This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
KINUWESTIYON ng Palasyo ang pagpuntirya ng Bayan Muna party-list group sa mga anunsiyo ni administration presidential bet Mar Roxas gayong hindi lang naman siya ang may political ads na.
Sinabi ni Presidential Spokesman, maraming anunsiyo na ang naglabasan at ang pagpuntirya lang ng Bayan Muna kay Roxas habang tahimik sa ibang kandidato, ay masyadong halata na may kinikilingan ang progresibong party-list group.
Ang pahayag ni Lacierda ay bilang tugon sa pagkuwestiyon ng Bayan Muna sa pinagmumulan ng pondong ginugugol sa naglabasang political ads ni Roxas.
Binigyang-diin ni Lacierda, nakasisira sa kredibilidad ng Bayan Muna ang napaka-obvious na pagpabor nila sa katunggali ni Roxas.
โSa dami nang lumabas na mga ads diyan, ang nakita nโyo lang na ad kay Secretary Mar Roxas? Hinintay nโyo ba โyung ad lang ni Secretary Mar Roxas? โYung mga iba hindi nโyo nakita? Hindi ba government officials din โyung ibang tao? Hindi ninyo tinanong โyung parehong tanong: what is sauce for the goose is sauce for the gander? Basic lang โyon. Kaya medyo may pagka-obvious ang kinikilingan ng Bayan Muna. Medyo nakasisira sa kredibilidad nila,โ ani Lacierda.
Sa 20 taon aniya ni Roxas sa gobyerno ay hindi niya ginamit ang posisyon at pondo ng bayan para sa personal na kapakanan.
Sa endorsement speech ni Pangulong Benigno Aquino III kay Roxas bilang 2016 presidential bet ng Liberal party, pinuri niya ang hindi pagsawsaw ng pamilya ng kalihim sa business process outsourcing (BPO) kahit siya ang nagpasimuno nang yumabong na industriya sa Filipinas.
Matatandaan, ilang beses nang nakuwestiyon ang pananahimik ng Bayan Muna sa mga anomalyang kinasasangkutan ni Vice President Jejomar Binay na sinuportahan nila noong 2010 elections.