Friday , April 4 2025

Rose Novenario

Bawas-pasahe ipaubaya sa LTFRB — Palasyo

DUMISTANSYA ang Palasyo sa panukalang bawas-pasahe ng transport groups kasunod nang sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ipinauubaya ng Malacanang sa Land Transportation Franchising regulatory Board (LTFRB) ang pagpapasya sa panukalang bawas-pasahe. Aniya, nasa mandato ng LTFRB na magdesisyon kung kinakailangang magpatupad ng fare adjustment. Tungkulin aniya ng …

Read More »

Rehab works sa ‘Yolanda victims’ mabagal — UN

AMINADO ang United Nations (UN) na nababagalan ito sa ginagawang rehabilitasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda kasabay ang pangambang abutan pa sila ng panibagong kasinglakas na bagyo. Sinabi ni UN Special Representative of Secretary General for Disaster Risk Reduction Margareta Wahlstrom, nababagalan sila sa ipinatutupad na rehabilitation works ng gobyerno sa mga sinalanta ng kalamidad dahil hanggang ngayon …

Read More »

Utang ng PH aabot na sa P6.6 Trilyon (Dahil sa CCT)

AABOT na sa P6.6 trilyon ang utang ng Filipinas dahil sa ipauutang na P18-B ng Asia Development Abank (ADB) para ipantustos ng gobyerno sa conditional cash transfer (CCT) program. Ibig sabihin, kung ang populasyon ng bansa ay mahigit 100 milyon, ang bawat Filipino ay may utang nang mahigit P61,000.  Sa talumpati ni Takehiko Nakao, pangulo ng ADB, sa Conference on …

Read More »

Mison sinibak ni PNoy (Sa Bureau of Immigration)

SINIBAK na ni Pangulong Benigno Aquino III si Siegfred Mison bilang commissioner ng Bureau of Immigration (BI) at itinalagang kapalit niya si Atty. Ronaldo Geron. “According to Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., President Aquino has appointed Atty. Ronaldo A. Geron, Jr., as Commissioner of the Bureau of Immigration effective 06 January 2016,” pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. kahapon. …

Read More »

Senado wala nang mapipiga sa Mamasapano probe — Palasyo

DUDA ang Palasyo na may mapipiga pa ang Senado na bagong ebidensya sa pagbubukas muli ng imbestigasyon sa Mamasapano incident. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sa pagkakaalam ng Malacañang, lahat ng mga ebidensya at testimonya hinggil sa insidente ay nailabas na sa ginanap na mga imbestigasyon ng Senado, Mababang Kapulungan , Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation …

Read More »

Palasyo nakatutok sa tensiyon sa Saudi vs Iran

TINIYAK ng Palasyo na nakatutok ang gobyerno sa umiiral na tensiyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran para sa kaligtasan ng maraming migranteng manggagawa. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mayroong koordinasyon ang gobyerno sa iba’t ibang embahada sa Gitnang Silangan partikular sa Saudi Arabia at Iran upang masiguro ang kaligtasan ng overseas Filipino workers  (OFWs). Aniya, nakatutok …

Read More »

Babala ni Brillantes binalewala ng Palasyo

BINALEWALA ng palasyo ang babala ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na sisiklab ang kaguluhan kapag nabigo ang Supreme Court na aksiyonan ang mga disqualification case laban kay Sen. Grace  Poe. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi makatutulong sa isyu ang ano mang espekulasyon ni Brillantes. Ipinauubaya na lamang aniya ng Palasyo sa Korte Suprema ang …

Read More »

Pagsibak kay Mison hinihintay ng palasyo

HINIHINTAY na ng Palasyo ang rekomendasyon ni Justice Secretary Benjamin Caguioa kung sisibakin na si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison at iba pang opisyal ng kawanihan. Ito ang pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa napaulat na tatanggalin na sa puwesto si Mison at dalawa pang opisyal ng BI bunsod ng mga kinasangkutang kontro-bersiya hinggil sa panunuhol …

Read More »

Media dapat magmuni-muni sa mensahe ni Pope Francis (Ayon sa Palasyo)

DAPAT samantalahin ng media ang pagsisimula ng taon para magmuni-muni sa mensahe ni Pope Francis na mag-ulat din ng magagandang balita. Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, isang taon na ngayong Enero mula nang ibahagi ni Pope Francis sa Filipinas ang mensahe ng “mercy and compassion” nang bumisita sa bansa. Ani Lacierda, sa Enero 24-31 ay magsisilbing host ang Cebu …

Read More »

Duterte tsismoso — Lacierda

TSIMOSO si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil ang pag-atake niya kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas ay walang basehan. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, maituturing na isang lightweight at tsismoso si Mayor Duterte dahil sa ginawang pag-atake kay Roxas na hindi muna bineberipika ang katotohanan sa likod ng kanyang mga alegasyon. Inakusahan ni Duterte na peke ang …

Read More »

Ratings ni PNoy pinakamataas pa rin — Palasyo (Kahit bumaba sa SWS survey)

PINAKAMATAAS pa rin ang rating ni Pangulong Benigno Aquino III kompara sa ibang naging president ng Filipinas sa kabila nang pagbaba nito sa bagong survey ng Social Weather Station (SWS), sabi ng Palasyo. “The latest results released by the Social Weather Stations (SWS) from their fourth quarter survey show that public satisfaction with President Aquino remains among the highest in …

Read More »

Binay camp itinuro ng Palasyo vs Grace Poe

ITINURO ng Palasyo ang kampo ni Vice President Jejomar Binay bilang pasimuno sa pagkuwestiyon sa kuwalipikasyon ni Sen. Grace Poe bilang 2016 presidential candidate. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, si UNA Interim Navotas Rep. Toby Tiangco ang unang nagbunyag sa publiko na labag sa Konstitusyon ang kandidatura ni Poe sa 2016 presidential elections. Binigyang-diin niya na kung nalaman agad …

Read More »

P31-B ibinayad ng gobyerno sa private schools (Imbes magpatayo ng silid-aralan)

UMABOT sa P31 bilyon ang ibinayad ng gobyerno sa mga pribadong paaralan para pag-aralin ang libo-libong maralitang estudyante imbes na nagpatayo na lamang mga dagdag na silid-aralan sa nakalipas na anim na taon. Ito ang nakasaad sa pag-aaral ng Canadian researcher na si Curtis Riep na pinondohan ng Education International,  isang pandaigdigang organisasyon ng mga guro sa 170 bansa. Ngunit …

Read More »

Media sinisi ni PNoy sa nabulgar na tanim-bala

ISINISI ni Pangulong Benigno Aquino III ang media sa pagkabuyangyang ng tanim-bala scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na umani ng batikos sa iba’t ibang parte ng mundo. Sinabi ni Pangulong Aquino, hindi naman ganoon talaga kalala ang insidente ng tanim-bala, pinalaki lang ng media at may nakinabang sa paglaki ng isyu. “Hindi naman yata ganoon ang nangyari. Medyo …

Read More »

‘Tax cut’ solons nagpapapogi lang — PNoy

NAGPAPAPOGI lang ang mga mambabatas na nagsusulong ng income tax cut, ayon kay Pangulong Benigno Aquino III. Sa media interview sa Pangulo sa Kuala Lumpur, Malaysia makaraan ang ASEAN summit kamakalawa, sinabi niya na kakapusin ang pondo ng gobyerno kapag tinapyasan ang 30% income tax kaya’t hindi matutustusan ang mga serbisyong panlipunan para sa mga mamamayan. Iginiit niya na wala …

Read More »

PNoy deadma sa pagtakbo ni Duterte

TIKOM ang bibig ni Pangulong Benigno Aquino III sa inaasahang pagsabak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 presidential elections. Sinabi ng Pangulo, wala siyang hawak na ano mang dokumento hinggil sa kandidatura ni Duterte sa 2016 presidential race kaya gaya ng iba, ang kanyang opinyon ay espekulasyon lang. Aniya, hindi naman siya ang magpapasya nang paglahok ni Duterte …

Read More »

‘Nakakabaong’ na Press Freedom ‘ililibing’ ng NUJP (Sa 6th anniversary ng Maguindanao massacre)

INIHAYAG ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), taliwas sa mga nakaraang taon ay magiging simple ngunit makabuluhan ang kanilang paggunita sa ika-anim anibersaryo ng Maguindanao massacre ngayong Lunes. Sinabi ni Alwyn Alburo, director ng NUJP, walang mangyayaring kilos-protesta bagkus isang silent march ang isasagawa ng kanilang grupo na susundan ng candle light vigil. Una rito, isang forum …

Read More »

$2-B ipauutang ng Japan sa PH (Para sa railway project)

DALAWANG bilyong dolyar ang uutangin ng Filipinas sa Japan para tustusan ang North-South Commuter Railway project. Ito ang nakasaad sa nilagdaang kasunduan nina Pangulong Benigno Aquino III at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa ginanap na bilateral talks sa Sofitel Hotel sa Pasay City kamakalawa ng gabi. Sakaling makompleto ang proyekto, mapapadali ang biyahe mula sa Tutuban,Tondo, Maynila hanggang Malolos, …

Read More »

Trudeau malabo (Sa basurang mula sa Canada)

WALANG plano si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na tuldukan ang mahigit dalawang taon pagdurusa ng mga Filipino sa tone-toneladang basura na ilegal na itinambak sa Filipinas mula sa kanilang bansa. Sa press conference ni Trudeau kamakalawa ng gabi sa International Media Center makaraan ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit, sinabi niya na kailangan pang amyendahan ang batas sa Canada …

Read More »

US todo-suporta sa PH vs China

BUO ang suporta ng Amerika sa isinusulong na arbitration case ng Filipinas kontra China kaugnay sa isyu nang agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). “We are not claimants ourselves, but we fully support a process in which through international law and international norms these issues are resolved. And we look forward to working with all parties to move …

Read More »

APEC leaders dumating na

MAGKAKASUNOD na dumating sa bansa ang mga head of states na dadalo sa 23rd Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC). Dakong 1 p.m. nang dumating si US President Barrack Obama lulan ng Air Force 1 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sumunod na lumapag din sa NAIA sina Australian Prime Minister Malcolm …

Read More »

TR-APEC-TA’DO (Angal ng commuters at motorista)

TRAFFIC tinarantado ng APEC o tr-APEC-ta’do. Ito ang sentimyento ng commuters na napilitang maglakad mula Coastal Road sa Parañaque City patungo sa Plaza Lawton sa lungsod ng Maynila kahapon resulta ng pagsasara sa Roxas Boulevard at iba pang kalsada sa Pasay City at Maynila upang bigyang-daan ang world leaders na lalahok sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit. Ang iba …

Read More »

Atake sa Paris WWIII piecemeal (Ayon kay Pope Francis)

ITINURING ni Pope Francis na “inhuman at piecemeal ng World War III” ang madugong pag-atake sa Paris na ikinamatay ng mahigit sa 120 katao. Labis na nasaktan ang Santo Papa sa aniya’y dahil mga inosenteng sibilyan ang mga nabiktima. Malapit si Pope Francis sa mga mamamayan ng France kaya ipinagdarasal niya lalo na ang mga biktima ng terroristic attacks. Nabatid …

Read More »

Hakot sa street dwellers dahil sa APEC inamin ng Palasyo

INAMIN ng Palasyo na may kinalaman sa paghahanda sa pagdaraos ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa bansa ang paghahakot ng pamahalaan sa mga pulubi at batang lansangan. Ito ang pahayag kahapon ni APEC National Organizing Council Director General Ambassador Marciano Paynor sa press briefing sa Malacañang kahapon. Taliwas ito sa naunang sinabi ni Department of Social Welfare and Development …

Read More »

No permit, no rally sa APEC Summit

NO permit, no rally policy pa rin ang ipatutupad na patakaran ng administrasyong Aquino para sa mga militanteng grupong nais maglunsad ng kilos-protesta kasabay nang pagdaraos sa bansa ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Nobyembre 17-20. Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang pipigilang grupo na magsasagawa nang malayang pamamahayag. Ang kailangan lang aniya ay kumuha ang ano …

Read More »