This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
DUMULOG sa inyong lingkod ang ilang residente sa Baliuag, Bulacan, kaugnay ng nakatatakot na operasyon ng ilegal na droga sa kanilang bayan.
Lalo na nang may nangyaring masaker na limang tao ang pinaslang kabilang ang isang menor-de-edad.
Mismong pulisya ang nagkompirma, droga ang isang anggulo na kanilang tinututukan sa pagpaslang sa mga biktimang kinilalang sina Axel John Batac, sa kanyang live-in partner na si Angel Romero; Mark Christian Bergonia, 16; Alvin Cruz, 42, at isang alyas “Kamote” isang Linggo ng madaling araw.
Lagos-lagos ang mga bala sa katawan ng mga biktima nang matagpuan sa loob ng isang nirerentahang apartment sa Garnett St., Barangay Sabang. Nakita rin sa crime scene ang halos 10 sachet ng shabu.
“Ano na ang nangyari sa kampanya ng Baliwag police at ng PDEA laban sa talamak na droga sa makasaysayang bayan na ‘yan ng Bulacan?”
Nakatatakot kung pababayaan lang na magpatuloy ang paglaganap ng droga sa nasabing bayan?
Nakapanghihinayang na ang bayan na minsang nakilala sa disiplina at kalinisan ay isa na ngayong bagsakan ng droga?!
Tsk tsk tsk…
Mukhang malabnaw ang kampanya ng Baliwag PNP laban sa ilegal na droga, kaya hindi na nakapagtatakang lumaganap ito.
Bilang advocate ng illegal drugs, paulit-ulit po nating sinasabi at ipinaaalala na ang ilegal na droga ay walang pinipili.
Edad, kasarian, katayuan sa buhay at sa lipunan.
Hindi pinag-uusapan dito kung mayaman o mahirap man. Ang dapat nating tandaan, kapag nahagip kayo ng ilegal na droga, tiyak wasak ang kinabukasan at buhay ninyo!
Sana ay maging mulat din ang awtoridad sa bayan ng Baliuag sa katotohanang ito.
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com