Tuesday , October 3 2023

Probe vs PNoy, Abad sa DAP — Ombudsman

INAMIN ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales,  iniimbestigahan na ng Office of the Ombudsman sina Pangulong Benigno Aquino III, Budget Sec. Florencio “Butch” Abad at iba pang opisyal na lumalabas na sangkot sa pagbuo at implementasyon ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sinabi ni Morales, nagsasagawa na sila ng moto proprio investigation sa DAP kasabay ng pagsisiyasat sa mga reklamong naihain sa kanilang tanggapan kaugnay ng naturang programa, na respondent sina Pangulong Aquino, Abad at iba pa.

Ayon kay Morales, sa katunayan ay mayroon na siyang nire-review na bahagi ng investigation report kaugnay ng DAP complaints.

Mareresolba aniya ito sa loob ng isang buwan.

Aniya, hindi niya isasapubliko ang report ngayon, maliban kung may makita silang mga paglabag sa batas.

Paliwanag ni Morales, naglalabas lamang sila ng desisyon kung ‘approved for filing’ ang kaso base sa mga natuklasan nila sa isinagawang imbestigasyon.

Samantala, kinompirma rin ng Ombudsman na maghahain sila sa Korte Suprema ng ‘motion for reconsideration’ para ipabawi ang desisyong pumayag sa pagpipyansa ni Sen. Juan Ponce Enrile.

Pangulo ‘di maaaring sampahan ng kaso (Giit ng Palasyo)

HINDI maaaring sampahan ng kaso ang Pangulo ng Filipinas habang siya’y nasa puwesto.

Ito ang pahayag ng Palasyo kaugnay sa sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na iniimbestigahan ng kanyang tanggapan sina Pangulong Benigno Aquino III at Budget Secretart Florencio Abad kaugnay sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

“We wish to point out the Constitutional principle that an incumbent President of the Philippines is immune from suit,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Ngunit may kapangyarihan aniya ang Office of the Ombudsman na isagawa ang pagsisiyasat.

“The Office of the Ombudsman is empowered by law to conduct such investigation as stated by Ombudsman Conchita Carpio-Morales in reply to a question during a hearing on the proposed budget of her office in the House of Representatives,” ani Coloma.

Sa kanyang pagharap sa Committee on Appropriations sa Kongreso, inamin ni Carpio-Morales na ang pag-iimbestiga ng kanyang tanggapan sa papel nina Aquino at Abad sa DAP ay kusa o “motu propio” o kahit walang naghahain ng pormal na reklamo.

Kapag naaprubahan aniya ang fact-finding report na isusumite ng mga imbestigdor ay magsasagawa na ng preliminary investigation.

Noong 2014 ay idineklara ng korte Suprema na unconstitutional ang ilang bahagi ng DAP na ayon sa Palasyo ay isang economic stimulus initiative.

Naging kontrobersyal ang DAP nang ibulgar ni Sen. Jinggoy Estrada na ilang senador ang tumanggap ng tig-P50 milyon hanggang P100 milyon makaraan i-convict ng impeachment court si Chief Justice Renato Corona.

About Rose Novenario

Check Also

Lolo Social Media

May bagong ‘sinosyota’
LOLONG CHICK BOY BUKING SA SOCIAL MEDIA ACCOUNT, LOLANG NAKABISTO BINUGBOG  

KULONG ang isang 61-anyos lolo dahil sa pambubugbog sa live-in partner na 65-anyos lola matapos …

100223 Hataw Frontpage

14-wheeler truck pinutukan ng gulong
BABAENG SAKADA TODAS SA TONE-TONELADANG TUBO

BINAWIAN ng buhay ang isang babae matapos matabunan at malibing nang buhay sa ilalim ng …

TESDA ICT

Kulang na TESDA assessors pinuna ni Gatchalian

BALAK manng gobyerno na pondohan ang assessment at certification ng mga mag-aaral sa senior high …

Bong Revilla

Revilla Bill para sa lola at lolo aprobado sa Senado

“SOBRA tayong nagagalak at nagpapasalamat sa pagkakapasa ng ating una at prayoridad na panukala na …

4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng tulong pinansiyal sa ika-apat na batch ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *