Palasyo nakiramay sa pagpanaw ng Olympian

NAKIISA ang Palasyo sa pagluluksa ng sambayanang Filipino sa pagpanaw ng outstanding Olympian at respetadong business leader na si Arturo Macapagal.

Sa isang kalatas, sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., naging kinatawan ng bansa si Macapagal sa 1972 (Munich) at 1976 (Monteal) Olympic Games  at hinawakan ang national record sa Olympic free pistol shooting nang mahigit 21 taon.

Si Macapagal aniya ay kinikilalang leader sa automotive industry at masugid na tagasuporta ng iba’t ibang socio-civic organizations gaya ng Habitat for Humanity at Scholarship Foundation for the Filipino Youth, na nagsilbi siyang chairman.

Si Macapagal ay nakatatandang kapatid ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.