Saturday , March 15 2025

Mahirap at jobless, lumala sa PNoy admin — Binay

TULAD nang inaasahan, pawang batikos at inungkat ni Vice President Jejomar Binay ang mga isyu sa sinasabing ‘palpak at manhid’ na administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Sa kanyang tinaguriang True State of the Nation Address (TSONA) sa Cavite State University sa Indang, Cavite nitong Lunes ng hapon, inisa-isa ni Binay ang mga kapalpakan ng pamahalaan ni Aquino kabilang na ang kontroberisyal na Luneta hostage crisis, Zamboanga siege, Yolanda tragedy, at Mamasapano massacre na aniya’y hindi natugunan nang maayos ng gobyerno kaya’t hindi nabanggit sa SONA ng punong ehekutibo.

Wala rin aniyang napala ang taong bayan sa SONA ni Aquino dahil panay paninisi at pagbubuhat ng bangko ang ginawa.

“Ang narinig natin ay ulat na punong-puno ng kwento, pagbubuhat ng sariling bangko at tulad ng mga naunang SONA, paninisi,” wika ni Binay.

Tahasang sinabi ni Binay, lalong humirap ang buhay ng ordinaruong mamamayan at dumami ang walang trabaho sa limang taon na pamamahala ni Aquino.

“Hindi makakamit ang tunay na ginhawa sa biyaheng ‘daan matuwid’ na manhid at palpak naman,” wika pa ng bise presidente.

Mistulang ipinamukha pa ni Binay ang kapabayaan ng pamahalaan sa isyu ng “SAF 44” dahil ginawa pa niyang backdrop sa kanyang TSONA ang larawan ng mga namatay na miyembro ng Special Action Force (SAF) Mamasapano encounter, at sa pagtatapos ng kanyang talumpati ay sumaludo siya sa imahen ng mga namatay na pulis makaraan banggitin ang lahat ng pangalan.

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Shabu

Higit P1.2-M shabu nasamsam, 2 armadong tulak tiklo sa Bulacan

SA KAMPANYA laban sa ilegal na droga at baril, naaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang …

Antonio Carpio Sara Duterte Chiz Escudero

Carpio kay Chiz  
EBIDENSIYA PROTEKSIYONAN VS VP SARA

Antonio CarpioSara Duterte Chiz EscuderoKASUNOD ng panawagan ng 1 Sambayan na simulan  ng Senado ang …

031325 Hataw Frontpage

FPRRD ‘di biktima, kundi mga pinatay sa war on drugs — Solons

ni GERRY BALDO NANAWAGAN sa publiko ang dalawang lider ng Quad Committee ng Kamara kahapon, …

Robin Padilla Rodrigo Duterte Bong Go Philip Salvador

Robin mapanindigan kayang samahan si Digong?;  Ipe emosyonal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang nahahati ang showbiz world nang dahil sa mga …

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

BILANG tugon sa mga hamon na kinakaharap ng persons with disabilities (PWDs) sa paghahanap ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *