ni MANNY ALCALA IPINAHAYAG ng Southern Police District (SPD) na nakakuha na sila ng lead ayon sa kanilang nakita sa dashcam ng sasakyan at cellular phone ng inambus at napatay na beteranong hard-hitting broadcast journalist na si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid, nang i-turnover sa pulisya ng naiwang pamilya ng biktima. Ayon sa nakababatang kapatid ng biktima na …
Read More »SPD may namumuong lead
Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA
ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo ng armadong riding-in tandem habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan nitong Lunes ng gabi, 3 Oktubre, sa lungsod ng Las Piñas. Kinilala ang biktimang si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid, komentarista sa kanyang programang “Lapid Fire” sa estasyon ng radyong DWBL, at may libo-libong …
Read More »300 pamilya biktima ng sunog sa pasay
TINATAYANG aabot sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumupok sa 50 kabahayan sa isang residential area nitong Miyerkoles ng gabi sa Pasay City. Sa ulat ng Pasay Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang bahay sa E. Rodriguez St., Brgy. 144, na naitala ang unang alarma dakong 7:27 pm. Naapula ang sunog makaraan …
Read More »Pinay OFW, 2 lalaki utas sa ‘gunman’
ni Manny Alcala TATLO katao ang napatay, kabilang ang isang babaeng Japan-based overseas Filipino workers (OFWs) nang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman kahapon ng madaling araw sa Taguig City. Kinilala ng pulisya ang mga napaslang na sina Marie Angelica Belina, 25, isang overseas Filipino worker (OFW); Mark Ian Desquitado, 35 Grab driver; at Tashane Joshua Branzuela, 22, estudyante. Isinugod ang …
Read More »
Riot sa Bilibid
3 PRESO PATAY 14 SUGATAN
ni MANNY ALCALA TATLONG preso ang napaslang habang 14 ang nasugatan sa naganap na ‘riot’ sa loob ng compound ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi. Sa inisyal na ulat ng BuCor, pasado 6:00 pm nitong Linggo, nang mangyari ang kagulohan sa magkabilang grupo ng mga preso na nakapiit sa maximum security compound ng New Bilibid Prison …
Read More »
Appointment ipinababawi kay Duterte
BANTAG NG BUCOR PERSONA-NON-GRATA SA MUNTINLUPA
PATULOY ang pagmamatigas ni Bureau of Corrections (BuCor) Director, Undersecretary Gerald Bantag na nasa tama ang kanyang ginagawa makaraang isara at lagyan ng harang ang kalsada na sakop din ng reservation compound ng Bilibid, hindi alintana ang prehuwisyo at hirap na daranasin ng mga residenteng nakatira sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City. Biyernes ng gabi nang magsagawa sa paglalagay ng hollow …
Read More »3 bata nalunod sa sapa
PATAY ang tatlong batang magkakapitbahay makaraang malunod sa sapa habang malakas ang ulan sa Las Piñas City kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Renz Lian Aquino, 7; Arkin Xavier Haresco, 9; at Alwayne Ross Tandoc, 12; pawang residente sa Bernabe Compound, Brgy. Pulanglupa Uno, Las Piñas. Sa inisyal na imbestigasyon, magkasama ang mga biktimang naglalaro at naliligo …
Read More »2 miyembro ng drug syndicate utas sa enkuwentro (P68-M halaga ng shabu kompiskado)
NAPATAY ng magkasanib na operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang hinihinalang miyembro ng drug syndicate na sinasabing nanlaban sa isinagawang buy bust operation sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, namatay ang mga suspek na kinilalang sina Jordan Sabandal Abrigo at Jayvee De Guzman, na umano’y miyembro …
Read More »50 bahay naabo sa sunog sa Munti (Residente tumalon sa ilog)
MAHIGIT 50 bahay ang natupok habang P1.3 milyong halaga ng aria-arian ang napinsala sa sunog na naganap sa residential areas sa Brgy. Cupang, Muntinlupa City. Ayon sa Muntinlupa Bureau of Fire Protection pasado 1:00 a.m. kahapon nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Purok 2, Aquino Compound PNR site, Brgy. Cupang. Mabilis na kumalat ang apoy sa …
Read More »Mayor Fresnedi umapela at iniutos na buksan (Pagsasara ng kalsada ng BuCor labag sa batas)
UMAPELA si Mayor Jaime Fresnedi sa pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) na gibain ang konkretong pader makaraang ipasara nila ang kalsada nitong Sabado na nagresulta sa pagpapahirap sa daan-daang residente na nakatira sa Southville 3, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City. Sa kanyang liham kay BuCor Director General Gerard Bantag, sinabi ng alkalde, “sense of compassion and soundness of reason in reconsidering …
Read More »Traffic enforcer sa Munti itinumba (P.2-M pabuya vs assasin)
MARIING kinondena nina Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi at Rep. Ruffy Biazon ang walang-awang pagpatay sa isang traffic enforcer na binaril sa ulo ng isang hindi kilalang suspek na naganap kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod. Dead on-the spot dahil sa isang tama ng bala sa likod ang biktimang si Daniel “Utoy” Manalo, 39 anyos, supervisor at miyembro ng Muntinlupa …
Read More »20,000 tablets ipinagkaloob ng Munti LGU sa DepEd
NAGKALOOB ang pamahalaang lokal ng Muntinlupa ng 20,000 tablets sa mga estudyante ng pampublikong paaralan sa lungsod para sa distance learning ngayong panahon ng pandemya. Ipinagkaloob ang mobile tablets ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi kay Muntinlupa Schools Division Superintendent, Dr. Dominico Idanan para sa pamamahagi nito sa mahihirap na public elementary, junior, at senior high schools. Ayon sa alkalde, …
Read More »P54-M shabu nakompiska sa mag-utol na big time drug dealer (Drug bust sa Munti)
TINATAYANG aabot sa P54.4 milyon halaga ng hininalang shabu ang nakompiska ng magkasanib na puwersa ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA), PNP, ISAFP at NICA sa dalawang lalaki sa isinagawang drug operation sa Muntinlupa City. Kinilala ni P/B Gen. Vicente Danao Jr., NCRP0 chief, ang mga suspek na sina Renzy Louise Vizcarra at Red Lewy Vizcarra, na inaresto matapos magpanggap …
Read More »Tumestigo sa ‘freedom for sale’… Ex-Legal Chief ng BuCor patay sa ambush
TINAMBANGAN ang isang suspendidong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ng dalawang armadong suspek habang sakay ng kanyang minamanehong pick-up van sa Muntinlupa City kahapon ng hapon. Apat na tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si Atty. Fredric Anthony Santos, dating chief legal officer ng BuCor. Sa inisyal na report ng Muntinlupa Police nangyari ang …
Read More »‘Tubong-lugaw cops’ sa kontrabandong puslit sinibak sa NBP
MULING nalagay sa kontrobersiya ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) makaraang masangkot ang 16 pulis na nagbabantay sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City dahil sa pagpupuslit ng ilegal na kontrabando para ibenta sa mga bilanggo kapalit ng ganansiyang ‘tubong-lugaw.’ Kaugnay nito, agad inalis sa puwesto ang mga nahuling pulis na nakatalaga sa pambansang piitan ng bagong itinalagang …
Read More »Pulis tinangkang areglohin… 2 tsekwa kulong sa P1.7-M suhol
KULUNGAN ang kinahantungan ng dalawang Chinese nationals nang tangkain nilang suhulan ng halagang P1.7 milyon ang hepe ng mga imbestigador ng Makati City Police Station kapalit ng paglaya ng ilan nilang kababayan na nadakip sa raid sa isang prostitution den sa lungsod. Nahaharap sa kasong bribery ang mga inaresto na kinilala ng pulisya na sina Zhang Xiuqiang, 32, at Fan …
Read More »Ex-parak tigbak sa riding-in-tandem; Traffic enforcer utas din sa Pasay
PATAY ang isang dating pulis-Pasay nang barilin sa ulo ng dalawang hindi kilalang armadong suspek habang kumakain kasama ang anak na lalaki at nadamay rin ang isang babae na tinamaan ng ligaw na bala sa isang karinderia, nitong Linggo ng gabi sa Pasay City. Dead on-the-spot sa pinangyarihan ang biktimang si Joselito Lopez, 46, dating nakalatalaga sa Station Intelligence Unit …
Read More »Star City tinupok ng ‘koryente’ (Nagsimula sa Snow World?)
MALAMLAM at hindi ririkit ang mga bituin sa kinagigiliwang amusement park ngayong Pasko matapos tupukin ng naglalagablab na apoy sa 14-oras na sunog ang Star City na nasa Roxas Blvd., Pasay City, na nagsimula kahapon ng madaling araw. Sa mga unang ulat, sinabing ang sunog ay nagsimula sa Snow World ng paboritong amusement park ng mga bata kasama ang kanilang …
Read More »Shootout sa Parañaque… 5 miyembro ng robbery hold-up group todas sa pulis
LIMANG lalaki na hinihinalang miyembro ng “Candelaria” robbery hold-up group, sinasabing sangkot sa nakawan at holdapan, ang napatay matapos manlaban sa mga pulis kamakalawa ng gabi sa Parañaque City. Kinilala ang mga napatay na sina Joseph Candelaria, at Nazzan Albao, kapwa dating miyembro ng Philippine Army (PA); at sina alyas Alenain, Aseras, at Cornoso, pawang dating miyembro ng Philippine Marines …
Read More »Rapper Loonie, 4 pa timbog sa drug bust
INARESTO ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Makati City ang sikat na FlipTop rapper na si Loonie at apat nitong kasamahan sa isinagawang buy bust operation sa basement ng isang hotel sa naturang lungsod kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati police ang mga suspek na si Marlon Peroramas, sa tunay na buhay, alyas …
Read More »NBP prison guard sinaksak ng convict na may sapak kritikal
ISANG prison guard ang malubhang nasugatan matapos saksakin ng isang bilanggo na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip kahapon ng umaga sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Isinugod sa NBP Hospital ang biktima na kinilalang si Correction Insp. Edgardo Ferrer, dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan bago inilipat sa ibang pagamutan para lapatan ng …
Read More »NBP records official itinumba sa parking
PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang opisyal ng New Bilibid Prison (NBP) sa pananambang ng hindi kilalang suspek lulan ng motorsiko habang binubuksan ang gate ng parking area kahapon ng hapon sa Muntinlupa City. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ruferto Traya, 53, assistant chief ng NBP Documents Section at nakatira sa Type B, NBP reservation Compound, Brgy. Poblacion, Muntinlupa. …
Read More »Sa Shangrila BGC… Negosyante arestado sa P8.5-M party drugs
NAARESTO ng mga operatiba ng Taguig police at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaking negosyante na hinihinalang miyembro ng sindikato. Nakompiska ang aabot sa P8.5 milyong halaga ng party drugs sa isang five-star hotel sa naturang lungsod kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Domingo Tanyao Uy Jr., 44, Filipino Chinese, negosyante, may address na 2803 Balete …
Read More »50 motorcycle riders dinakip (Noisy mufflers bawal na sa Munti)
MAHIGIT 50 drayber ng motorsiklo ang dinakip ng awtoridad dahil sa paglabag sa ordinansang mahigpit na ipinagbabawal ang malakas na ingay dahil sa pagtatanggal ng muffler sa motorsiklo na ipinatupad ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa. Karamihan sa mga kabataang riders na dinakip sa pagsalubong sa bagong taon ay lumabag din sa hindi pagsusuot ng helmet, at pagmamaneho nang walang lisensiya …
Read More »Ex-tanod todas sa ambush
PINAGBABARIL at napatay ang isang dating barangay tanod ng isa sa armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa Baclaran, Parañaque City, kamakalawa ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa ospital dulot ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jose Biona, residente sa Sitio Maligaya, Baclaran, Parañaque City. Ayon sa pulisya, dakong 10:00 pm, habang naglalakad ang biktima para …
Read More »