This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
AABOT na sa P6.6 trilyon ang utang ng Filipinas dahil sa ipauutang na P18-B ng Asia Development Abank (ADB) para ipantustos ng gobyerno sa conditional cash transfer (CCT) program.
Ibig sabihin, kung ang populasyon ng bansa ay mahigit 100 milyon, ang bawat Filipino ay may utang nang mahigit P61,000.
Sa talumpati ni Takehiko Nakao, pangulo ng ADB, sa Conference on Sustaining the Gains of the Conditional Cash Transfer in the Philippines na idinaos sa auditorium ng ADB sa Mandaluyong City na dinaluhan ni Pangulong AQuino, sinabi niya na isinasapinal na nila ang pagpapautang ng $400 milyon o P18 bilyon para sa CCT program.
Ayon kay Nakao, nasubaybayan nila ang implementasyon ng CCT at nakita nila ang mga resulta nito.
Ang naturang soft loan ay babayaran sa loob ng 25 taon at may limang taon pang grace period.
Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon Soliman, una nang nagpautang ang ADB ng $400-M noong 2010 na matatapos na sa darating na Marso.
Habang ang $450-M din aniya ang ipinautang sa bansa ng World Bank.
Paglilinaw ni Soliman, nagamit ang mga naturang pondo sa loob ng limang taon at napakinabangan ng 909,000 households habang ang iba pa ay pinondohan ng pamahalaan.