Sunday , May 26 2024

Rapper Loonie, 4 pa timbog sa drug bust

INARESTO ng mga ope­ratiba ng Drug Enforce­ment Unit ng Makati City ang sikat na FlipTop rap­per na si Loonie at apat nitong kasamahan sa isinagawang buy bust operation sa basement ng isang hotel sa naturang lungsod kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati police ang mga suspek na si Marlon Peroramas, sa tunay na buhay, alyas Loonie, David Rizon, Ivan Agustin, Albert Alvarez at kapatid nitong si Idyll Liza Peroramas.

Nadakip ang mga suspek dakong 8:45 pm sa basement ng condo­minium sa Polaris St., Brgy. Poblacion, Makati.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang mina­man­manan ang kilos ng grupo ni Loonie maka­raan silang makatanggap ng impormasyon na si Loonie umano’y nagbe­benta ng droga.

Nakipagkaibigan ang nagpanggap na poseur-buyer hanggang makuha nito ang loob ni Loonie at saka isinagawa ang transaksiyon kung saan nakabili ng high-grade marijuana o kush sa halagang P100,000 kapa­lit ng marked money.

Dito na inaresto si Loonie at apat niyang kasama at nakompiska ang 15 sachets ng mari­juana na nakasilid sa cellphone box.

Mariing itinanggi ni Loonie ang paratang sa kanya at sinabing nagtu­ngo sila roon para mag-gig sa hotel. Sasampahan ang mga suspek ng kaso dahil sa paglabag sa Compre­hensive Drugs Act Law at nakapiit sa Makati detention cell.

Nakilala at sumikat si Loonie sa kanyang ori­ginal hit song na “Tao Lang” at nagkamit siya ng award para rito.

(MANNY ALCALA)

About Manny Alcala

Check Also

Francis “Tol” Tolentino Puto Latik Festival Biñan

Puto Latik Festival ng Biñan suportado ni Tolentino

SUPORTADO ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang ika-14 taong pagdiriwang ng anibersaryo …

052424 Hataw Frontpage

Sa maagang renewal ng prangkisa
‘ANGAL’ NG BDO vs MERALCO NAHALUNGKAT SA KAMARA

NAKATANGGAP ng isang sulat ang House committee on legislative franchise na naglalaman ng reklamo mula …

052424 Hataw Frontpage

72-anyos nanay, bugbog-sarado sa 33-anyos anak

ni Almar Danguilan KULONG ang 33-anyos na binata matapos  bugbugin ang kaniyang 72-anyos na ina …

Bajaj Maxima Z Feat

Bajaj Maxima Z: Pang Negosyo na, Pang-Endurance pa!

SINONG mag-aakalang ang sasakyan na pang negosyo, pwede rin sa endurance challenge? Sa tipid, tibay, …

Alice Guo Chiz Escudero

Presumption nananatili – SP Chiz Escudero 
NAG-AKUSA vs MAYOR GUO DAPAT MAGLABAS NG PRUWEBANG HINDI SIYA PINOY

HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *