Thursday , June 4 2026
knife saksak

NBP prison guard sinaksak ng convict na may sapak kritikal

ISANG prison guard ang malubhang nasu­gatan matapos saksakin ng isang bilanggo na sinasabing may dipe­rensiya sa pag-iisip kahapon ng umaga sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Isinugod sa NBP Hospital ang biktima na kinilalang si Correction Insp. Edgardo Ferrer, dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan bago inilipat sa ibang paga­mutan para lapatan ng lunas.

Naganap ang pang­yayari pasado 8:00 am sa loob ng Maximum Security Compound, NBP, Brgy. Poblacion, Muntinlupa.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, nilapitan ng suspek na bilanggo na kinilalang si Wilson Topic, ang guwardiya, saka biglang inundayan ng saksak sa katawan.

Ayon kay Officer-in-Charge Asec. Melvin Buenafe ng Bureau of Corrections (BuCor) naospital ang suspek na preso sa psychiatric ward ng ospital ng NBP noong 23 Hulyo hanggang 3 Setyembre dahil sa schizophrenia.

Dinala agad sa Psychia­tric Ward ng NBP si Topic para sa pagsu­suri.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng NBP sa nangyaring pananak­sak ng isang preso at wala pang malinaw na dahi­lan kung bakit nagawa ito ni Topic.

Isinusulat ang balita ay hindi pa rin nakiki­pag-ugnayan ang mga tauhan ng NBP sa Muntinlupa Police kaug­nay ng pangyayari.

Hindi umano pina­yagan na makapasok sa loob ng NBP ang mga tauhan ng Muntinlupa Police para sa isasa­gawang imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Samantala, hiniling ni Senate President Vicen­te Sotto, sa National Bureau of Inves­tigation (NBI) ang masusing imbestigasyon sa bagong insidente na naganap sa NBP. (MANNY ALCALA/JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Manny Alcala

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …