Read More »
Sa Guyong triangle
74-ANYOS LOLA SINORO NG DUMP TRUCK, PATAY
BINAWIAN ng buhay at halos nagkalasog-lasog ang katawan ng isang 74-anyos lola nang masoro ng isang dump truck sa sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 29 Nobyembre. Sa nakalap na ulat, kinilala ang biktimang si Gloria San Jose, 74 anyos, nangangalakal at residente sa Sitio Marjanaz, Brgy.Guyong, sa nabanggit na bayan. Nabatid na dakong …
Read More »Rey Paulo Ortiz ibinahagi sa charity at mga katunggali perang napanalunan sa 2022 Prince Tourism Ambassador Universe
MATABILni John Fontanilla NAKAMAMANGHA ang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe na si Rey Paolo Ortiz dahil imbes na i-enjoy ang napanalunang pera na $2,000, mas pinili nitong ibahagi ang napanalunan sa kanyang mga nakalaban at ang natira ay ibinigay naman sa charity. Masaya si Paolo na nakuha niya ang title at ilang special awards tulad ng Best in talent, Flower Prince of The Night during semi …
Read More »
Kumuha ng police clearance,
MISTER ARESTADO SA 6 TAX CASES
INARESTO ang isang mister nang madiskubreng may nakabinbing siyang warrant of arrest habang kumukuha ng national police clearance sa Valenzuela City. Kinilalala ang akusado, nasa talaan ng most wanted persons (MWP) na si Ralph Joseph Alejandrino, 35 anyos, residente sa Brgy. Balangkas ng nasabing lungsod. Kaugnat nito, pinapurihan ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, …
Read More »
Umawat sa away
22-ANYOS BEBOT ‘SINUNDANG’ NG KAAWAY NG NANAY
SUGATAN ang isang 22-anyos babae na umawat sa pananaga ng isang ginang na nakaaway ng kanyang nanay, sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Patuloy na inoobserbahan sa Philippine Orthopedic Center (POC) ang biktimang kinilalang si Tricia Mae Lim, 22 anyos, residente sa Brgy. San Roque sanhi ng mga taga sa kanang kamay. Kusang loob na sumuko ang suspek na kinilalang …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com