This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
GUGUNITAIN ngayon ng pamilya Aquino sa isang misa ang ika-32 death anniversary ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., sa Manila Memorial Parak sa Parañaque City.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kasama ni Pangulong Aquino ang kanyang mga kapatid, kaanak at malalapit na kaibigan sa pagbisita sa puntod ng kanyang ama.
“Noong mga nakaraang taon nasaksihan natin ang pagtungo ni Pangulong Aquino at ng kanyang mga kapatid sa Manila Memorial Park upang magdasal at gunitain ang alaala ng kanilang ama,” wika ni Coloma.