Babala ni Brillantes binalewala ng Palasyo

BINALEWALA ng palasyo ang babala ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na sisiklab ang kaguluhan kapag nabigo ang Supreme Court na aksiyonan ang mga disqualification case laban kay Sen. Grace  Poe.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi makatutulong sa isyu ang ano mang espekulasyon ni Brillantes.

Ipinauubaya na lamang aniya ng Palasyo sa Korte Suprema ang pagpapasya sa disqualification cases ni Poe base sa merito.

Naniniwala aniya ang Palasyo sa integridad ng mga mahistrado na magpapasya base sa inaasahan ng mga nagmamasid na sambayanan.

”We would like to believe the Supreme Court is cognizant of the ng SC expectations of the people. Speculations are not helpful,” ayon kay Lacierda.