Thursday , February 29 2024

Hindi Estrada at Arroyo ang apelyido ko — PNoy (Sa udyok na tumakbong bise)

 “HINDI naman Estrada at Arroyo ang apelyido ko.”

Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa pag-uudyok sa kanyang tumakbong bise-presidente ni administration presidential bet Mar Roxas sa 2016 elections.

Sina dating pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal- Arroyo ay parehong tumakbo sa mas mababang posisyon.

Ayon sa Palace source, malabong magkatotoo ang Mar-Noy tandem dahil ayaw nang maging politiko ni Pangulong Aquino pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2016.

Paulit-ulit nang ipinahayag ng Pangulo na hindi siya tatakbo sa 2016 elections dahil gusto na niyang magretiro at planuhin ang pagbuo ng sariling pamilya.

Sa isang panayam kamakailan ay sinabi niya na pagpatak ng pasado alas-dose ng tanghali sa Hunyo 30, 2016… bababa siya sa Palasyo at kakain sila nang masasarap na pagkain kasama sina Undersecretaries Rey Marfil at Usec. Jun Delantar.

About Rose Novenario

Check Also

SM Foundation farmer 1

From passion to prosperity
SM Foundation farmer-beneficiary now an agripreneur, draws inspiration from Henry Sy, Sr.

KSK alumna Virgie with some of her mushroom chicharon products Gone are the days when …

April Aguilar Brgy Pilar Las Piñas

VM Aguilar pinangunahan ang pagtulong sa mga nasunugan sa Brgy. Pilar

PINANGUNAHAN ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tulong sa mga …

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

UPANG panumbalikin ang mga bakawan sa mga baybaying barangay ng lalawigan, nakipagkaisa ang Pamahalaang Panlalawigan …

Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

NAGSAGAWA ng matagumpay na operasyon ang pulisya ng Bulacan kamakalawa, na nagresulta sa pagkaaresto ng …

Andre Perez Dizon

PBGen Dizon pinarangalan ng PNP NHQ (sa epektibong pamumuno sa hanay ng Kasurog Cops PRO5)

GINAWARAN ng “Medalya ng Katangitanging Gawa si Police Regional Office 5 Director PBGen Andre Perez …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *