This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
TINIYAK ng Palasyo na nakatutok ang gobyerno sa umiiral na tensiyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran para sa kaligtasan ng maraming migranteng manggagawa.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mayroong koordinasyon ang gobyerno sa iba’t ibang embahada sa Gitnang Silangan partikular sa Saudi Arabia at Iran upang masiguro ang kaligtasan ng overseas Filipino workers (OFWs).
Aniya, nakatutok dito ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang masiguro na ligtas ang OFWs sa Saudi Arabia at Iran sa gitna ng umiiral na tensiyon.
May isang milyong OFW ang nasa Saudi Arabia habang mahigit 40,000 ang Filipino workers sa Iran.
Pinutol ng Saudi Arabia ang ugnayan nito sa Iran makaraang lusubin ng mga Iranian ang embahada ng Saudi sa Tehran nang mahatulan ng parusang bitay ang Iranian Shia religious leader na si Nimr al-Nimr.