APEKTADO na rin ng “Aldub Fever” ang Palasyo. Napag-alaman, tinapos nang maaga ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang regular press briefing kahapon dahil nagsisimula na ang “AlDub Kalyeserye” segment sa noontime show na Eat Bulaga sa GMA-7. Tumagal lamang ng 30 minuto ang regular media briefing ni Laceirda na sinimulan bandang 1 p.m. upang makahabol na mapanood ang “Aldub.” “It’s …
Read More »Probe vs PNoy, Abad sa DAP — Ombudsman
INAMIN ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, iniimbestigahan na ng Office of the Ombudsman sina Pangulong Benigno Aquino III, Budget Sec. Florencio “Butch” Abad at iba pang opisyal na lumalabas na sangkot sa pagbuo at implementasyon ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Sinabi ni Morales, nagsasagawa na sila ng moto proprio investigation sa DAP kasabay ng pagsisiyasat sa mga reklamong naihain sa kanilang …
Read More »Protesta ng Iglesia umatras na
PAGKATAPOS nang halos tatlong araw na protesta sa ilang bahagi ng EDSA, umatras na ang Iglesia Ni Cristo at pinauwi ang kanilang mga miyembro kahapon ng umaga. Sa isang pahayag, inianunsiyo ni INC General Evangelist Bienvenido Santiago na nakapag-usap na ang kanilang panig at ng pamahalaan at naipaliwanag nang mabuti ang posisyon ng gobyerno. Tinanggap ito ng INC kaya’t pinatigil na …
Read More »‘NRD’ inismol ng Palasyo
MINALIIT ng Palasyo ang ilulunsad na “No Remittance Day” ng grupong Migrante bilang protesta sa pagtatakda ng gobyerno ng P600-milyong revenue sa balikbayan boxes. Iginiit ng Migrante na hindi dapat ituring ng gobyerno na “milking cow” ang overseas Filipino workers (OFWs). Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., walang dapat ikabahala sa “No Remittance Day” dahil dati na itong ginawa …
Read More »Piyansa ni Enrile sablay sa batas
HINDI nakabatay sa batas ang pagpayag ng Korte Suprema na makapagpiyansa si Sen. Juan Ponce-Enrile sa kasong plunder. Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III sa Cebu City. Hindi aniya ikinonsidera ng Supreme Court ang mga ebidensiyang inihain laban kay Enrile na nagsasangkot sa senador sa pork barrel scam. “Importante yatang kilalanin na ‘yung sa desisyon ng Korte …
Read More »House arrest kay CGMA tinutulan ni Aquino
TUTOL si Pangulong Benigno Aquino III na isailalim sa house arrest si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. “Aano ba ang value, dadalhin siya sa bahay? Ilalayo mo doon sa pagamutan. Kung ang dahilan nga nasa pagamutan siya dahil may isyu siya sa kalusugan. So anong magagawa roon sa bahay na hindi magagawa ng hospital? Bakit ilalayo mo …
Read More »Granted bail ng SC kay JPE rerepasohin ng Palace legal team
REREPASOHIN ng legal team ni Pangulong Benigno Aquino III ang desisyon ng Korte Suprema na nagpahintulot na magpiyansa si Sen. Juan Ponce-Enrile sa kasong plunder, isang non-bailable offense. “Well, normally, of course the… kasama po riyan ‘yung legal team ng Pangulong Aquino and the… as mentioned by Secretary (Leila) de Lima, she is batting for the prosecution to file an …
Read More »Death anniv ni Robredo special working holiday
IDINEKLARA ng Malacañang bilang special working holiday ang kamatayan ni DILG Secretary Jesse Robredo sa buong bansa. Nilagdaan kamakalawa ni Pangulong Aquino ang RA 10669 na nagdedeklara na special working holiday ang Agosto 18 bilang paggunita sa kamatayan ni Robredo. Dahil isang special working holiday ang Agosto 18 kada taon, nangangahulugan na may pasok sa lahat ng tanggapan at may …
Read More »Hindi Estrada at Arroyo ang apelyido ko — PNoy (Sa udyok na tumakbong bise)
“HINDI naman Estrada at Arroyo ang apelyido ko.” Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa pag-uudyok sa kanyang tumakbong bise-presidente ni administration presidential bet Mar Roxas sa 2016 elections. Sina dating pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal- Arroyo ay parehong tumakbo sa mas mababang posisyon. Ayon sa Palace source, malabong magkatotoo ang Mar-Noy tandem dahil ayaw nang …
Read More »32nd anniv ni Ninoy gugunitain
GUGUNITAIN ngayon ng pamilya Aquino sa isang misa ang ika-32 death anniversary ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., sa Manila Memorial Parak sa Parañaque City. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kasama ni Pangulong Aquino ang kanyang mga kapatid, kaanak at malalapit na kaibigan sa pagbisita sa puntod ng kanyang ama. “Noong mga nakaraang taon nasaksihan natin ang …
Read More »LP ibasted, tumakbong independent (Hiling kay Grace Poe sa kaarawan ni FPJ)
SA KAARAWAN ni Fernando Poe Jr. (FPJ), bigyang dangal ang kanyang alaala sa pamamagitan ng pagtakbo bilang independent at isakatuparan ang hangarin para sa mahihirap. Ito ang payo kay Sen. Grace Poe ni Sen. Tito Sotto ngayong Martes kasabay ng panawagan na huwag paunlakan ang imbitasyon ng Liberal Party (LP) na maging katambal ni Interior and Local Government Secretary Manuel “Mar” Roxas …
Read More »Namatay na Pinay sa Bangkok bombing bineberipika pa — DFA
WALA pang kompirmasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa napabalitang isang Filipina ang namatay nangyaring pagsabog sa Bangkok, Thailand. Nilinaw kahapon ni DFA spokesperson Charles Jose, patuloy pa nilang beniberipika ang nasabing impormasyon. Nagpadala na rin aniya ng mga opisyal ang embahada ng Filipinas sa ospital kung saan isinugod ang mga biktima makaraan ang pagsabog sa Hindu Shine …
Read More »Walang forever — Palasyo (Sa paghihintay kay Poe)
HINDI puwedeng maghintay nang habambuhay ang Palasyo sa desisyon ni Sen. Garce Poe kung payag na maging vice-president ni administration presidential bet Mar Roxas sa 2016 elections, ayon kay Presidential Spokesman Edwin lacierda. Ngunit hanggang ngayon aniya ay umaasa pa rin ang Liberal Party (LP) at administration coalition sa desisyon ni Poe upang maging running mate ni Roxas na manok …
Read More »Pol ads idinepensa ng Palasyo
KINUWESTIYON ng Palasyo ang pagpuntirya ng Bayan Muna party-list group sa mga anunsiyo ni administration presidential bet Mar Roxas gayong hindi lang naman siya ang may political ads na. Sinabi ni Presidential Spokesman, maraming anunsiyo na ang naglabasan at ang pagpuntirya lang ng Bayan Muna kay Roxas habang tahimik sa ibang kandidato, ay masyadong halata na may kinikilingan ang progresibong …
Read More »Palasyo nakiramay sa pagpanaw ng Olympian
NAKIISA ang Palasyo sa pagluluksa ng sambayanang Filipino sa pagpanaw ng outstanding Olympian at respetadong business leader na si Arturo Macapagal. Sa isang kalatas, sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., naging kinatawan ng bansa si Macapagal sa 1972 (Munich) at 1976 (Monteal) Olympic Games at hinawakan ang national record sa Olympic free pistol shooting nang mahigit 21 taon. Si …
Read More »5 bagong barko ng Navy ibinida ni Aquino
IPINAGMALAKI ni Pangulong Benigno Aquino III na mapapabilis na ang paghahatid ng ayuda sa mga biktima ng kalamidad sa limang bagong barko ng Philippine Navy. Sa kanyang talumpati sa change of command ceremony sa Navy headquarters kahapon, inianunsiyo ng Pangulo na nasa pag-iingat na ng PN ang dalawang Landing Craft heavy mula sa Australia. Tatlo pa aniya ang target na …
Read More »Pagdilao kay De Lima: SAF 44 killers kasuhan na
AMINADO si ACT-CIS partylist Rep. Samuel Pagdilao na walang katiyakan na pakikinggan nina Interior Sec. Mar Roxas at Justice Sec. Leila de Lima ang kanyang panawagang bago bumaba sa puwesto ay isaalang-alang ang hustisya ng SAF 44 na namatay sa Mamasapano massacre. Sinabi ni Pagdilao, dating police officer, desmayado siya sa naging takbo ng imbestigasyon dahil imbes ang mga nagmasaker …
Read More »Atake kay PNoy strategy ni Binay
NANINIWALA ang Palasyo na habang in-atake ni Vice President Jejomar Binay si Pangulong Benigno Aquino III ay lalong tumitingkad ang mga isyu ng korupsiyon laban sa Bise-Presidente. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang patuloy na pagbatikos ni Binay kay Pangulong Aquino ay pagsusulong ng desperadong politika habang ang administrasyong Aquino’y ipinaiiral ang politika ng pag-asa. “The more he attacks …
Read More »Black prop vs Poe ‘di pakana ng Palasyo
ITINANGGI ng Malacañang na sila ang nasa likod ng mga propaganda laban kay Sen. Grace Poe lalo na ang isyu sa kanyang citizenship. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi nila ito magagawa kay Poe dahil inaalok nga nila ang senador na maging running mate ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas. Iginiit niya na hindi sila maninira at wala …
Read More »Plataporma ni VP Binay sa 2016 presidential election hungkag (Ayon kay PNoy)
HUNGKAG ang plataporma ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 presidential elections. “Mahirap magbenta ng produkto na abstrakto. May nagsasabi na gaganda ang buhay n’yo. Ngayon hinihintay ko kung paano. Paano lalong sasagana ang buhay ng Filipino,” sabi ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagtitipon ng mga miyembro ng Liberal Party sa Gloria Maris restaurant sa Greenhills, San Juan City …
Read More »Mar Roxas nagpaalam na sa DILG
HINDI pa man pormal na nagbibitiw bilang kalihim ng DILG ay nagpaalam na si Secretary Mar Roxas sa mga kasamahan niya sa ahensiya kasunod ang pag-endorso sa kanya bilang kandidato ni Pangulong Noynoy Aquino noong nakaraang linggo. Sa lingguhang flag ceremony ng PNP, sinabi ni Roxas na marami pang plano para sa mga ahensiyang nasa ilalim ng DILG, ngunit kailangan …
Read More »Mahirap at jobless, lumala sa PNoy admin — Binay
TULAD nang inaasahan, pawang batikos at inungkat ni Vice President Jejomar Binay ang mga isyu sa sinasabing ‘palpak at manhid’ na administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino. Sa kanyang tinaguriang True State of the Nation Address (TSONA) sa Cavite State University sa Indang, Cavite nitong Lunes ng hapon, inisa-isa ni Binay ang mga kapalpakan ng pamahalaan ni Aquino kabilang na …
Read More »Binay 5 taon pumalakpak sa sinasabing palpak ngayon — Palasyo
LIMANG taon kang pumapalakpak noon sa mga sinasabi mong palpak ngayon. Ito ang buwelta ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa inihayag na True State of the Nation Address (TSONA) ni Vice President Jejomar Binay kahapon. Sa kanyang “True SONA” binatikos niya ang aniya’y palpak at manhid na administrasyong Aquino. Habang ayon kay Budget Secretary Florencio Abad, hindi siya nakinig sa …
Read More »Kamay ni Mar itinaas na ni PNoy (Para sa 2016 polls)
PORMAL nang inendorso ni Pangulong Benigno Aquino III si Interior Secretary Mar Roxas bilang kanyang manok sa 2016 presidential elections. Ang pinakaaabangang anunsiyo ay ginawa ni Pangulong Aquino sa pagtitipon ng Liberal Party na tinaguriang “A Gathering of Friends” sa makasaysayang Club Filipino sa San Juan City, ang lugar kung saan ininendorso rin siya ng Liberal Party bilang 2010 presidential …
Read More »‘E ‘di Wow! — Palasyo (Sa ‘Binay kontra SONA’)
MINALIIT ng Palasyo ang plano ni Vice President Jejomar Binay na maghayag ng ‘tunay’ na State of the Nation Address (SONA). “E ‘di wow,” tila sarkastikong sagot ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda nang tanungin ang reaksiyon ng Palasyo sa “true SONA” ni Binay. Aniya, ang SONA ni Pangulong Benigno Aquino III ay batay sa technical report mula sa mga opisyal …
Read More »