Saturday , July 27 2024
dead gun police

Shootout sa Parañaque… 5 miyembro ng robbery hold-up group todas sa pulis

LIMANG lalaki na hinihinalang miyembro ng “Candelaria” robbery hold-up group, sinasa­bing sangkot sa nakawan at holdapan, ang napatay matapos manlaban sa mga pulis kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Kinilala ang mga napatay na sina Joseph Candelaria, at Nazzan Albao, kapwa dating miyembro ng Philippine Army (PA); at sina alyas Alenain, Aseras, at Cornoso, pawang dating miyembro ng Philippine Marines (PM).

Habang ang driver ng grupo ay kinilala sa alyas na Layco, lulan ng tumakas na van.

Ayon kay P/Col. Robin King Sarmiento, hepe ng Parañaque Police Station, unang naaresto ang dalawang miyembro ng “Candelaria” group makaraang mahulihan sila ng baril.

Unang nahuli ng mga tauhan ng Parañaque City Police si Andy Candelario, na nambi­biktima ng POGO workers at nagsisilbing taga-mensahe para sa mga Chinese loan sharks dakong 3:00 am.

Nabatid na ginamit ng mga awtoridad ang phone ni Capia kaya nahuli sina Candelaria at Albao sa  Macapagal Boulevard kamakalawa dakong 2:00 pm na nakuhaan ng isang Glock 22, caliber 40, at isang caliber 45 baril.

Matapos ang intero­gasyon, ikinasa ng puli­s-ya ang operasyon sa Brgy. Tambo, malapit sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dakong 9:15 pm.

Nakuha rin sa kanila ang isang brown na Toyo­ta Vios na may conduc­tion sticker na YX1038.

Para mahuli ang iba pang kasamahan ginamit ng mga awtoridad ang cellular phone ni Cande­laria para masukol nang makipagkasundo na magkikita sa Macapagal Avenue malapit sa PITX sa Bgy. Tambo.

Nang dumating ang isang van dakong 9:15 pm, bumaba ang tatlong lalaki ngunit nakatunog na may mga pulis sa paligid kaya nagpaputok sila habang pinasibad ng kanilang driver ang van upang makatakas.

Hanggang magpali­tan ng putok ang mga pulis at mga suspek pero mas handa at nasa maayos na puwesto ang mga alagad ng batas kaya napuruhan nila ang tatlong galing sa van habang natamaan rin sa crossfire ang unang mga nahuli na sina Candelaria at Albao.

Tinamaan ng bala sa dibdib ang isa sa mga pulis na si P/Lt. Bobby Lumiwan pero nakaligtas dahil sa suot na bullet proof vest.

Dinala ang mga labi sa People’s Funeral Homes para sa awtop­siya.

Narekober sa pinang­yarihan ang limang baril at iba pang mga gamit. (MANNY ALCALA, may kasamang ulat ni JAJA GARCIA)

 

About Manny Alcala

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *