This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
DALAWANG bilyong dolyar ang uutangin ng Filipinas sa Japan para tustusan ang North-South Commuter Railway project.
Ito ang nakasaad sa nilagdaang kasunduan nina Pangulong Benigno Aquino III at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa ginanap na bilateral talks sa Sofitel Hotel sa Pasay City kamakalawa ng gabi.
Sakaling makompleto ang proyekto, mapapadali ang biyahe mula sa Tutuban,Tondo, Maynila hanggang Malolos, Bulacan.
Noong 2011, kinansela ng administrasyong Aquino ang railway project na ipinakontrata ng gobyernong Arroyo sa China National Machinery and Equipment Corporation (CNMEC) sa halagang $593 milyon dahil sa sinasabing korupsiyon.
Kahit naunsyami ang proyekto ay binabayaran pa rin ng gobyerno ang $400-million loan mula sa Exim Bank ng China para pondohan ito.