Wednesday , May 1 2024

Rehab works sa ‘Yolanda victims’ mabagal — UN

AMINADO ang United Nations (UN) na nababagalan ito sa ginagawang rehabilitasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda kasabay ang pangambang abutan pa sila ng panibagong kasinglakas na bagyo.

Sinabi ni UN Special Representative of Secretary General for Disaster Risk Reduction Margareta Wahlstrom, nababagalan sila sa ipinatutupad na rehabilitation works ng gobyerno sa mga sinalanta ng kalamidad dahil hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang permanent housing ng mga biktima.

Kaya nababahala ang kinatawan ng UN na abutan nang susunod na malakas na bagyo na katulad ng bagyong Yolanda, ang mga biktima na hanggang ngayon ay nakatira pa rin sa temporary shelters.

Iginiit pa ni Wahlstrom, dapat makiisa sa gobyerno ang local government units (LGUs) gayondin ang komunidad sa pagsusulong ng disaster risk reduction upang malabanan ang climate change lalo’t palaging nakaharap sa iba’t ibang kalamidad ang bansa tulad ng bagyong Yolanda.

About Rose Novenario

Check Also

Apollo Quiboloy Risa Hontiveros

Hiling sa DFA
PASAPORTE NI QUIBOLOY KANSELAHIN — HONTIVEROS

HINILING ni Senadora Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang pasaporte …

Paul Kenneth Lucas PNP PRO4 Calabarzon

PRO 4A kasado sa tatlong-araw transport strike

Camp BGen Vicente P. Lim – Nagsagawa ng mga hakbanging proaktibo ang Police Regional Office …

Bulacan Police PNP

9 lawbreakers sa Bulacan, kinalawit

ANG NAGPAPATULOY na operasyon laban sa kriminalidad ng pulisya sa Bulacan ay humantong sa pagkaaresto …

PNP Donate Pilipinas

PNP nakipagtulungan sa Donate Pilipinas

NAGSAGAWA ng Community Outreach Program ang Donate Philippines sa pangunguna ni Myrna Reyes sa pakikipagtulungan …

DANIEL FERNANDO Bulacan

Gob. Fernando nanguna sa inter-agency program  BULACAN RIVERS BUBUHAYIN PARA BAHA KONTROLIN

INIHAYAG ni Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan, kasama ang mga kinatawan ng tanggapan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *